CHAPTER 3

3160 Words
Chapter 3: PROBLEM Nagpasalamat ako sa taxi driver ng makarating kami sa tapat ng bahay. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ang bagal ng naging biyahe namin. Mabuti na lang at may mga 24/7 na fast food kaming nadaanan kaya doon na lang ako um-order ng pagkain kaysa magluto pa pag-uwi ng bahay. Ayaw pa nga akong payagan ni Manong driver na bumili dahil ang sabi daw ni Mr. Ford David Radcliffe ay deritso sa bahay pero sa huli ay ako pa din ang nanalo kay Manong. Our house was a two-storey house and it was painted in baby pink because Mom is kinda obsessed with pink. It was okay to me 'cause all my life I was surrounded by that color and growing up I had learned to like the color too. There was a small rose garden in front that make our house looks homey. "Nandito na ako! I brought food for our lunch!" sigaw ko habang pumapasok sa loob ng bahay. Walang taong sumalubong sa akin sa living room kaya dumeritso na ako sa kitchen. I saw my Mom there washing the utensils she used for baking the cupcakes we ate for breakfast. "Mama," I said, calling her attention. "Bakit kayo ang naghuhugas ng mga iyan? Nasaan sina Mark at Nichol?" Lumingon sa akin si Mama pagkatapos niyang patayin ang gripo. "Hayaan mo na ang mga kapatid mo, anak. Mukhang mga pagod talaga sila dahil bagsak agad ang mga kapatid mo pagkauwi mula sa school." Ipinunas niya ang mga bula sa kanyang kamay sa suot niyang pink na apron. She's skinny and her hair was in shoulder-length and was starting to turn gray. Her eyes really resembles mine. I am happy that I got most of my features from her than my father who has no balls. "Bakit nga pala sobrang sobrang ginabi ka na? Alas-nuwebe na, ah? Nakatulog na ata ang mga kapatid mo ng hindi pa kumakain." "Pasensya na, 'Ma, alam mo namang madaming tao sa bar tuwing Friday night." Ipinatong ko ang mga paper bag na dala ko sa counter na may tatak ng fast food na pinagbilihan ko ng pagkain. "Paniguradong magpupuyat ka na naman dahil gagawa ka pa ng lesson plan mo. Baka magkakasakit ka niyan sa mga ginagawa mo," nag-aalalang saad ni Mama sa akin. "Okay lang po ako, 'Ma. Kayang-kaya," Tila nagyayabang kong saad na ikinailing niya. Tumingin siya sa paper bag na nasa ibabaw ng counter. "Ano ba iyang dala mong ulam?" tanong ni Mama at lumakad papalapit sa akin. "Manok lang po iyan—MA!" I screamed, panic and fear occupied my whole system when she almost fell down. Mabuti na lamang at agad siyang napakapit sa counter at doon kumuha ng suporta. "Ma, okay ka po ba?" Agad ko siyang dinaluhan at inalalayang makaupo sa stool. "Okay lang ako, anak. Medyo sumakit lang ang ulo ko." Tipid na ngumiti sa akin si Mama habang nakahawak sa pagitan ng mga mata niya. Umahon ang kaba sa dibdib ko ng makita ang bahagyang pangi-nginig ng mga tuhod niya "Baka napagod lang ako." "Hindi ba't sinabi ko na naman sa inyo na isara niyo na muna ang Aisha's para hindi na kayo gaanong napapagod? Baka lalo lang maka-sama sa inyo iyan, eh." Noong ipinagbubuntis pa lang ako ni Mama, she build her own coffee shop and named it after me because I am the their first born. Simula pagkabata ay pangarap na ni Mama ang magkaroon ng sarili niyang Café kaya ng magkaroon siya ng sapat na ipon upang makapag-negosyo ay agad niyang tinupad ang pangarap niya. Matagal ko ng sinasabi kay Mama na ipasara na muna ang Aisha's Café dahil baka kung mapano pa siya pero hindi siya nakikinig at sinasabi niya sa akin na iyon na lang puwede niyang gawin para makatulong sa akin. Parang ako na nga daw ang tumatayong nanay at tatay sa aming pamilya. At t'saka ito nalang din ang pwede niyang pagkaabalahan. Ayaw kasi ni Mama na nakaupo lang siya at walang ginagawa dahil sumasama ang loob niya. Although the business was slowly loosing when she had her first cancer, she still believes that she can put it back on track. You may be wondering why I am not working at Aisha's Café and help Mom to run the her business, right? Well, that's because I have no passion and talent for cooking or anything related to kitchen. That is way out of my vocabulary, maybe instead of helping her out, I'll just ruin her business more. I am not really friends with kitchen even if I tried befriending it for several times, I will always burn the food in the end. I couldn't even cook a proper and decent foods because I could only afford to cook are canned goods and instant noodles. "Hindi kailangang ipasara, anak. Napagod lang siguro ako pero kayang-kaya." Panggagaya niya sa tuno ko kanina. She chuckled when my face remained serious. "Tiyak na mawawala rin ito kapag kumain na tayo, kaya ikaw, mag bihis ka na at sabayan mo akong kumain. Tingnan mo din ang mga kapatid mo kung gising pa sila." Tinapik ni Mama ang braso ko na parang sinasabing sundin ko na lang siya. Malalim akong napahugot ng hininga bago marahang tumango kahit na labag sa kalooban ko. "Basta po, kapag sobra na, tama na." Paalala ko muna sa kanya bago lumisan sa kusina. The doctor said that her cancer was almost gone, kaya kampante na si Mama. She was going better everyday, that was she said. Pero hindi ko parin maalis sa sarili ko ang hindi mag-alala sa kanya dahil nitong nakaraan lamang ay dumadalas ang pagsakit ng ulo niya at palagi ko siyang nakikitang nawawalan ng balanse. Hindi man niya sinasabi sa akin ay palagi kong napapansin iyon. Nakikita ko ang madalas niyang pagsusuka tuwing umaga, at natatakot ako. Masyado ko siyang mahal para isa-walang bahala ang lahat. Mahal na mahal ko si Mama at kahit ano ay gagawin ko para sa kanya. Napatigil ako sa paghakbang sa hagdan ng makita sa dulo ang kapatid kong babae na si Nichol. Magulo ang hanggang balikat at itim niyang buhok na parang kababangon lang mula sa pagkakahiga. Her face was emotionless while she was staring back at me. Tumikhim ako at ngumiti sa kaniya. "May ulam na tayo. Magbibihis lang ako at sabay-sabay na tayong kuma—" Natigil ako sa pagsasalita ng walang sabi-sabing tinalikuran niya ako. I don't know why, but I feel like she's angry at me or something like that. We never get close. Sa kabila ng apat na taon lang na pagitan ng mga edad namin at parehong babae ay hindi kami nagkausap ng maayos at nagkaroon ng bonding gaya ng normal na mga magkapatid na babae. Sa aming tatlong magkakapatid ay siya ang pinakakakaiba ang ugali. Napa-iling na lamang ako at nagpatuloy na sa paghakbang. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa sarili kong silid ay nakarinig ako ng mga pigil na hikbi sa loob ng kuwarto ng kapatid kong lalaki. Naisipan kong silipin siya at tingnan ko okay lang ba siya. Pagkapihit ko ng hawakan ng pinto ay saktong bukas ito. And there I saw my brother... crying. He was sitting on his bed and leaning against the headboard. Mabilis na umiwas ang kapatid kong lalaki sa aking deriksyon ng makita niya ako. Halatang nagulat ito sa biglaang pagpasok ko sa kaniyang kuwarto. "A-anong ginagawa m-mo dito, ate?" He asked in his brittling voice. I even heard him sniffed. "Hey, may problema ba?" I asked Mark, Nichol's twin brother. I slowly sit down on the edge of his bed. "Wala, ate, napuwing l-lang ako," sagot ni Mark. He raised his eyeglasses a bit so that he could dry out his tears. He got our mother's eyes, too, but the shape of his face reminded me of a man who once broke my heart. Pinigilan kong matawa dahil sa sinabing palusot nito. Halatang-halataa naman na umiyak siya dahil sa pamumula ng kanyang mga mata at basang mga pisngi. Sa aming tatlong magkakapatid, Mark has the softest and purest heart. "Alam mo, gasgas na iyang palusot mo." Kinuha ko ang mga kamay niya mula sa kaniyang mukha at marahang pinisil ang mga iyon. "Ano ka ba naman, Mark? I'm your older sister. Puwede mo sa aking sabihin kung anong problema mo, you know that you can trust me." Binawi niya ang isang kamay niya sa akin upang punasan muli ang mga takas na luha niya. "Alam kong mapapagod ka na sa amin, ate. You were working and studying at the same time." Simula pa lang niya pero agad ng bumigat ang dibdib ko. "Alam ko din na hindi pa ito sinasabi sa'yo ni Nichol, ayaw ko din naman itong sabihin sa'yo but our tuition payments is on due. Ilang buwan na ang nakalipas ng magsimula ang klase pero tanging down payment pa lang ang nababayaran natin. Hindi pa din tayo nakakabayad sa mga libro. A-at kanina, ki-kinausap kami ng D-dean," pumiyok si Mark sa pagsasalita at muling bumagsak ang mga luha. He was sniffing hard kaya hinila ko siya upang yakapin to comfort him. Ramdam ko ang paglandas ng mga luha niya sa leeg ko. "A-ate, ayaw kong tumigil sa pag-aaral dahil g-gusto kong matupad ang mga pangarap ko. Gu-gusto kong matulungan kayo n-nina Mama." Humigpit lalo ang pagkakayakap niya sa akin. Pa-ulit-ulit kong hinaplos ang buhok at likuran niya upang pakalmahin siya. Ilang saglit din akong natulala sa lamp shade sa ibabaw ng side table. Mark and Nichol is studying in Stryker Academy, a private school. The tuition fee in that school was about 30k to 32k per semester or more or less 60k to 64k per year inclusive of tuition and miscellaneous fees. Napapikit na lang ako dahil sa laki ng halaga na kailangan naming bayaran. Bibili pa din ako ng mga gamot at vitamins ni Mama. At magbabayad pa din ako ng hulugan sa lupa kay Mr.Wang. When Mom was first diagnosed with brain cancer, napilitan kaming isangla kay Mr.Wang ang lupa na kinatatayuan ng Aisha's Café kaya ngayon ay hinulog-hulugan namin ito to reclaim the land title. Saan ako kukuha ng pera? Bakit ba kasi kailangang magsabay-sabay pa ngayon ang mga kailangang bayaran? Ipinatong ko ang baba ko ibabaw ng ulo ni Mark at pinatakan ito ng magaang halik. "Si Ate na ang bahala doon kaya huwag ka ng mag-alala. I will find a way para maka-hanap ng pera para makabayad tayo, okay?" I said even if I don't know how will I find a big amount of money. "Mark! Nichol! Get ready for school, baka ma-late kayo!" sigaw ko habang kumakatok sa magkasunod na pinto ng kwarto nina Mark at Nichol. It was 7 in the morning at 7:30 ang simula ng klase nina Nichol at Mark. They are both in their 11th grade, madaming kayod pa pero kakayanin. Medyo malapit lang ang school nila sa University na pinapasukan ko kaya kapag may pagkakataon ay hinahatid ko na lamang sila para makatipid na din ng pamasahe. "Oo, ate, susunod na ako!" sagot sa akin ni Mark. At gaya ng normal na mga araw ay wala na namang naging tugon sa akin si Nichol. Akmang baba pa lang ako ng hagdanan ng mapatingin ako sa baba. My lips parted. Mabilis na tumaas baba ang dibdib ko sa mabigat na paghinga at ilang beses na kumurap upang makumpirma kung totoo nga ba ang nakikita ko. I was shocked to see my Mom... lying on the floor. She's motionless and unconscious. I-I can't even utter a word. Napahawak ako sa bibig ko kasabay ng pag-ragasa ng luha mula sa mga mata ko. Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan at lumuhod sa tabi ni Mama. "Mama!" sigaw ko at agad na tiningnan ang bandang uluhan niya. Wala siyang malay at sobrang namumutla na siya. "MARK! NICHOL! SI MAMA!" I was panicking and I don't even know what to do! "Ano?" Mula sa taas ng hagdan na tanong ni Mark ngunit ng makita ang kalagayan namin ni Mama ay natulala lang din siya. "MAMA!" His voice echoed around the house. Mabilis na siyang bumaba mula sa hagdan ng makabawi. Naiwan naman sa taas si Nichol at nagmamadaling binuksan ang bag niya. Parehas lang kaming umiiyak ni Mark sa waiting area ng hospital. God knows how I want to stop from crying right now and show to my siblings that I am strong but I can't. I can't even calm myself down! The doctors, nurses, and visitor was walking around but I can't see anything. I heard a lot of cries and grunts of pain but I couldn't care. I was just crying and staring blankly at the white walls in front of me. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. Hindi ko nga rin alam kung papaanong may pumuntang ambulansya sa bahay. Tulala lang ako buong biyahe habang pinapakinggan ang mga hikbi ni Mark. Ang sabi ng Doktor, mabuti na at naagapan namin ang pagdala kay Mama sa ospital. Ngunit sa kabila nito ay may masamang balita pa din sa amin ang doktor. "The cancer is back," malungkot na balita ni Dr. Ramirez. "Wha-What!? Hindi... N-no..." hindi makapaniwala at nanghihinang saad ko. I shook my head repeatedly while I am crying. Hindi na nilubayan ng luha ang mga mata ko. "We just found a tumor on her brain, she passed out because the tumor on her brain was putting pressure between her skull and brain. A tumor is a mass of tissue that's formed by an accumulation of abnormal cells and the tumor continues to grow as more and more cells are added to the mass. And there are two types of brain tumor, Benign and Malignant brain tumors. Benign tumor is noncancerous while Malignant are typically grow faster than benign tumors and aggressively invade surrounding tissue..." Dr. Ramirez explained. "W-what kind of tumor my mother has this time?" I asked while sobbing. "She has a Malignant brain tumor." "Oh, my god!" Napasapo ako sa mukha ko at napasandal sa pader. Kita ko ang awa na sumasalamin sa mata ng Doktor habang nakatingin sa akin. He kept on talking about the tumors, treatments and stages, but I just couldn't listen anymore. It's like a big hole swallowed me and didn't let me breath. "Please, d-do everything to s-save my mother. I-I can't lose her. Hindi ko p-po kakayaning m-mawala ang Mama ko," I pleaded while my voice is shaking... breaking. But Dr. Ramirez just said. "You need to ready a big amount of money for the surgery and chemoteraphy Ms. Dela Torre." He cleared his throat. "Please, tell me how much that big amount of money we needed." Dr. Ramirez fixed his eyeglasses first before he answered. "Probably, close to six hundred thousand dollars to seven hundred thousand dollars." Bigla naman akong nanlumo. Saan naman ako kukuha ng ganun kalaking halaga para sa operasyon ni Mama? Nagpaalam na sa akin si Dr. Ramirez and I could do nothing but to nod at him. Matamlay na pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Mama. Naabutan ko doon si Mark na tahimik na umiiyak sa tabi ni Mama habang si Nichol ay nasa pinaka-sulok ng kuwarto habang naka-earphones at nakatitig lang sa tiled floor. I admired how Nichol can look so calm in a situation like this. Lumapit ako at tumayo sa harap ni Nichol. Alam kong alam niyang nandoon ako pero hindi manlang niya ako magawang tingnan at nanatili lang na nasa baba ang tingin. "Thank you for calling the ambulance," saad ko. Alam kong naririnig niya ako. "Don't thank me, I just did what I have to do. Sa mga sitwasyong ganoon, hindi dapat kayo nagpa-panic ni Mark," pantay ang tuno ng boses nitong saad. Hindi ko tuloy alam kung galit ba ito o ano. "I know, I'm sorry." She closed her eyes without a word that made me nod my head. That only means she doesn't wants to talk to me anymore. Umupo na lamang ako sa tabi ni Mark at hinawakan ko ang isang kamay niya. He was still crying silently like he doesn't want anyone to hear or see him crying. "Kaya natin 'to, okay?" marahang wika ko habang may unti-unti na ring mga luha ang nabubuo sa aking mga mata. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. "Wag ka ng umiyak. Lalo kang papangit niyan, sige ka!" biro ko. Mabilis na pinunasan ko ang nagbabadyang mga luha. "B-bakit ikaw, umiiyak? E, di pangit ka din?" he forced himself to laugh. "Basta, kailangan nating magpakatatag." I gave him a small smile, and then I pat his shoulder. Binawi niya ang kamay niya sa akin upang punasan ang mga mata niya. "Narinig namin kanina ni Nichol 'yong pi-pinag-usapan niyo ni Dr. Ramirez. Ate, s-saan tayo kukuha ng g-ganoong kalaking halaga?" Muli ay unti-unti na namang bumuhos ang masasaganang luha sa mga mata ni Mark. "Sshhh. Huwag mo ng isipin iyon, ako na ang bahala do'n. Ang isipin mo lang ay ang pag-aaral mo." I pulled him into a tight hug. "Paano kung sa p-public na lang ako mag aral? O mas mabuti pang tu-tumigil na lang muna ako? Okay lang sa akin, ate," he said in a brittle voice as he buried his face against my neck. "Mark, kahit kailan huwag na huwag mong iisipin na tumigil sa pag-aaral. If you want to reach your dreams and help me someday, you should keep on studying. Kahit ako na lang ang tumigil sa pagaaral at magtrabaho basta makapag-tapos lang kayo ni Nichol. Pangarap ni Mama na doon kayo makapagtapos ng pag-aaral kaya hindi ka lilipat. Walang lilipat. Ako na ang bahala sa perang gagastusin, okay? Kahit anong trabaho gagawin ko, o kaya mangungutang ako, basta makapagaral lang kayong dalawa at mapagamot natin si Mama," Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang paghikbi ko. "Pero ate—" "Mark, huwag ng makulit. Ako na ang bahala. Magtiwala ka sa akin," putol ko sa sasabihin ni Mark. I feel so weak at that moment. Wala manlang akong magawa para mapalakas ang loob ng mga kapatid ko dahil ako mismo ay pinanghihinaan na. "I want to transfer in to your school." Gulat na nag-angat ako ng tingin kay Nichol ng magsalita ito. She was standing in front of me and Mark and her face was emotionless while she's looking at me. "No—" "You can't control my life, AM. Si Mark na lang ang pag-aralin mo doon dahil may patutunguhan ang pera mo sa kanya kaysa gumastos ka pa sa akin, para ka lang nagtapon ng pera. Sigurado naman akong walang patutunguhang maganda ang buhay ko," she said in her mono-tone. Tila wala lang sa kanya ang mga sinasabi niya. "Ano bang sinasabi mo—" "Just do what I said. Alam mong ayaw ko ng pinipilit ako," she cut me off again. Walang ganang umirap ito sa akin bago tumalikod at umalis sa loob ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD