Matapos ang usapan nila ay sumulpot uli si Arvin sa kanyang harapan. Nag iisa siya sa bahay ng araw na iyon.
"may nababasa ako sa pagkatao mo alam mo ba iyon?" sabi ni Arvin.
Biglang baling ng tingin ni Hanie kay Arvin. Na nakakunot pa ang kanyang noo na animoy nagtatanong.
"umaapaw ang kapangyarihan mo ngunit ikinulong mo ito at ayaw mong pakawalan. Bigyan mo rin siya ng kalayaan." sabi nito.
"nakita mo siya? paano? hindi ko naman siya kasama." sabi ni Hanie.
"hindi nga,pero nararamdaman ko ang kapangyarihan niya na pilit kumakawala harapin mo siya wag kang matakot,ramdam kong kakayanin mo iyon." muling sagot ni Arvin.
"hindi! hindi pwede at hindi pa rin ako handa." iiling iling na sagot ni Hanie.
'kailangan ko na atang umuwi saamin.Baka makatakas siya.. Andun pa naman si laby B. teka?" biglang nahinto ang kanyang sinasabi ng maalala si Lady B.
'di kaya si lady B ay siya? kung ganun ay nakatakas na siya!' sabi ng isip niya.
"maybe! pero ayaw mo pa nga siyang tanggapin.haayy!" sabi ni Arvin na mukha pang siya ang namomroblema.
Taimtim na nag iisip si Hanie.
SAMANTALA isang malaking gulo at pangyayari ang gigimbal sakanya.
"hindi! hindi maari ito!!" hingal na sabi ni Hanie nang nagising siya sa isang masamang panaginip.
"hindi! hindi! hindi! panaginip lang ang lahat! hindi iyon mangyayari!" sabi pa niya.
Agad niyang tinawagan si Roxy at nakibalita sa grupong kinaaniban ni Sam.
Sinabi niya ang napanaginipang gulo sa bawat grupo na nagpapahiwatig ng war,marami ang magbubuwis ng buhay.
Sinabi niyang tigilan na muna ang pakikipaggulo sa ibang grupo para malayo sila sa panganib.
Natakot si Roxy sa mga sinabi ni Hanie kaya nang matapos ang pag uusap ng dalawa ay agad niyang hinanap si Sam at Billy sinabi ang kanyang sinabi.
"naku,ang baby ko masyadong maalalahanin. Nakahanda naman kami hindi kami uurong sa mga ganoong labanan.Di baniya nakita sa panaginip niya na kami ang mananalo at ang mga patay ay ang mga kalaban? hehehw! astig! love you sabihin mo sa baby ko ha! sige at may meeting pa ang grupo." paalam ni Sam.
PARATING NA SIYA!!! hahaha!!
Dumating ang araw ng pag uwi ni Hanie sa bahay nila,sa pagbungad niya sa teresa patungo sa pinto papasok ay may 'video games' nagtataka siya may naglalaro na rin duon mga bata at binata.
Kaya bumagal ang paglalakad niya habang pumapasok sa bahay.
"oh Hanie,andito ka na pala? nalinis ko na ang kwarto mo." sabi ng asawa ng kuya niya nang makita siya nito.
"uhmm salamat ate..ano po ang mga yan?" turo niya sa mga video games.
"alam mo naman na siguro ang nangyari sa kuya mo,wala kaming aasahan malaki ang magagastos sa pagpapagamot niya,saka dyan ko kukunin ang panggastos sa mga bata,sa tubig at sa kuryente. Ayoko naman iasa lahat kay mama nyo,nakakahiya."paliwanag nito.
"ganun ba?" sagot na lang ni Hanie na nakakaunawa.
"pumasok ka na muna at ng makapagpahinga ka na." sabi nito.
"opo." kaya pumasok na siya sa kwarto.
'andito na siya! yahoo!' sabi ni lady b ng maramdaman ang presensiya ni Hanie.
Pagbukas ng pinto ng silid isang malamig na hangin ang sumalubong sakanya. kaya sinara niya agad ang pinto.
"welcome back Hanie!" sabi ni lady b!
"salamat LADY B!" sagot ni Hanie.
"teka may naaamoy ako ah? bakit?" tanong nito.
"nakatakas ka na pala! paano?" tanong ni Hanie.
"ow well well well alam mo na pala kung sino ako? di pa naman ako totally na nakatakas dahil di ko magawang sundan ka. Pero alam kong malapit na iyon mangyari,ramdam kong malapit mo na akong tanggapin!" sabi nito napaikot ikot sa paligid ng silid.
"kaya pala ayaw mong magpakita saakin ano?" paglilihis niya sa sinabi ni lady b.
"yah hahaha pero ngayon hindi na ko dapat mangambang baka matakot kang makita ako na ikaw rin mismo,kaya heto na...tarannnn..." isang Hanie ngunit mataray ang dating ng aura nito,astigin! pasyonista! charrr!!
"hayyy...oo na!ikaw na!"....
"tatanggapin mo na ba ako?"....
"hindi!"...
"bakit?"....
"ang pangit mo!"....
"hahaha ikaw ay ako,ako ay ikaw!"....
"so? mas gusto ang simple!" bumusangot na lang si lady b.
"naalala mo ba ang sinabi ko nuon? na maghanda ka,ingatan mo ang puso mo. Wag mong papairalin ang galit dyan sa oras na dumating na ang pinakamalaking mangyayari sa buhay mo. Alam ko sa oras na yun ay tatanggapin mo ako.Pero kayanin mo hanie kayanin mo.." sabi nito na may pag aalala sa kanyang mukha.
"di ko alam ang sinasabi mo." May kabang sagot ni Hanie.
Kaya lumabas na lang ito ng silid niya at nagtungo sa sala kung saan niya makikita sa tabi ng bintana ang mga batang naglalaro ng video games.
May isang binatang umagaw ng pansin niya dahil tingin ito ng tingin sakanya.
'may binata pala na naglalaro ng pambatang video game?' sabi niya sa isip. At binalingan na lang ang t.v.
"tita!!! miss kita tita!" bungad ng pangalawang pamangkin niyang si Camiele sabay yakap nito sakanya.
Tuwang tuwa naman siyang makita ang pamangkin. "kamusta kayo dito kulet?" tanong ni Hanie na hinihimas pa ang ulo nito habang nakayakap sakanya.
"si papa po nahulog sa puno nasa hospital po siya di pa daw uuwi. Bad kasi siya tita no?" sabi ni Camiele.
"ay! hindi,wag mong sabihin yan. Mabait ang papa nyo ha.wag kang magtatanim ng galit sakanya tandaan mo ang sinabi ko ha?" sabi ni hanie. "opo tita,sorry po."
KINABUKASAN...
babalik na siya sa pagpasok sa school.
Ayan magkikita na sila ni Sam..ayiihhh.
Masiglang pumasok si Hanie sa eskwelahan ngunit may kaunting pag aalala dahil sa sinabi ni lady b sakanya.
Tuloy tuloy siyang pumasok sa classroom nila at binalewala na lang ang pag aalala.
"welcome back Hanie!" bungad na bati ni Roxy.
"thanks Roxy!" nakangiting sagot ni Hanie.
Para namang slow motion ang nangyari sa paningin ni Sam, 'ang ganda niya talaga! sa bawat paglipas ng mga araw ay mas lalo siyang gumaganda..' sabi ng isip ni Sam.
'dug dug dug! bakit ba ganito kabilis ang pintig ng puso ko sa tuwing nariyan sya? sa tuwing nakikita ko siya? para bang nagwawala ang puso ko at gustong lumabas sa kanyang lungga? oh my!' sabi pa niya sa isip.
"hi baby!" bati niya kay Hanie.
"hello Sam!" balik na pagbati nito.