#10 Naughty Ghost

1012 Words
'mukhang may gusto sayo. Gusto ka niyang lapitan at yakapin,natutuwa daw siyang makitang okay na.'.... 'naku,pati isip niya binabasa mo.'... 'ay!nakakaselos ha!gwapo rin siya gaya ko. Pero mas gwapo ako! di ba? di ba? hanie my love so sweet?!'...... 'hay naku,nag umpisa ka na naman!' "uuwi ka na ngayong araw Hanie? pero saan ka tutuloy? sa kuya mo pa rin ba?" nag aalalang tanong ni Roxy. Napatingin pa ito sa mama ni Hanie na para bang tinatanong rin niya ang nama nito. "sa lola niya muna siya tutuloy..may kailangan pa akong ayusin duon." sagot nito na nakangiti kay Roxy. "buti naman po kung ganon. "sagot ni Roxy sa mama niya. "Bakit kay lola ma?" naka pout na tanong ni Hanie. 'sinabi ng wag magpa pout eh! nakakaakit halikan!' napalingon si Hanie kay Arvin. 'hindi ako ang may sabi! yung gangster na yun oh' iiling iling na sabi ni Arvin. Binalingan naman ni Hanie si Sam na itinuro ni Arvin, biglang yumukoito dahil sa namumulang mukha nito. Maya maya pa,nasa likuran na ni Sam si Arvin. Binatukan ito ni Arvin, "aw! taranta** ka!hmf!" sabi ni Sam na binatukan naman si Billy na katabi nito. "aray! bakit boss?" tanong nito nahinihimas pa ang nasaktang ulo. "gag*!eh namamatok ka!" sagot nito. "huh?wala akong ginawa ahh!" sagot din ni Billy na nagtataka. Sinipa ni Arvin ang binti ni Sam. "aahh! taragis ka! ano bang problema mo?!" tanong nito kay Billy na naasar na. "bakit na naman boss?" walang kamalay malay na tanong ni Billy. "naninipa ka eh!isa pa at yang mukha mo sisipain ko!" napakamot na lang sa ulo si Billy. "wala naman akong ginawa boss." 'wahahaha wahahaha wahahaha!' tawa ni Arvin habang hawak pa ang tiyan sa kakatawa. 'hoy Arvin! tigilan mo nga sila!' sita ni Hanie ng makita ang pinaggagawa nito. 'wahaha wahaha sarap nilang pagtripan!' sagot nito. 'tumigil ka na.'... 'opo wahahaha wahahaha'... 'baliw!'.... 'at least gwapo! hahaha!' Saka muling hinarap ang mga kausap. "pansamantala ka lang kila lola mo." sabi ng mama niya. Nang araw din na yun ay dinala siya ng mama niya sa lola niya na pansamantalang titirhan niya. SAMANTALA sa bahay nila Hanie. Umakyat ng puno ng santol si Cam para mamitas ng mga malalaking bunga nito pangbenta at pangkain na rin ng kanyang mga anak. Napaka taas ng punong iyon,walang pag aalinlangan niyang inakyat pa ang tuktok nito. Si lady B ay matamang pinagmamasdan siya na animoy natutuwa na may masamang binabalak na kanyang naiisip para maisakatuparan ang kanyang pagbibigay ng leksiyon sa pamilyang ito. "Cam!magdahan dahan ka at baka ka mahulog!" sigaw ng asawa. "sus!ako pa! kayang kaya ko ito! Nang isang pitik ang naramdaman niya sa kanyang tenga,kaya napalingon siya sa likuran niya para lang mahindik sa mukhang nakita niya. Mukha ng isang matandang babaeng nanlalaki ang lumuluwang mata nito at duguan habang nakanganga ang bibig na animoy kakainin siya ng buo. At ang mahahabang kuko nitong nakaambang sakmalin siya. Dahil sa gulat at takot sa nakita ay nawalan siya ng balanse at nahulog sa mataas na punong iyon. Tumama ang kanyang balakang at pumilipit ang kanyang braso. "aaahhh!!" sigaw niya sa sobrang sakit ng naramdamang paglagutok ng kanyang mga buto kasabay ng pagtama ng kanyang ulo sa nakausling sanga ng puno. "Diyos ko po!Cam!" agad na pag lapit ng asawa sa pagkakahulog niya. "tulong! tulong! tulungan niyo asawa ko!"sigaw ng asawa.Nawalan na ng malay si Cam sa tinamong sakit at mga bali sa katawan matapos tumama ang ulo niya sa sanga na sanhi ng pagkasugat nito sa gilid ng ulo.kaya nawalan ng malay tao siya. Agad namang dinaluhan ito ng mga kapit bahay na mga lalaki at pinagtulungang buhatin habang may sasakyan ng naghihintay sa labas ng gate. Isinugod nila ito ng hospital. Agad namang tumawag ang asawa sa kanyang byenan na babae. "ma,si Cam nahulog sa puno,isusugod nna namin sa hospital!" takot at kaba na pagsabi niya sa byenan. "sige,pupunta ako sa hospital dun na tayo magkita,ibilin mo mga bata sa kapitbahay. "opo ma," di naman malaman ang gagawin ng asawa nanginginig itong iniayos ang asawa sa loob ng sasakyan. "wahahaha wahahaha ayan!ayan ang dapat sayo!wahahahaha!' tuwang sabi ni lady B. Siya ang may kagagawan ng pagkahulog ni Cam. Nagtagumpay siya sa plano!magtagumpay rin kaya siya na magbago ito? Sinisingil na kaya siya ng #karma? Pagdating sa hospital inasikaso agad sa emergency si Cam. Ang asawa naman niya ay nasa labas at naghihintay,di mapakali habang panay ang tulo ng mga luha. Siya namang pagdating ng byenan. "Ano ba kasing nangyari at nahulog sa puno si Cam?ano bang pumasok sa isip ng batang iyan at umakyat sa puno?tsk!" bungad ng ina ni Cam sa asawa nito. "inakyat po kasi niya yung malalaking bunga ng santol sa tuktok ng puno. Kakasabi ko pa lang na baka mahulog eh pagtalikod ko may malakas na kalabog,paglingon ko nasa baba na po siya at namimilit sa sakit sakto pang tumama yung gilid ng ulo niya saka nawalan ng malay." umiiyak na sagot ng asawa ni Cam. Nang matapos ang pag aasikaso kay Cam ay inilipat na ito sa nakatalagang silid para sa mga pasyente. "maa! maaa!! aaahhh!! ang sakit!!" sabi ni Cam. Awa naman ang makikita sa mukha ng dalawang babae. "ano ba kasing pumasok sa isip mong bata ka at inakyat mo ang puno?! ayan tuloy nangyari sayo! tsk!" sabi ng ina. "ma,yung mga paa ko hindi ko maigalaw..ma,bakit?" nanlalaki ang mga matang sabi pa nito. Takot na takot ito at ang nasa isip ni Cam ay 'inutil na ba ako?' "aaahhh!" pilit na ginagalaw ni Cam ang katawan ngunit ang balakang hanggang paa ay hindi niya maigalaw at hindi niya maramdaman. Tila manhid ang mga ito,walang pakiramdam. Hanggang sa mag hysterical na si Cam. "aaaahhhhrrrggg!! aaaahhhhh!! mama!!! huhuhuhu bakit ganito? mama hindi ko maigalaw ang mga paa ko! aaahhhh huhuhuhu aaahhh!" napuno ng sigaw ang silid na iyon. Awang awa ang dalawa sa nakikita,pilit nilang pinakakalma si Cam. Nang dumating ang doctor at nurses agad na tinurukan siya ng pampatulog. Unti unti siyang nanghina at unti unting pumikit ang mga mata ni Cam. Natahimik ang buong silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD