Karma nang maitatawag ito sa realidad. Gaya nga ng sabi ng iba 'wag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo.' bakit? dahil doble o triple ang balik nito sayo. So,karma is real! it is a good karma? or a bad karma?
Sa muling pagdilat ng mga mata ni Cam ay tanging ang ina lang niya ang kasama.
Pilit pinipigilan ang luhang nagbabadya na namang tumulo. At pinakiramdaman ang sariling katawan.
Walang pagbabago! hindi niya pa rin maigalaw ang ibabang bahagi ng kanyang katawan.
Ang braso ay sinimentuhan,ang gilid ng ulo ay may malaking bandage.
"ma?hindi na ba ako makakalakad? magiging inutil na ba ako?" tuluyan ng nag unahan sa pag agos ang kanyang mga luhang pinipigilan.
Awang awa ang ina sa nakikitang kalagayan ng anak. "may awa ang Diyos anak,magdasal ka humingi ka ng tawad sa lahat ng mga pagkakamali mo.Walang imposible sa kanya anak. At sana ay maging aral na sayo ang nangyaring iyan sayo." sabi ng ina.
"ma? mahal mo ba ko? o mas mahal nyo si Hanie? mas binibigyan nyo kasi siya ng pansin at atensiyon kesa saakin.Nagseselos ako ma,palagi na lang siya ang bukang bibig niyo. Ma, anong bang meron siya na wala ako?" pagtatanong niya sa ina.
Sa tinagal tagal ng panahon na magkasama sila ni Hanie ay sobrang pagseselos ang kanyang nararamdaman. Kaya ganoon na lang ang galit na kinikimkim niya para kay Hanie.
"bat di niyo na lang siya ibalik sa kila tito at tita? kung tutuusin pinsan ko lang naman siya at hindi kapatid." sabi pa nito. Nag iisip naman ng tamang sasabihin ang ina.
"anak,mas kailangan niya ng atensiyon ng pagmamahal. Magiging kawawa lang siya sa mga magulang at kapatid niya kung ibabalik natin siya duon. Baka iyon pa ang maging dahilan ng pagsiwalat ng tunay niyang pagkatao. Delikado Cam..kailangan manatili siyang mabait at mapagmahal at may takot sa diyos." paliwanag nito.
"anong ibig mong sabihin ma?" kunot noong tanong nito na ngayon ay huminto na sa kanyang pag iyak,napalitan ng kuryosidad.
"anak,sasabihin ko sayo ang lihim ng pagkatao niya,ngunit pakiusap sana ay tayo na lang dalawa. Wag mo ng sabihin sa asawa mo o sa kung sinuman maliwanag ba? nang sa ganon ay maintindihan mo ako." pakiusap nito.
"yes,ma. pangako." Na totoo sa loob niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ng ina niya.
"ma,may ipagtatapat pala ako sayo.Bago ako mahulog sa puno may nagpakira saakin kaya nagulat ako at nawalan ng balanse na siyang ikinahulog ko. Karma ko na siguro iyon sa mga pinaggagawa ko kay Hanie. Saka ma,sa tuwing inaaway ko si Hanie may kababalaghang nangyayari sa bahay. Pero si Hanie ni minsan hindi siya lumaban sakin. Nadidisgrasiya ako sa tuwing ginagawan ko siya ng ikasasakit niya. Kasama ba yon sa lihim niya?" pagtatapat ni Cam sa ina.
Nanlalaki naman ang mata ng ina sa narinig sa anak.
"anong sabi mo?? kailan pa nag umpisa ang ganun?? naku,hindi to pwede??" pailing iling na sabi ng ina.
THE BIG WHY?REVELATION na!!! excited si ako. Hello Lady B!
Anong #lihim kaya iyon?
"bakit ma?" takang tanong ni Cam.
"kailan nga nag umpisa itong kababalaghan Cam?" muling tanong ng ina.
"nang pangalawang beses ko siyang awayin ma. Matagal na ma,2 years na ata?" sagot ni cam.
"so ganun katagal niyang nilalabanan ang sarili?ang laki ng pagmamahal niya sa pamilya mo alam mo ba iyon Cam?" sabi ng ina.
"para lang labanan ang sarili. Cam may isa pa siyang pagkatao at iyan ang lihim niya. Ayaw niyang tanggapin iyon,ang totoong siya dahil ayaw niyang makasakit ng kapwa lalo na sa mga mahal niya sa buhay.Pinipilit niyang labanan ito dahil ayaw niya rin na ito ang pumalit sa kung ano siya ngayon." matamang pinakikinggan ng mabuti ni Cam ang bawat sinasabi ng ina.
"kasama ang lahat ng nangyayari sayo,"di na nagtaka doon si Cam.
"ano ang pwedeng mangyari ma sa oras na tanggapin niya ang isa pa niyang pagkatao?" tanong ni Cam.
"ano ba ang meron sa isa pa niyang pagkatao ma?"sunod niyang tanong.
"ang isa niyang pagkatao ay si Lady B.may kapangyarihan ito at kapag tinanggap niya ito,may posibilidad na hind niya kayanin ang lakas nito at tuluyan siyang sakupin ni lady B. Magiging masama siya pagnagkataon. Pero kapag tinanggap naman niya si lady B at nakayanan niya ang lakas nito at makokontrol niya ang kapangyarihan ni Lady B. iyan ay siya rin sa ibang pagkatao. Ayan lang ang alam ko Cam,the rest di ko na alam ang mga kakayahan nito incase na tanggapin na niya." ang hirap mag sink in sa utak ni Cam ang lahat.
May ganun pala? nakakakilabot nakakatakot.Tahimik lang si Cam sa mga narinig di na malaman ang dapat na sabihin.
"Cam,ang pangako mo?walang makakaalam nito." tanging tango lang ang sagot niya.
SAMANTALA sa bahay ng lola ni Hanie,hindi pa siya nakabalik sa pagpasok sa school dahil kailangan pa niya ng isang linggong pahinga.
Lagi siyang dinadalaw ng tatlo at todo naman ang pag aasikaso ni Sam sakanya na animoy isa siyang prinsesa.
Kaya sa bawat araw na lumilipas ay laging masaya si Hanie,di na niya nararamdaman ang kalungkutan, sakit at ang kinikimkim na nararamdaman.
Walang lady B sa paligid niya. Ngunit naroon si Arvie na ghost kengkoy,di niya alam kung bakit ito sumunod sakanya.
May tumawag sa cp na binigay ng mama ni Hanie, ito ay ang kanyang ina."hello,kamusta ang pakiramdam mo anak?' tanong nito.
"okay na okay naman ma, kamusta na sa bahay ma? maari na ba akong bumalik duon?" tanong niya.
"next week anak sa ngayon diyan ka muna okay?" sabi nito.
"sila kuya po kamusta?ano na pong ginawa niyo sa kanila?"tanong muli ni Hanie.
"nasa hospital ang kuya mo."...
"PO?ano pong nangyari?"
Sinabi ng kaniyang ina ang nangyari sa kuya niya.
Ngunit hindi ang kababalaghang nangyari dito.
Sobra naman ang pag aalala ni Hanie sa kuya niya. "kailan po siya lalabas ng hospital ma?" tanong ni Hanie.
"ang sabi ng doctor ay baka matagalan pa,baka buwan ang lilipas dahil sa tindi ng pinsala sa balakang niya kaya hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa." paliwanag nito.