'kung pwede ko lang siyang diktahan na tumiwalag na sa grupong kinaaniban para di siya mapahamak para kasing habang tumatagal ay lalong napapalapit ako sakanya,yung feeling na gusto ko siyang laging kasama? masaya ako sa presensiya niya kahit na nakakatakot ang ugali niya. Ayokong isiping sa isang iglap ay bigla na lang siyang mawawala,sumasakit ang ulo ko,sumasakit ang puso ko sa isiping iyon.' iniling iling niya ang ulo na para bang binubura niya ang mga naiisip na hindi maganda.
Magkatabi sila sa buong klase. Sa recess ay nagpabili na lang si Sam para kay sakanya,kulang na lang ay subuan siya ito.
"Baby, alam mo bang namiss kita?" sabi nito.
"hmm?"....
"hanggat maaari ayokong nakikita kang nahihirapan." sabi pa nito.
"bakit naman?" tanong ni Hanie.
Napakamot naman sa ulo ai Sam,nag aalangang magsalita.
Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago uli nagsalita.
"kasi ano,kasi....kasi mahal...kita?" sabay kamot uli sa ulo.
"ano yun? tanong o ano?" nakakunot noo na natatawa si Hanie kasi biglang namula ang mukha ni Sam.
"Nagtatapat?" sabi uli ni Sam.
"tanong uli?" napapangiting sabi pa ni Hanie,pero sa loob niya ay kinikilig siya sa isiping mahal siya ng taong malaki ang halaga sakanya.
Isang buntong hininga uli ang pinakawalan ni Sam at mukhang kinakalma ang sarili.
"Nagtatapat po ako sayo. Ang sabi ko mahal kita! whooo!!" sabay buntong hininga uli.
Tapos hinawakan ni Sam ang kamay ni Hanie at hinalikan ito na siyang ikinapula naman niya.
"ahh! okay." sagot na lang niya.
"anong okay?" kunot noong tanong ni Sam.
"ano bang dapat kong sabihin?" tanong ni Hanie na sa totoo lang ay hindi talaga niya alam ang dapat isagot.
Napakamot uli sa ulo si Sam. "inaamin kong torpe ako,pero ikaw? naman! ang inosente mo talaga grrr kakagigil ka alam mo ba yun?halikan na lang kaya kita?" nanggigil na tatawa si Sam sakanya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Hanie at namumula ang mukha sa tinuran ni Sam.
Napahawak siya sa tiyan niyang animoy may lumilipad sa loob nito na paikot ikot lang.
Isang buntong hininga rin ang kanyang pinakawalan ngunit hindi nagsalita.
"ayy! napipi na siya." sabay pisil sa magkabila nitong pisngi.
"ang cute cute mo pag nagba blush ka alam mo ba yun? kumain ka na mga lang!" sabi pa ni Sam. Eh ayun! kumain na nga lang siya pero hindi niya naubos ang pagkain niyang footlong dahil sa malaki,ganun din yung fresh milk na nakabote na plastic dahil malaki rin. Yun kasi yun binili ni Sam para daw mabusog siya at magkalaman naman daw ang payat kuno na katawan nito.
Slim lang di naman payat talaga,O.A. lang si Sam ahaha! kaya ang nangyari si Sam ang umubos ng tira niya.
"eh may laway ko na yan!" pag aawat sana ni Hanie kay Sam.
"oh eh ano ngayon? sayo naman! parang nakakiss na rin ako di ba?" sabay ngiti.
Namula na naman si Hanie dahil dun. Hay sana lang ganyan sila ka-sweet palagi at walang problema.
LUNCH TIME.
"baby,pwede ka bang sumama sakin?" tanong ni Sam kay Hanie.
"saan?" tanong din niya.
"sa likod ng canteen,dun na lang din tayo kumain ng lunch." sagot nito.
"pwede ba natin isama si Roxy?" tanong uli niya na ayaw iwan kasi ang kaibigan.
"oo naman baby.."sagot naman ni Sam na nakangiti pa. Kaya ayun,sabay sabay silang apat na nagpunta sa likod ng canteen.
"boss,okay lang kasama natin sila eh may meeting tayo?" tanong ni Billy.
Alam niyo bang cute din si Billy? mas mataas siya kay Sam at maputi,chinito,matangos ang ilong at pareho silang kimpy ni Sam. Maliit ang hugis ng labi nito.
Si Billy ay best friend ni Sam,hindi lang boss.
"oo,okay lang! ipapakilala ko siya para alam na ng lahat sa grupo na may isa pa silang dapat paglingkuran at protektahan." sagot ni Sam.
Kaya ng makita sila ng grupo ay nagsitahimik sila. At lahat ay nakatingin kay Hanie at Roxy.
Hawak ni Sam ang kamay niya. "gangs! eto nga pala ang sinasabi ko sa inyo! this is Hanie my girl! so, dont let any one to touch her! naintindihan niyo?" pakilala nito kay Hanie na nabigla naman sa sinabi ni Sam kaya sobrang pula ng mukha nito.
"Sam?" tawag nito kay Sam.
"its okay." sabi lang nito sabay ngiti.
"and this is Roxy! ang best friend ni Hanie at friend din namin ni Billy. so,isa rin siya sa dapat ninyong proteksiyonan,okay?" sabi uli ni Sam.
"yes boss!" sabay sabay na sagot ng puro kalalakihan na miyembro ng gangs.
"wala pa ang iba dito. wala pa sa 1/8 ang grupong ito. Dahil sa buong kamaynilaan ay nagkalat ang miyembro ng gang na ito. At may mas pinakamataas kesa kay Sam. Si Sam ay boss lang dito sa nasasakupan niya,ang boss ni Sam ay ang may sakop naman sailang lugar at ang pinaka boss ay ang pinuno ng bumuo ng gang at ang boss ng pinuno ng gang ay isang pulitiko dati na tinanggal sa serbisyo." mahabang paliwanag ni Billy.
"welcome to the gang mga binibini!!" sabay sabay na bati ng lahat kila Roxy at Hanie.
"thank you!" ngiting sagot ni Roxy.
"thanks to all of you! but...." sabi ni Hanie ngunit ang huling katagang sinabi niya ay bulong na lamang.
Nang matapos ang meeting nila ay si Billy at Sam na ang bumili ng lunch nilang apat. At habang kumakain ay mababakas ang saya sa mukha ni Sam.
Hawak nito ang kamay ni Hanie habang kumakain sila. Panay rin ang punas nito sa labi niya gamit ang panyo nito.
"aray! aray! ang sasakit mangagat ng langgam dito ano? ang dami pa nila! napuputakte na tong balat ko sa kakatayo ng mga balahibo ko!" sabi ni Roxy kay Billy.
"bakit? naiinggit ka? gusto mo tayo rin dalawa?!" sabay hawak din nito sa kamay ni Roxy na bigla namang tinanggal ni Roxy.
"ayy! di bale na lang! okay na ko dito mag isa ng walang ka-sweetan. Gaya nila!" sabay ininguso nito sila Hanie at Sam na magkatabing kumakain with holding hands.
"inggit ka lang ehh!" tukso ni Billy.
"cheeh! hindi no!!" irap nito kay Billy.
"hahahaha". tawa ni Billy.
"ay! baliw lang?" si Roxy.