CHAPTER 6

2184 Words
Chapter 6: BACK-UPS Alam kong sa huli ay maaari kong pag-sisihan ang napili kong desisyon pero hindi ngayon. Hindi ngayon. Ito na siguro ang pinaka-mahirap, at ang pinaka-hindi ko pinag-isipang desisyon sa buong buhay ko pero ito ang pinaka-madaling paraan sa lahat. Let's be real. Hindi ako agad makakapag-ipon ng thirty to thirty-five million pesos kahit na umutang pa ako kay Mia at Sydney. Mom's illness can't wait for a lifetime. Hindi ko naman puwedeng sabihin na 'Brain Cancer, wait ka muna diyan, ha? Mag-iipon muna ako, kalma ka lang diyan sa utak ni Mama', di'ba? Humugot ako ng malalim na hininga bago magbayad sa driver at tuluyang bumaba ng taxi. Sobra ang pasasalamat ko kagabi ng dumating si Mr. Liu, ang ama ni Mia, dahil kung hindi ay baka nabuwal na ako sa aking pagkakatayo at tuluyang nawala sa sarili. Ang buong akala ko ay magagalit si Mr. Liu tungkol sa nangyari sa mga kaibigan niya ngunit kalmado itong humarap kay Mr. Radcliffe. Ngumiti pa siya dito at sinabing gusto niya itong makausap ng pribado. Binigyan muna akong muli ni Mr. Radcliffe ng calling card bago siya lumabas ng silid kasama si Mr. Liu. Maybe they'll talk about Mr. Radcliffe's sudden entry into the private room without any permission. 'Don't lose it this time.' I remember Mr. Radcliffe whispering those words with his husky voice and while his hot breath touches my neck. He let out a sexy smirk before he turns his back on me. Hindi ako halos makagalaw noon sa aking kinatatayuan. Nanatili lang akong nakatitig sa pintong kaniyang pinaglisanan habang nanginginig ang kamay na may tangan ng calling card niya. Pagkadating ko sa address ng kompanya na nakalagay sa calling card ni Mr. Radcliffe ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sa nakikita. A large and very tall building was standing in front of me. Radcliffe Builders. Basa ko sa malalaking letra sa harapan ng building. Kumikinang ang asul na salamin na bumubuo sa gusali sa sinag ng araw at halos mabali na ang leeg ko sa pagtingala sa pinaka-tuktok nito. Sa hula ko ay aabot ito ng hanggang seventy to eighty floors. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga kailangan pang pumunta dito para sabihin sa lalaki ang naging desisyon ko. May personal number siya sa card na ibinigay niya sa akin at kung tutuusin ay puwede ko na lamang iyon tawagan, but I want to personally tell him about my decision and conditions para maayos namin itong mapag-usapan. Huminga ako ng malalim at nagsimula na akong maglkad papuntang entrance ng building. Kinakabahang ngumiti ako sa dalawang guard sa pangambang baka hindi ako papasukin pero agad din naman silang ngumiti sa akin pabalik. Kinapkapan lang muna ako ng lady guard at hiningian ng I.D bago papasukin dahil hindi ako empleyado ng kompanya. Dumeritso na ako agad patungo sa mga receptionist. Halos yumuko na ako habang naglalakad dahil hindi ko alam kung bakit ako pinagtitinginan ng mga tao dito.There was a long counter with two girls dressed in a very conservative white and red uniform. Ngumiti sa akin ang isa sa kanila kaya sa kaniya ako lumapit. "Good morning. How can I help you, Miss?" She asked politely with a smile on her face. "I'm looking for Mr. Radcliffe," Pagkasabi ko no'n ay agad na umarko ang kilay nito sa akin ngunit ang ngiti ay nanatiling nandoon. Pero halatang peke na. "Do you have an appointment?" Masungit na tanong nito. Problema nito? Kanina akala mo sobrang bait kung maka-ngiti pero ng malaman lang niya na si Mr. Radcliffe ang pakay ko ay biglang nag-sungit na? Adik ka, 'te? "I-... I don't have an appointment but—" "Miss, bumalik ka na lang sa susunod kapag may appointment ka na." Pa-simpleng inirapan ako nito. She even checked me out with her judgmental eyes as if I couldn't see what she was doing. "Tsk. Bakit ka pa ba pinapasok dito ng guard," mahinang bulong pa nito sa hangin na halatang sinadya din niyang iparinig sa akin. Bahagyang umawang ang labi ko dahil sa tinuran niya. Nagbaba ako ng tingin sa sarili ko. I was only wearing a simple pink blouse, paired with faded jeans, rubber shoes and a sling bag. I know I look simple but I also know that it is not as horrible as she looks at it. My eyes turns to slit. "Puwede bang tawagan mo na lang si Mr. Radcliffe, just informed him that I am here." Nakaramdam ako na hindi ako pagbibigayan ng babae kaya sinimulan ko ng ilibot ang paningin ko sa paligid para sa posibleng Plan B ko. "Pasensya na pero hindi ko puwedeng gawin iyan," She apologetically said with an obvious smirk on her lips. "Women often came here trying to seduce Mr. Radcliffe, at iyon ang pinaka-ayaw sa lahat ng CEO dahil naantala ang trabaho niya." Hindi na naman nakakapagtaka na madaming babae ang nagpupunta dito at sumusubok na bihagin si Mr. Radcliffe. He got the looks, the body and the wealth. What else could a girl ask for? "Pero, Miss—" "Hindi nga puwede!" She cut me off and shamelessly rolled her eyes on me. "Gusto mo ba talagang tumawag na ako ng security?" Banta pa niya sa akin at pinanlakhan ako ng mga mata. I sighed as a sign of defeat. Ngumisi pa ito sa akin bago ako umatras. But an idea popped inside my head when I glanced at the elevator. Pa-simpleng nag-iba ako ng deriksyon at nagtungo sa elevator. Napangiti ako ng malapad ng magtagumpay akong makapasok. Agad kong pinindot ang top floor kung saan karaniwang matatagpuan ang office ng CEO. Hindi ko alam kung suwerte ba ako dahil may nakasabay akong isang guwapong lalaki sa elavator. Muntik na nga akong mapasigaw ng makitang kulay asul ang mga mata nito. He has a fair skin and a pair of deep dimples sa parehas niyang pisngi. Nagpakilala siya sa akin bilang Alden. Bigla kong naisipan na itanong sa kanya kung saang floor ang office ni Mr. Radcliffe upang makasigurado. "Are you his girlfriend, fling, or sort of?" Instead of answering my question, he asked me instead. "N-no. But w-we're friends," tanging sagot ko na lamang. Bahagyang tumaas ang kilay nito sa akin pero hindi na din muling nagtanong. Nag-presinta siya sa akin na ihatid ako sa opisina ni Mr. Ford David, and I gladly accept it. Aarte pa ba ako? Hindi ko din naman alam kung saan iyon, baka mamaya ay maligaw lang ako. When we arrived at the top floor, my heart was hammering crazy inside my chest. I bit my lower lip nervously. "Are you alright?" Tanong ni Alden, siguro ay nahalata sa mukha ko ang kaba. I just noded as we start to walked through a long hallway. Lahat ng taong nadadaanan namin ay bumabati sa kanya ng good afternoon. Iniisip ko tuloy kung anong posisyon niya dito sa kumpanya. It is like everyone is respecting him. I looked at the tall orange-haired girl that was hurrying towards us. Her uniform was so thigh, her pencil skirt was really short, and she's wearing a very high heels. Bahagyang napatitig pa ako sa piercing niya sa ilong. "Hey, Alden, sino iyang kasama mo?" She asked coldly as her questioning eyes looked at me. May sakit na panandaliang dumaan sa mga mata niya. At parang awtomatikong umismid naman si Alden ng marinig ang boses ng babae. "She's Mr. Radcliffe's friend," patuloy parin sa pag lalakad si Alden while talking, habang ang babae naman ay patuloy lang din sa paghabol sa amin. "I heard that he's in a bad mood. You know he doesn't want to be bothered," seryusong saad nito bago humarap kay Alden. "Alden, I'm serious." "You're my secretary, and I'm your boss. f*****g stop talking to me in that way, show some respect," Alden said bitterly, not even looking at the girl in front of us. Nagulat pa ako sa pagmumura nito pero hindi ko na lang pinansin. Bigla namang napa-yuko ang babae. Halatang nasaktan siya sa sinabi ni Alden. "I'm sorry, Sir," mababa ang tuno nitong saad bago naka-yukong nag-walk out sa amin. Nakita ko nama ang biglang paglambot ng ekspresyon sa mukha ni Alden ng makaalis ang babae. Maybe he's guilty of what he said to her. "Can... Can you wait for me for a second? I... I just..." Umawang ang labi ko ng makita ang bahagyang pagkabalisa sa mukha nito habang nakatingin sa deriksyon na pinatunguhan ng babae. "O-oo naman!" Mabilis kong tugon. Mukhang may something din talaga sa kanilang dalawa ng babae. "Ituro mo na lang sa akin ang daan patungo sa office ni Mr. Radcliffe. Kaya ko na naman sigurong pumunta doon mag-isa." "Are you sure?" Alinlangang tanong niya at tumango naman agad ako. "Okay. Diretsuhin mo lang 'yan," saad niya at itinuro ang partikular na deriksyon. "Bilang lang naman ang mga office dito sa top floor dahil halos sakupin na ng office ni David ang buong palapag, kapag nakakita ka ng malaking wooden door ay iyon na mismo ang office niya. If you still can't find it, come back here and just wait for me." Ngumiti na lang ako sa kay Alden at tumango. Nang magpaalam na ito sa akin ay sinimulan ko ng tahakin ang daang itinuro niya. Hindi naman ako nabigo at nahanap ko din agad ang malaking pintuan. Binasa ko muna ang paligid ng aking labi bago maglakad patungo sa pinto. "Ehem..." I was about to reach the door knob when I heard someone cleared her throat. Napalingon ako sa gilid at doon ko natagpuan ang babaeng madiing nakatitig sa akin. She has a long and straight hair, and the make-up she wears made her look feirce and confident. Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Hi, I'm Clarissa Navarro. I'm the CEO's secretary," she said in a matter-of-fact. "What can I do for you, Miss?" "Hello, is... is Mr. Radcliffe's inside?" I said, pointing at the closed door. "Do you have an appointment?" She asked like what the receptionist asked me earlier. "I don't have, but he's expecting me." I tried to smile at her para hindi nito gaanong mahalatang nagdadahilan lamang ako. "Miss, Mr. Radcliffe is a busy person. At kung gusto mo talaga siyang maka-usap, magpa-schedule ka na lang ng appointment." "Ah, sige. Gawan mo ako ng schedule sa kanya. Kailan ba puwede?" Naiiling na humugot ito ng malalim na buntong hininga bago kuhanin ang Ipad sa ibabaw ng table at pumindot doon. "First week, next month. Tatawagan ka na lang namin para sa exact day and time." Kumuha muna siya ng papel at ballpen bago inilapit sa akin. "Isulat mo na lang diyan ang pangalan at number mo, at kung tungkol saan ang pag-uusapan niyo." "Wala bang mas maaga? Like now, later, or tomorrow?" umaasang tanong ko. "Kailangan ko na talaga kasi siyang maka-usap." "Sorry, pero kapag ginawa namin iyan ay kakailanganin mag-cancel ng ibang appointment si Mr. Radcliffe. At wala akong kakahayang gawin iyon, si Mr. Radcliffe lang. Kaya kung pwede lang, Miss, umalis ka na. Sinasayang mo lang ang oras ko." "That's not the right way to treat your boss' friend, Ms. Navarro." Sabay kaming napalingon ng babae ng may biglang magsalita. It's Alden. There was a goofy smile on his lips but something is telling me that he is dangerous. "Mr. Baltazar! Mukha pong napaaga kayo, mamaya pa pong two-thirty ang meeting niyo with Mr. Radcliffe." I can hear some nervousness in her voice. "What? Can't I go to my own cousin's company early? Early is better than late, right?" His left eye brow rose up. "Right!" Ms. Clarissa nodded her head like a good child to her father. "Let this beautiful woman come into David's office." He smirked as his gaze met mine. Muntikan na akong mapahawak sa balakang ko upang masiguradong hindi nalaglag ang panty ko dahil sa tingin na ibinibigay niya. Hindi na ako magtataka kung bakit magpinsan sila ni Mr. Radcliffe dahil sa lakas ng dating nila pareho. Mukhang noong nagpaulan ng magandang lahi ang Diyos ay ninuno nila ang pinaka-nag-enjoy. "But, Sir—" "Ako na ang bahala," he said with authority on his voice. Kahit na maliwanag ang mukha nito at parang hindi marunong magalit ay may kakaibang hatid na panganib ang bosses nito. "O-Okay, Sir." Wala ng nagawa ang babae kung hindi ang tumango dito. Bumaling muli sa akin si Alden at ngumisi. Alden knocked three times at the wooden door. Bumalik naman bigla ang kaba sa dibdib ko. I rubbed my sweaty hands on my shirt as I tried to breath normally. "Come in." Hearing that familiar deep voice sent wave of electricity through me. Ang seryuso ng boses nito. Hindi kaya totoo iyong sinabi ni Ate-Orange-Hair-Girl kanina na bad mood ngayon si Mr. Radcliffe? I bit my lower lip. Hard. "Go inside. Ganiyan talaga siya," Alden said while giving me an encouraging smile. Pilit naman akong ngumiti at tumango kay Alden. And then, he turned his feet and he started to walk away. Tumingin naman ako sa secretary ni Mr. Radcliffe na bumalik na sa pagkakaupo. Sana tama itong gagawin ko... sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD