Chapter 2: CALLING CARD
"Ang lalaking iyon... nababaliw na siya!" I hissed. Napapikit ako ng muling maalala ang paraan ng paghalik sa akin ng ekstrangherong lalaki kanina. His lips was so soft and sweet against my lips.
"Ano ba naman itong pinag-iiisip ko? Anong nangyayari sa akin?" Inis na bumukas ang mga mata ko nang maalala ang mga sinabi niya sa akin. Ipinilig ko ang ulo ko at itinukod ang dalawang kamay sa harap ng sink pagkatapos kong patayin ang faucet. "Pake ko ba sa five hundred thousand cash niya? Hmp! Mayayaman talaga..."
His lips tastes like heaven but his attitude sucks like hell! He just stole my freaking first kiss! Kainis! Agh!
In my 20 years of living here in this crazy world, ang bastos na bungaga pa ng lalaking iyon ang unang nakatikim sa labi ko! Pagkatapos kong ingatan ang sarili ko, sa ganito lang mawawala ang first kiss ko? At bakit sa lalaking iyon pa talaga napunta ang first kiss ko!? I don't even know him!
But I must admit, he has the body and the face. The word handsome will never be enough to describe how gorgeous he is. He had a prominent checkbones, proud and perfectly shaped nose, and he also has a strong and sharp jaw. You'll automatically get drawn by just staring at his dark chocolate eyes. And... and his lips was soft, sweet, and red. I can't believe how I loved the feeling of how he pressed his lips against mine. For a moment, I think it's magical.
I unconciously moaned while my eyes are half-closed, thinking about what happened earlier.
"Miss, okay ka lang ba?"
Literal na napatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita. Walang tao sa ng pumasok ako dito kaya't nagulat ako dahil hindi ko manlang siya namalayang pumasok. Ganoon na ba ako ka-okupado sa lalaking iyon para hindi ko na mapansin ang nagaganap sa paligid ko?
Napangiwi ako at marahang lumingon sa babae. Halatang nawe-werduhan ito sa akin dahil sa tindi ng pagkakakunot-noo nito. Iniisip kaya niyang nababaliw na ako?
Grabedabs! Nakakahiya!
May pa-ungol-ungol at pikit pa kasi akong nalalaman! Kasalanan talaga ito ng lalaking kumuha ng firs kiss ko!
"I'm... fine. Hehe." Napakamot ako sa gilid ng noo ko at binigyan siya ng pilit na ngiti.
Nakakahiya talaga! Inayos ko agad ang sarili at nagmamdaling lumabas mula sa comfort room. Ngunit kahit na bumalik na ako sa pagtatrabaho ay hindi nilubayan ng lalaking iyon ang isip ko. Hindi mawala-wala sa utak ko ang kung paano niya nakuha ang first kiss ko na dapat ay sa unang kasintahan ko ibibigay. Pakiramdam ko ay lutang parin ako sa lahat ng nangyayari sa paligid ko.
"Hoy, okay ka lang ba? Parang wala ka sa sasarili mo." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Jimuel sa harapan ko. He was eyeing me curiously. "Tingnan mo, lutang na lutang ka!" He pointed at my shocked face.
"Yeah, you look preoccupied. May nangyari ba?" I turned to look at Dominic. He looks worried.
Siguro ay napansin nila na medyo wala ako sa sarili ko. Pilit na ngumiti ako sa dalawa at umiling.
"Wala. I'm all right, just a little tired," sabi ko. Mukha namang naniwala silang dalawa dahil tumango lang sila sa akin at bumalik na sa trabaho.
"Three beers, please."
Rinig kong saad ng babaeng customer na agad namang dinaluhan ni Jimuel. Napatingin naman ako sa dalawang baso ng Dry Martini na ipinatong ni Dominic sa serving tray na nasa harapan ko.
"Table two," he said. May bahid pa din ng pag-aalala ang mga mata niya na nakapagpangiti sa akin. "Are you really okay?"
Hindi talaga ako nagtataka kung bakit gusto ko siya. He was so caring and sweet. And he value and love his family just like I do. Parehas naming inuuna ang pamilya namin kaysa sa sarili kaya kahit na alam namin na higit pa sa pagkakaibigan ang namamagitan sa aming dalawa ay hindi namin magawang ilagay sa next level ang relasyon namin dahil sa mga responsibilidad na nakapatong sa balikat namin. We both believe na kung kami talaga, kami din sa huli.
Bumigat naman bigla ang dibdib ko ng maalalang wala na ang first kiss kong ibibigay ko sana sa kanya kung sakali mang maging kami pagdating ng panahon.
Malalim akong humugot ng hininga. "Oo naman. Pagod lang siguro talaga ako."
"Magpahinga ka din kasi minsan at huwag puro trabaho at pag-aaral. Tao ka lang din."
Bahagyang natawa ako at napa-iling sa kanya. "Nagsalita ang madaming part-time. Natutulog ka pa ba?"
He chuckled because of what I said. "Kailangan, e." He shrugged his shoulders. "Pero seryusuhin mo ang sinabi ko, magpahinga ka."
Tumango na lamang ako sa kanya at kinuha na ang tray mula sa counter. Nang matapos ang shift ko ay agad akong tumungo sa locker room at nagbihis ng white T-shirt at pants.
"Ano yung inaarte-arte mo kanina?" Napalingon ako kay Ella ng magsalita ito.
"Huh?"
Sinara muna nito ang sariling locker bago tumingin sa akin. She crossed her arms and raised a brow at me.
"Huwag ka ngang magmaang-maangan diyan! Obvious naman na nagpapansin ka lang kay Jimuel, e!" She said while rolling her eyes.
I winced in disbelief. Waitress din si Ella kagaya ko at pareho din kami ng working time. Matagal na siyang may gusto kay Jimuel ngunit hindi siya magawang pansinin ng lalaki dahil gaya namin ni Dominic ay wala pa din sa isip nito ang makipag-relasyon dahil sa responsibilidad nito sa pamilya. At kahit pa alam ng lahat na may something kami ni Dom ay ako pa din ang dinadahilan niya kung bakit hindi sa kaniya nagkakagusto si Jimuel.
"Ano? Hindi ka makapag-salita? Hindi mo itatanggi? Kasi totoo, di'ba? Malandi ka!" She proclaimed and I just look at her with my lazy eyes.
I am tired, hungry, and sleepy. I have no time for her dramas so, istead of defending myself from her imputation I just gave her a genuine smile.
"Tapos ka na ba?" I asked and her jaw dropped. "Mauna na ako sa'yo, ha. Mag-ingat ka din pauwi. Goodnight."
Pagkatapos niyon ay linampasan ko na siya. Tinawag ako ni Ella ngunit nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Sa back door ng bar ako dumadaan pauwi sapagkat ayaw kong dumaan ngayon sa front door dahil maaring may makasalubong pa akong mga kriminal.
May usap-usapan kasi na kasali sa underground organization si Mr. Liu kaya hindi nahuhuli ng mga pulisya illegal na mga gawain dito Bar. Ang sabi ng iba ay may nangyayari underground and illegal transactions dito tuwing Friday night, at may mga malalaking kriminal at mga bosses ang nakikinabang dito dahil ginagawa nilang front ang bar para sa mga illegal business nila. Pero sa ilang taon ko namang nagta-trabaho dito sa NeoBar ay wala pa naman akong nasasaksihang mga ganoong bagay, ang tanging nakita ko lang ditong illegal ay ang p**********n na dahilan kung bakit ako natatakot sa pumasok sa mga V.I.P rooms.
Kalalabas ko pa lang ay iniisip ko na agad ang pamasaheng magagastos ko dahil hindi ko dala ang mumurahing sasakyan na aking nabili dahil coding iyon ngayon. Napaatras naman ako sa gulat ng bumungad sa akin ang mukha ng lalaking gumugulo sa aking isipan ng gabing iyon.
He was coolly leaning against his car that looks like it is costs millions and legs. It was Lamborghini Veneno, and it is absolutely stunning from every angle of it.
Agad kong itinikom ang medyo nakaawang kong labi ng makita ang ngisi sa labi ng lalaking nasa harapan ko habang nakatitig ako sa sasakyan niya.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong ko sa lalaki. Ngunit imbes na sagutin ako ay umalis ito sa pagkakasandal sa kanyang sasakyan at nagsimulang lumapit sa kinatatayuan ko.
"Hey Baby..."
Huminto siya sa tapat ko mismo. Agad namang umikot ang mga mata ko dito. I can smell the scent of the alcohol he drink mixed with his manly perfume from here.
Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang tila may kinukuha sa loob suot niyang coat. "Here's my card. If you ever change your mind, just call me."
Napaarko ang isang kilay ko ng ilahad niya sa akin ang maliit na card na tinutukoy niya. I crossed my arms.
"Inintay mo talaga ako dito para ibigay sa akin 'yan? Well, let me tell you this..." Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. "I don't need that piece of junk."
Akmang lalampasan ko na ito ng harangan niya ako.
"Not so fast, baby." He smirked.
"Talaga bang hindi mo ako titigilan?" tila napipikong saad ko dito.
Pilit kong pinaseryuso ang ekspresyon ng mukha ko sa kabila ng pangingiliti ng nakakahalina at nakakahilong amoy niya sa ilong ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
"Just accept this card and I promise, hahayaan na kitang makauwi," may lambing ang boses nitong saad sa kabila ng walang ekspresyong mukha nito. Mariin akong napapikit at napahinga ng malalim upang kalmahin ang sarili.
"Tsk. Fine!" Hinablot ko mula sa kamay niya ang card na hawak niya.
Nakaramdam ako ng kakaibang bilis ng pagdaloy ng dugo sa katawan ko nang sandaling maglapat ang mga palad naming dalawa dahil sa ginawa ko. "O, kinuha ko na. Now, can you please excuse me, uuwi na ako."
Nakita ko ang bahagyang pagkislap ng mga mata ng lalaking kaharap ko. I watched how his lis tongue licked his upper lip that made my knees wobble.
"Yeah, sure." Umatras siya ng isang hakbang palayo sa akin. May kakaibang kinang ang mga mata niya na naghatid ng kaba sa akin. "About my offer, just think about it."
Tumungo siya sa harapan ng kanyang sasakyan. Akala ko ay may kung ano siyang gagawin pero nagulat ako ng magpahinto siya ng taxi. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin ng lumapit siya sa driver's seat nito. May sinabi muna siyang kung ano sa driver bago lumingon sa akin. Nakita ko ang namumutlang mukha ng Taxi driver na sumilip sa bintana upang tingnan ako. Sunod-sunod siyang tumango sa lalaki at nanginginig ang kamay na kinuha ang lilibuhing pera mula sa kamay nito. Naguguluhan ko silang pinanood mula sa kinatatayuan ko hanggang sa ma-realize kong kailangan ko na nga palang umuwi. Naagaw ang atensyon ko ng tapikin ng lalaki ang pinto ng backseat ng taxi.
"Get in. He'll drive you home," he said using his baritone voice.
"Ha?" Litong saad ko.
"Do I need to repeat myself?" He tilted his head. I saw how his lips lift up for a second when I pouted. "I want to personally drive you home but I know that you'll just refuse my offer."
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Imbes ay tanong ko.
"I have my ways. Now, get in," bagkos ay sagot niya sa akin. How the hell did he know where I lived? Is he my stalker?
"I won't. Wala kang karapatang utusan ako," matapang kong sagot dito.
Bahagya siyang natigilan sa naging sagot ko ngunit marahan ding umiling sa akin. Halatang hindi ito sana'y na hindi nasusunod ang gusto na siyang nakapagpangisi sa akin. Maybe I'm just a challenge to him that's why he is doing this.
"It's already late, and I just want to make sure that you'll go home safe. I already paid the taxi driver. And I promise to the deepest hell that nothing bad will happen to you. It will drive you straight to your home. Now, please, get in," may pagsusumamong saad na nito habang nakatingin ng deritso sa mga mata ko. Bigla akong nanghina.
I don't know what happened next but I just saw myself inside that taxi. I felt that I was just being hypnotized by him.
And before the taxi's engine starts, I heard him whispered. "I always get what I want, Aisha, remember that."
Paano niya nalaman ang first name ko? Tanong ko sa aking isipan sa buong biyahe.
Tulalang sinaraduhan ko ang bintana ng taxi. Halos nanginginig pa ang mga kamay ko ng tingnan ang calling card na mula sa lalaki.
'Ford David Radcliffe'