CHAPTER 1

2593 Words
"Hey, beautiful!" Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng kindatan ako ni Dominic ng tuluyan akong makalapit sa bar counter. "You'll serve this in V.I.P room 8 after a moment." He pointed at the serving tray that is placed over the counter. "Hindi mo na ako kailangan pang bolahin dahil trabaho ko naman talaga ito." I jokingly rolled my eyes on him. "Hindi, ah! You're really beautiful." He gave me a gravelly chuckle that made me stare at him. I watch how his wavy hair sync in every move of his body. "Pogi ba?" He joked that made me looked at his intimidating dark gray eyes that can be easily mistaken as black, when he noticed that I am staring at him. Napa-iling na lang ako at nangingiting pinanood siya sa ginagawa. I was amazed on how he skillfully mixed the drinks like it was natural for him to do that. "Bakit parang ang daming customer ngayon?" Sumandal ako sa counter at pinanood ang crowd na nagkakagulo sa dance floor. They were all raising their hands in the air and dancing carelessly to the beat of music. At gaya ng natural mong makikitang tagpo sa loob ng bar, the place was loud, in a mess, and the smell of alcohol and cigarettes was all over the place. NeoBar was a spacious and high class bar so, having a lot of people was not really a problem. "Lagi namang ganyan tuwing Friday night. Hindi ka pa ba nasasanay?" Jimuel interfere. He placed a bucket of ice and bottle of beers into the other tray. He lazily glanced at me with his tired eyes. Halatang pagod at inaantok na ito dahil full shift ito ngunit pinipilit paring magtrabaho. "Kung sa bagay..." kibit-balikat ko. "Done." Dominic smiled as he placed a glass of bloody mary, a bottle of an expensive brand of whiskey, and a bucket of ice into the tray in front of me. "V.I.P 8, don't forget." I saw him grin a little as our hands touched when I picked up the tray. I secretly bit my lower lip when our eyes met. "I like you, Aisha. I like you, not just because of your beautiful face but because of a strong a personality and kindness you have in your heart." I blushed when I remembered his confession last week. "Sus, tama na ang tinginan! Trabaho muna bago landi, puwede?" Jimuel snapped at us. Dominic and I both shook our heads while chuckling. Umalis na ako mula sa pagkakasandal sa counter at tinahak ang daan patungo sa second floor kung nasaan ang mga V.I.P rooms. "Hey, babe! What's yah name?" "Sexy, dito ka muna!" "Pa-isa naman, Babeh!" I winced when some guys catcalled me when I passed by them but I just ignored them, like I always do. Hindi ko naman kasi sila puwedeng patulan dahil alam kong sarili ko lang din ang papagudin ko kung sakali man. Mga lasing sila, at mga lalaki pa. At sa mundong ito, mga lalaki ang pinakakumplikadong uri ng nilalang sa lahat dahil wala silang isang salita at madalas na iniisip nilang sila ang nasa pinakataas ng tatsulok kasi malalakas sila pero madalas naman ay hindi gumagamit ng utak. I stopped on my track when I'm already in front of the 8th room. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa noo at mga kamay ko habang nakatitig sa pintuan. Kahit na halos araw-araw ko na itong ginagawa ay kinakabahan parin akong pumasok sa mga V.I.P rooms. Hindi pa rin kasi matanggap ng sikmura ko ang kahalayang maaaring nagaganap sa loob ng mga silid. I understand why women are doing that kind of job but I just can't accept it. I unleashed a heavy sigh before I turned the door knob open. My head was on the ground as I slowly entered the room. I expected a flirtatious giggles or a voluptous moans but I was welcomed in an intense kind of silence. Halos manigas ang buong katawan ko ng dumapo ang paningin ko sa nag-iisang taong laman ng silid na iyon. I saw a guy, all in black, seating on the couch in the center of the room while his index finger is playing on his lower lip. He was like examining my whole body and my soul in the way his chocolate hawk eyes stared at me. Hindi ko pa man nakikita ang buong katawan nito ay alam ko ng malaki at matitigas ang kalamnan nito dahil sa paraan ng pagyakap ng damit sa katawan nito at paghapit ng mahabang manggas sa buong braso nito. His body is a body that every woman would die for. Bumalik ako sa katinuan nang makita ang bahagyang pag-angat ng sulok ng mga labi nito habang ang daliri ay nanatiling naglalaro dito. Tumikhim ako at ipinilig ang ulo. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may laway ba na tumulo mula sa aking labi. Ano bang nangyayari sa akin? Ayusin mo, Aisha! Kahit nanlalambot ang mga tuhod ko ay pinilit kong maglakad ng tuwid at normal palapit sa lalaki. "Good evening, Sir, t-this is your order," sinikap kong hindi mautal habang sinasabi iyon. Marahan kong inilapag ang tray sa ibabaw ng lamesa at isa-isang inilipat ang nilalaman nito. Hindi ko na sinubukang sulyapan pa ang lalaki dahil baka tuluyan na akong matumba at mawalan ng balanse dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Ngunit kahit na ganoon ay ramdam ko ang malalim na pagtitig niya sa bawat pagkilos ko. Umayos na ako ng tayo nang matapos. Papaalis na sana ako ng makaramdaman ng magaspang na kamay na pumaikot sa aking pulsuhan upang pigilan ako. Napa-igtad ako sa gulat dahil sa ginawa niya. Unti-unting umusbong ang kaba sa aking dibdib ngunit nagawa ko pa ding salubungin ang madilim niyang mga mata. "W-would you like anything else, Sir?" Nakita ko ang paglandas ng dila niya sa pagitan ng kanyang mga labi. He remained seated. His rough hands grazing against my skin sends an irrelevant feeling inside me. "You." "Sir?" I uttered, dumbfounded. "You. I want you," He mumbled using his deep and husky voice. Marahang kumunot ang noo ko nang makuha ang ibig niyang sabihin. My jaw dropped when I saw how his eyes traveled around my body like I am standing naked in front of him. I felt uncomfortable but I have to control myself, he's a VIP. Sa tindig at ayos ng pananamit niya ay alam mo ng hindi siya basta-bastang tao kaya't kailangan kong mas habaan pa ang pasensya ko. "Excuse me, Sir, pero hindi po ako tulad ng iniisip mo." I gritted my teeth. His fingers stopped from playing with his lips before he slowly get up from his seat, towering over me. Matangkad ako ngunit mas mataas siya kaysa sa akin kaya't umabot lang ako sa tapat ng baba niya. I want to take a step back, but I force myself not to. Gusto kong maramdaman niya na hindi ako apektado sa kanya kahit na nanlalambot na naman muli ang mga tuhod ko. "Look..." His voice was calm. "I want you. And I always get what I want, in any ways that I can. Let's not prolong our conversation because I don't like to waste my time, how much are you?" Napahinga ako ng malalim. Ang kaunting paghangang nararamdaman ko para sa kaniya kanina ay napalitan na ng inis. Oh, how I love to punch his face! Gusto kong takpan ang dibdib ko mula sa mga mga niyang madiing nakatitig sa mga ito. Sanay na ako sa mga panunutsot at mapagnasang mga tingin mula sa mga parokyanong mga lalaki dahil buong pagtatrabaho ko dito sa NeoBar ay lagi akong nakakarinig at nakakatanggap ng mga ganiyan ngunit may kakaibang hatid sa akin presensya ng lalaki dahil sa nagiging reaksyon ng katawan ko patungo sa kanya. "I will give you a straight answer, Mister, I'm not a slut or a p***y you can easily f**k. Stop wasting your time," saad ko habang pinagdidiinan ang mga katagang lumalabas mula sa bibig ko. I can't blame men in the way their body reacted at upon seeing me because it was normal for a man's nature. My smooth and creamy legs and the roundness bottom was exposed because of my black short and fitted shorts uniform. Sa pang-itaas naman ay hindi masyadong revealing dahil sa black long sleeve button-down shirt na may naka-burda sa kanang dibdib na logo ng NeoBar gamit ang kulay gintong sinulid at loose maroon tie. Ngunit kahit na ganoon ay hindi pa din nito maitago ang hugis ng aking dibdib. Hindi ko talaga kayang intindihin kung bakit kailangan pang isatinig ng mga lalaki kung gaano kadumi ang isip nila at kung bakit mababa ang tingin nila sa mga babae para hindi respetuhin. Hindi ko alam kung bakit mas nakakataas ang lalaki kaysa sa mga babae sa lipunan e, mas madalas naman nilang gamitin ang ulo nila sa baba kaysa sa nasa taas. I bit the inside of my cheeks. Gustuhin ko mang umiwas mula sa pagkakatingin sa mga mata niya ay hindi ko ginawa. I should slap on his face that I am not affected by him and I am not easy as he think. "Five hundred thousand..." with narrowed eyes and deep voice, he stated while directly looking at my hazel eyes. Napakurap ako at wala sa sariling umiling. I can't believe his guts! Lasing ba siya? "Cash, just for one night," he continued. The end of his lips moved upward when he slightly slant his face. And now, he is shamelessly looking at my breasts while biting his lower lip. Grabedabs! I can't believe that a man as handsome as him can be a total maniac! I took a deep breath to calm myself, before long I said. "Pasensya na, Sir, kailangan ko na pong bumalik sa trabaho ko. Nagsasayang lang po tayong dalawa ng oras dito and I have a lot of work to do, Sir. Maayos po ang trabaho ko dito at kuntento na ako sa kinikita ko." Five hundred thousand? Kung iisipin ay malaking halaga na iyon. Ilang buwan ko din iyong puwedeng pagtrabahuhan dito sa Bar. Puwede na akong makapag-aral ng maayos na walang iisiping trabaho at makakabayad pa ako ng tuition fee ng dalawa kong kapatid. I shook my head, keeping that thoughts away from my head. Maling-mali na isipin ko iyon. Hindi ako mababaw na tao upang isipin ang ideyang iyon para sa mga dahilang puwede namang gawan ng iba pang paraan. Hindi ako iningatan at pinalaki ng Mama ko para lang ibaba ang sarili ko. I gave the man in front of me a forced polite smile. "I've got to go, Sir. Just give us a call if you need anything else." His Adams apple moved. Agad kong iniwas and braso ko sa kanya ng subukan niya akong hawakan. "Baby, I'm offering you a lot of money. It's just for one night," He throatily said. It was like he is somewhat controlling himself from doing something. "Don't worry, I'll make sure that you'll enjoy it too. I'll make you scream my name, baby." Kumuyom ang kamao ko at tuluyan ng nandilim ang paningin sa lalaki. And soon after, I slapped him without thinking twice, without blinking and doubting about my move. I slapped him hard in his thick-f*****g face! He so persistent, and I hate it! Nakakabastos na talaga! Sinikap kong habaan ang presensya ko at kinusidera ang pagiging V.I.P niya ngunit ang hirap lang talagang gawin iyon lalo na kung pagod na 'ko sa trabaho at talagang bastos pa ang kausap ko. "Waitress po ako dito at hindi parausan. Kung gusto niyong maglabas ng init ng katawan, just j******f or just rent a w***e. Mayroon ditong mga babaeng handang magbigay ligaya sa 'yo pero hindi ako kabilang doon!" I exclaimed, almost yelling. I sighed heavily, feeling a little bad of some words that I have said but I don't want to take it back because I am terribly feeling bad right now. Binigyan ko siya ng masamang tingin while he was touching the reddening part of his face and eyes are popping out. I sly a smirk and was about to turn around to leave when I felt his hand encircled around my wrist. Napasunod na lang ang katawan ko sa kaniya ng hilahin niya ako palapit sa kaniya. Oh, my freaking god! He kissed me—No—Wait—He is kissing me! Grabedabs! Na-estatwa ako mula sa aking pagkakatayo at hindi na halos makagalaw dahil sa sobrang gulat ko sa ginawa niya. I felt his hand holding my jowl while the other one was on my nape, guiding me to move against his lips. Hinahalikan niya ako sa paraang gusto niyang kainin ang buong labi ko. Namanhid ang katawan ko at tila nag-black out na ang utak ko. He was pushing his tongue between my lips for an entrance but I keep my mouth shut. Nang tuluyang maproseso ng utak ko ang kasalukuyang nagaganap ay inipon ko ang buong lakas ko upang itinulak siya palayo sa akin sa abot ng aking kakayahan. Dahil na din siguro sa naka-inom siya ay nagawa ko siyang mapaatras ng ilang mga hakbang mula sa akin. At that point, I want nothing but to slap him in the face. And I just did. Straight and hard on the side of his face! Tumabingi ang mukha niya dahil sa impact ng sampal ko. Muli siyang napahawak sa namumulang pisngi niya at nagsalubong ang mga kilay. Kung kanina ay hindi pa masyadong halata ang pamumula ng pisngi niya ngayon ay halatang-halata na dahil sa maputing kulay ng balat ng lalaki. Sampalin ko pa kaya siya ng dalawang beses sa kabila para pumantay? Napaarko ang kilay ko dahil sa masamang tinging ipinupukol nito sa akin. Ay, teka? Ikaw pa talaga ang galit niyan? I am not done yet. I grabbed both of his shoulders and pulled him down before I kick him, where it hurts the most. Napahiyaw siya sa sakit dahil sa ginawa ko. Napaluhod siya harapan ko habang sapo-sapo ang kaligayahan niya. Tumingala ito sa akin at tila hindi makapaniwala sa ginawa ko. Satisfied enough, I smiled big and wide while looking back at his dark-flaring eyes like he was murdering me inside of his head. "What the hell? Why'd you f*****g do that? Are you out of your mind!?" Sigaw nito. I forced myself not to laugh while looking at him. Namumula na halos ang buong mukha at leeg nito dahil sa sobrang inis. Parang puputok na ang litid nito sa akin. Who is looking up now, jerk? "I'm am terribly sorry. Maybe, I was really out my mind," I sarcastically said. I placed my hands on my hips before I growl. "You know what? I don't care if you're a V.I.P customer or if I'll get fired after this. Alam ko sa sarili kong ginawa ko ang nararapat, I know myself worth and I know how to take care of myself. And next time, please, show some respect, not only to me but to all women. Masuwerte ka at wala akong sapat na oras dahil kung mayroon man ay hindi ako mangingiming kasuhan ka ng s****l harassment!" I exclaimed with my flaring nostrils. Standing with my chin held high, I gave him my victorious smile before I leave the room. Dumeritso ako sa comfort room pagkatapos ng pangyayaring iyon. Naghilamos ako ng mukha at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. I need to compose myself first bago ako bumalik sa trabaho. Pero sana lang ay may trabaho pa din ako bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD