Chapter 4: SOMETHING HAPPENED
"Please stop crying, AM. Kanina ka pa umiiyak, tumahan ka na. Magiging maayos din ang lahat," Sydney said, worry was visible on her voice.
I nodded my head but I didn't stop from crying. Sydney is one of my bestfriends and she was working part-time in Aisha's Café to support herself on her study. Pero ngayong nasa hospital si Mama ay siya na muna ang namamahala sa café dahil siya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Mama pagdating sa shop. Sydney has a clear almond-shaped eyes and her face was vibrant. Baby face siya kaya kahit na mas matanda siya sa akin ng anim na taon ay aakalain mong magkasing-edad lamang kami.
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang malaman naming bumalik na ang cancer ni Mama. Dalawang linggo na din ang lumipas simula ng lumipat si Nichol ng school, hindi ko talaga kayang kontrolin o pigilan pa ang batang iyon. Tatlong linggo na din akong abala sa pag ta-trabaho at halos di na ako makahanap ng oras para makakatulog sapagkat halos lahat ng kaya kong trabaho ay pinasukan ko na.
Hindi na muna namin inuwi si Mama sa bahay ng magkaroon siya ng malay. Napag-desisyonan naming magkakapatid na sa ospital na lang muna si Mama para mas mabantayan siya ng maaayos at kung magka-problema man ay maagapan.
"You look like you really need to rest na. Tingnan mo ang self mo, namamaga na nga iyang mga eyes mo, puro eyebags pa!" Mia exclaimed while she's staring at me like I am a creature from another planet.
Mia is a kind of person na magulo talaga ang lahi dahil madaming dugong banyaga ang na nanalaytay sa katawan niya mula sa kanyang grandparents hanggang sa magulang. She has a light natural brown hair, a pair of expressive amber eyes, and her body was in its perfect figure. Her father, Mr. Liu, owns the NeoBar so that makes her also my boss.
"T'saka nangangayayat ka na, oh," dagdag ni Sydney at bahagya pang kinurot ang braso ko.
"I don't know what to do anymore. Ang laki ng kailangan ko para sa surgery ni Mama. Magbabayad pa ako ng tubig, kuryente, at hulugan kay Mr.Chua sa lupa." I sobbed harder. Ibinaon ko ang mukha ko sa dalawang palad ko habang ang mga siko ko ay nakatukod sa dalawang tuhod ko. "Tapos... tapos sumabay pa din 'yong kailangang bayaran sa school ni Mark." Pilit kong pinunasan ang mga luha sa mata ko. "Ang tigas pa ng ulo ni Nichol, hindi ko maintindihan ang batang iyon. Hindi na umuuwi ng bahay. Ang sabi niya ay may trabaho na daw siya pero parang wala akong tiwala,"
Naramdaman ko ang paghagod ni Mia sa aking likod. "Nichol is malaki na, and she's smart, too. Hindi mo na need na mag-worry sa kaniya, you just need to trust her," saad niya pero agad akong umiling.
Hindi naman na kasi niya kailangang mag-trabaho pa dahil mas lalo lang akong nag-aalala sa kanya. Dapat ay manatili na lang siya sa bahay at mag-aral ng mabuti. I should be the one who's working for us, hindi nila obligasyon iyon. Naramdaman ko ang unti-unting pagbagal ng paghagod ng kamay ni Mia sa likuran ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na sakto namang pag-ngisi niya.
"You know, AM, if you're really that desperate, why kaya hindi mo na lang i-try mag-sell ng lamang loob? O kaya why don't sell drugs? I know someone who can help you," tumaas-baba ang kilay ni Mia na parang kinukumbinsi ako.
Ngunit nauwi ang ngisi niya sa pag-ngiwi ng bigla siyang batukan na Sydney. "Baliw!" Sigaw niya dito. "Ikaw, Mia, ha? Kung ano-anong sinasabi mo kay AM, baka mamaya maniwala sa'yo, eh!"
"Ouch, ha! You're so harsh to me talaga! I was just joking," Mia pouted and secretly rolled her eyes on Sydney. "Pinapatawa ko lang naman si AM para mag-stop na siya from crying!"
"Ang tanong, tumatawa ba siya?" Tanong ni Sydney at pinag-ekis ang kaniyang mga braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib. "You're suggesting bad things to her!"
"Ang tanong, is your boobs malaki?" Mia jeered before she chuckled. "Ay, no. You're flat kasi!"
"How dare you!" Sydney's eyes popped out. "Wala namang koneksyon iyon sa pinag-uusapan natin!"
Naiinsultong sumulyap siya sa kaniyang dibdib bago sinamaan ng tingin si Mia.
"Flat! Flat! Flat!" Mia chanted, earning a pissed off groans from Sydney. "You're a walking wall!" And she laughed evilly.
"Shut up, you virgin brat!" She fired and Mia gasped. It was her eyes turn to pop out.
And that was the start of their ninth world war. Nagsimula na silang dalawa na mag-laitan sa isa't isa. It was a normal thing for them, ganoon silang dalawa na mag-lambingan, sa tingin ko. Sometimes they will hurt each other physically pero walang pikunan na nagaganap 'cause in the end, we'll just laugh it off.
Sydney was not really conscious of not having a blessed future because her past claims it all, she was just riding on with Mia's craziness. While Mia, I don't know why she has this crazy operation she called 'Operation: Finding Daks for Maw'. I mean, she's beautiful, smart, sexy and all, hindi niya kailangang magmadali dahil dadating din ang tamang lalaki para gawin ang 'bagay' na iyon sa kaniya. Hay, I don't really know what's running inside her mind.
And while watching Sydney and Mia throwing words with each other, I can't help but laugh at them. I just think that my bestfriends are cute.
"Mga baliw! Nag e-emote ako dito tapos e-extra kayo," kunot-noong sita ko sa dalawa habang nagpupunas ng luha. Ngunit ang kunot ng aking noo ay nawala ng hindi ko mapigilan ang matawa.
"Tingnan mo! I made her laugh!" Masaya at parang proud pang saad ni Mia dahilan para mas lalo akong matawa.
"Whatever." Sydney just shook her head and chuckled a little. But when her eyes turned to me, her face is back at being serious and worried about me. "Stop from crying so much, Aisha. You don't need to cry alone dahil nandito kaming dalawa ni Mia para damayan at tulungan ka." She gave me a small smile and glanced at Mia who was nodding her head. "Puwede kitang pautangin, tutal naman ay may ipon pa ako. Maliit na halaga lang iyon kaya sana makatulong sa inyo."
"No, Sydney!" I firmly shook my head. "Don't you dare do that! It was for your son's future!" mariing saad ko.
"Yes, pero puwede mo naman akong bayaran kapag gumaling na si Tita Lories."
Paulit-ulit akong umiling sa kaniya. I just can't accept it. She was studying and working hard at the same time to save money for her son's future. Maagang nabuntis si Sydney ng kanyang kauna-unahan at kaisa-isahang ex-boyfriend. I don't know what happened to her son's father because she's still not comfortable talking about the guy but seeing how she suffered of being a single parent, I can say that the man has no balls just like my father for leaving Sydney alone in times when she needed him the most.
I am proud that I have a friend like Sydney who was able to half her time as student, a worker and a mother. She's now in her last year on studying elementary education, major in Filipino. While Mia is now studying on her 3rd year on Business Management.
"Me!" Sabay kaming napatingin ni Sydney kay Mia ng bigla itong magtaas ng kamay. "I don't have a son! Puwede kitang pautangin kahit magkano, even millions is okay! I will just need to talk to Babá to—"
"No, Mia!" I cut her off. Naiwan sa ere ang kamay niyang nakataas at nagtatakag tumingin sa akin.
"But I don't have a son! Hindi mo need na mag-worry sa akin." She pouted.
"I know, and I really appreciate it. It was so kind of you but I really need to refuse it. Nahihiya na ako sa'yo, Mia, sobrang dami ko pang utang sa'yo. Hindi ko na nga alam kung kaya ko pang bayaran ang mga iyon sa'yo," I mumbled softly.
It's true that I have a lot of numbers of debts to Mia. Tuwing nalalaman niyang hindi pa ako kumakain ay nililibre niya ako. Kapag nalalaman niyang hindi pa ako nakakabayad sa mga ambagan sa school ay nagugulat na lang ako na nakikita kong paid na ang pangalan ko sa listahan. At kapag kinakapos ako sa allowance, pinauutang niya ako without any hesitation, and she never asked me for a payment. Madalas nga ay kinakalimutan na niya. And I thanked God for giving me such a good friend like her
.
"Why ka naman ma-sha-shy sa akin? We are friends! You know naman na okay lang kahit huwag mo ng bayaran ang mga utang mo sa akin. Being my true bestfriend is more than enough for me," she said that made me smile. What she said really warms my heart.
Suminghot ako at mabilis na pinunasan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. I looked at the two strong and sweet woman in front of me, I am really lucky to have them both.
"I know. At sapat na din sa akin ang kaalamang nandiyan kayong dalawa sa tabi ko." I sobbed. "Salamat sa inyong dalawa pero ako na muna ang gagawa ng paraan. Mayroon namang mga organizations diyan na handang tumulong sa may mga sakit na tulad ni Mama. Ang sabi din ni Dr. Ramirez ay ilalapit niya ako sa isang pharmaceutical company para maka-libre kami kahit papaano sa mga kakailanging gamot ni Mama."
"But, AM, we want to help you, too," Mia said and Sydney nodded.
"Please, know that I feel so lucky to have you both." I gave them a small genuine smile. Natawa ako sa sarili ko ng muling sumilip ang luha sa aking mga mata. "Hayaan niyo, kapag kailangan na kailangan ko na talaga ng tulong, I'll call you two right away."
"Good," saad ni Sydney at lumapit sa akin. She hugged me from the side. "I feel so lucky to have a friend like you, too."
Bumaling naman ako sa kabilang gilid ko ng maramdaman din ang pagyakap sa akin ni Mia. Ang mga baba nila ngayon ay nakapatong sa dalawang balikat ko.
"Such a cry baby." We chuckled at what Mia said as felt her hand gently tapping my back.
Pagkatapos ng ka-dramahan namin ay nagusap-usap na lang kaming tatlo kung paano ako makakakuha ng pera ng hindi nila ako pinapautang at walang ginagawang 'illegal', dagdag pa ni Sydney. Pinipilit pa nga ako ni Mia na bibigyan niya na lang ako ng pera at hindi daw utang pero hindi ko parin iyon tinanggap dahil marami na akong utang sa kaniya. Nakakahiya na kung dadagdagan ko pa iyon.
Naki-usap ako kay Tita Lori, kapatid ni Mama, kung maaari niya munang bantayan si Mama habang nasa school sina Nichol at Mark, at habang nasa trabaho ako. Pumayag naman siya agad and she even offered me help but I know that Mom would refuse it so I did not accept. Hindi ko alam kung bakit parang may pader na pagitan sa amin at sa pamilya ni Mama. Never kong nakita ang Lolo at Lola ko ng sinasadya, it's either naka-salubong lang namin sila o inimbitahan kami sa parehong okasyon ni Tita Lori. They will always look at us from head to toe like we are not their blood and flesh. May panghuhusga sa mga mata nila at hindi ko iyon labis na maintindihan. Dahil ba nabubuhay sila sa marangyang buhay ngunit mas pinili ni Mama ang mamuhay ng normal?
Pagkalipas ng isa o dalawang oras ay naisipan ko ng bumalik sa ospital para mabantayan si Mama. Magbabayad na sana ako ng pamasahe sa jeep nang may makita akong bagay na naka-singit sa wallet ko. Nagtatakang kinuha ko ito.
Teka? Ito 'yung calling card na ibinigay sa akin noong lalaking manyak, ah?
My body stiffened for a moment. Biglang nanariwa sa aking isipan ang sinabi ng lalaking iyon.
"I will give you a straight answer, Mister, I'm not a slut or a p***y you can easily f**k. Stop wasting your time," I said while emphasizing every word that's coming out of my mouth.
I bit the inside of my cheeks. Gustuhin ko mang umiwas mula sa pagkakatingin sa mga mata niya ay hindi ko ginawa. I should slap to his face that I am not affected by him and I am not easy as he think.
"Five hundred thousand..." with narrowed eyes and deep voice, he stated while directly looking at my hazel eyes. Napakurap ako at wala sa sariling umiling. I can't believe his guts! Lasing ba siya?
"Cash, just for one night," he continued. The end of his lips moved upward when he slightly slant his face. And now, he is shamelessly looking at my breasts while biting his lower lip. Grabedabs! I can't believe that a man as handsome as him can be a total maniac!
Matagal akong nakipagtitigan sa kapirasong papel na iyon. Pinag-isipan ko ng mabuti ang bagay na gagawin ko. Ako mismo ay kinakabahan sa maaaring takbuhin ng utak ko.
I gently bit my lower lip. He is right. He is offering a big amount of money. Napaka-laking halaga na noon para saakin.
Napawi ang pagkatulala ko sa calling card ng marinig ang ring tone ng cellphone ko.
Nichol's calling...
Nangunot ang noo ko ng makita iyon sa screen ng cellphone ko. Nilakihan ko ang mga mata ko upang kumpirmahin kung tama ba ang unang basa ko. Never kasi itong tumawag sa akin. Pa-sekretong nga lang ang paghiningi ko kay Mark ng numero nito.
"Hello..."
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko ng hindi marinig ang bosses ng kapatid ko.
"Hello? Sino 'to?" I asked, a bit confused.
"Am I talking to Ms. Aisha Dela Torre? Are you Ms. Nicholette Dela Torre's guardian?" Balik na tanong sa akin ng babae sa kabilang linya.
"Yes, I am her sister," agad namang sagot ko.
"I am Mrs. Florinda Santiago, I'm the Alston University's Guidance Counselor. I called to inform you that something happened to Ms. Dela Torre—"
Agad akong kinabahan ng marinig iyon.
"Ano pong nangyari? Nasaan siya? Okay lang po ba siya?" sunod-sunod na tanong ko.
"I will just explain it when you get here. We are here at Alston University: South Gate's Clinic. Don't worry, she's okay now."
Nakahinga ako ng maluwag ng malamang okay lang si Nichol. Bumaba na ako sa jeep at pumara ng panibago patungo sa Alston University upang puntahan si Nichol.
Pagkarating ko sa East Gate ng Alston University ay agad kong nakita doon si Mrs. Santiago. She explained to me what had happened as we made our way to the clinic.
Ang sabi ni Mrs. Santiago ay nadamay si Nichol sa gulo ng may maganap na away sa pagitan ng dalawang grupo sa canteen kaya mayroon siyang cast ngayon sa braso. Bumagsak kay Nichol ang dalawang lalaking nagsusuntukan kaya't naipit ng mga ito ang braso niya dahilan para magkaroon siya ng bali sa braso.
Hindi naman daw malala ang natamong bali ni Nichol at sinabing ilang linggo lang ay posibleng maging okay na muli ito kaya wala daw kaming dapat na ipagalala. Puwede naman daw na hindi muna pumasok si Nichol ng tatlong araw o isang linggo para mapahinga ang braso nito. Sinabi din ni Mrs. Santiago na ipinatawag na ang mga batang sangkot sa gulo at nabigyan na ang mga ito ng karampatang kaparusahan dahil sa gulong nangyari.
"Salamat po, Ma'am," saad ko ng maihatid niya ako sa tapat ng clinic. Nakangiting tumango lang sa akin si Mrs. Santiago at nagpaalam.
Papasok pa lang ako ng clinic ng may makasalubong ako na isang pamilyar na binatang lalaki. Aside from having a handsome but expressionless face, agaw-pansin din ang kulay asul nitong mga mata. He looks really mysterious. Deri-deritso lang ito sa paglalakad kahit na alam kong alam nitong sinusundan ko siya ng tingin. Saan ko nga ba nakita ang batang iyon?
Napailing na lamang ako sa sarili bago tuluyang pumasok sa clinic. Nagtanong ako sa school nurse na nandoon kung nasaaan ang kapatid ko at nakangiti niya naman itong itinuro sa akin.
Pagkahawi ko pa lamang ng kurtina ay sumalubong na sa akin ang seryusong mukha ng kapatid ko na tila hindi nagulat at inaasahan na talaga ang pagdating ko.
She was leaning against the wall. Marahang lumapit naman ako sa tabi ng kama niya. Hahawakan ko sana ang braso niyang may cast nang ilayo niya iyon mula sa akin.
"Nichol, anong nangyari? Okay ka lang ba?" tanong ko habang pinagmamasdan ang braso nito.
"Don't ask like you don't still know. And you don't have to be here, I can handle myself." Umiwas ito ng tingin sa akin.
"Ang sabi ni Mrs. Santiago, puwede ka daw munang hindi pumasok ng tatlong araw o isang linggo para mapahinga ang braso mo," I softly said but her face remains the same. "Okay ka lang ba?"
Kumunot-ang noo nito at marahas na bumaling sa akin. "I am okay! Can't you see!? Nabalian ako ng braso at okay lang ako! Ang sarap nga, e! Okay ka na ba!?" She hissed while gritting her teeth. "Bakit ka ba kasi nandito? I don't need you here!"
Natahimik ako sa biglaang pagsigaw ni Nichol sa akin. Napatitig lang ako sa kaniya. Naiinis na umalis siya sa pagkakasandal sa pader at tumayo. Akmang tutulungan ko siya ng samaan niya ako ng tingin. I just watched her leave hanggang sa natulala na lamang ako sa kurtinang naghahati sa mga kama sa loob ng clinic.
Mapait akong napangiti sa sarili ko at agad na pinunasan ang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata. I don't know how to understand you anymore. Ano na bang gagawin ko sa 'yong bata ka?
Pasalampak akong naupo sa sofa ng maka-uwi sa bahay. Kakatapos lang ng trabaho ko bilang janitres at magpapalipas na lang ako ng oras dito sa bahay bago pumasok sa NeoBar. Hanggang ngayon ay hinihingal pa din ako sa pagod kahit na halos isang oras na ng matapos ako sa trabaho.
Ilang araw na akong absent at hindi pumapasok para lang makapagtrabaho. Nanghihinayang ako sa mga klaseng hindi ko napasukan pero kailangan ko itong isakripisyo.
Nangunot ang noo ko habang nakatingala sa ceiling ng makitang hindi bukas ang ilaw. Magagabi na at normal sa mga ganitong oras ay bukas na ang mga ilaw sa loob ng buong bahay.
"Mark!" malakas na tawag ko sa pangalan ni Mark upang marinig ako nito mula sa ikalawang palapag ng bahay.
"Oh, Ate, bakit?" mabilis namang sagot ni Mark. Nasa kusina lang pala ito at may dalang kandila na siyang ipinagtaka ko.
"Bakit patay ang ilaw sa buong bahay?" tanong ko dito.
"Hindi mo ba alam, Ate?" Lumapit sa akin si Mark. Ipinatong nito ang dalang kandila sa center table at naupo sa tabi ko. "Tatlong araw na tayong walang kuryente. Lagi ka na kasing umagang umuuwi nitong mga nakaraang araw kaya hindi mo napapansin."
Parang naputulan naman ako ng dila at hindi magawang makapag-salita sa sinabi ni Mark. Tumayo si Mark sa pagkakaupo at may kinuhang puting sobre sa gilid ng lumang TV namin. Mabilis ko namang kinuha iyon mula sa kanya.
"Pumunta dito si Mr. Chua kahapon, Ate. Ilang buwan na daw tayong hindi nakakabayad ng kumpleto ng hulugan sa lupa. Kung hindi pa daw tayo makakabayad ng kumpleto ngayong buwan ay ipapagiba niya na daw ang Aisha's Café at papatayuan ng mini park para sa mga alaga niyang aso."
I don't know how did I able to smile at Mark at that moment. Gusto kong humanga sa sarili ko sa sobrang galing kong magpigil umiyak sa harap niya. "Huwag kang mag-alala, si Ate na ang bahala. Umakyat ka na sa taas, dalhin mo itong kandila at mag-aral ka ng mabuti."
May pag-aalinlangan man sa mukha ni Mark ay tumango pa din ito. Nang tuluyan ng makaakyat si Mark sa ikalawang palapag ay mariin na lamang akong napapikit at ibinagsak ang likod sa sandalan ng sofa.
Oh, God! I don't know what to do anymore!