UWIAN 7:00 pm "Hanie,nagpahuli ka na naman!tara na!" sabi ni Roxy na nagmamadali na at hindi mapakali.
"Hay,Roxy! takot ka na naman sa mga multo dito sa school." pailing iling na sabi ni Hanie kay Roxy.
"binanggit pa! grr!" sabay irap.
"hahaha,tara na nga!" sabi ni Hanie,paglabas nila ng room.
"best,may tao pa sa 3rd floor oh." turo ni Roxy sa studyanteng nasa terrace ng 3rd floor." pinagmasdan ito ni Hanie
'wala nang ilaw sa floor na yun, imposibleng may magpaiwan dun. Hindi kaya,ito yung kinukwento nilang studyanteng tumalon sa building na ito?' nang bigla nga itong tumalon.
"aaaaahhhhhh!!!!" sigaw ni Roxy na umalingawngaw sa buong campus.
Shock si Roxy sa nakitang pagkahulog ng babae basag ang bungo nito at nagsitalsikan ang mga dugo at utak nito ay nagkalat,bali bali ang mga buto.
"b e s s y.. u w i na ta yo.." nanginginig na sabi ni Roxy. 'hanie,hanie isa na lang siyang ghost gaya ko.
Hayaan mo na siya,ako na ang bahala sakanya. Di kasi iyan mayahimik dahil sa pagpapakamay na ginawa niya. sige na,kawawa naman ang kaibigan mo.' sabi ni Arvin.
'balitaan mo ako ha? sige salamat' "halika ka na Roxy.." akay nito sa kaibigang nanginginig pa ang buong katawan sa nasaksihan.
Dumating ang guard.. "mga iha,anong nangyari? ano ang malakas na sigaw na iyon?" tanong ng guard.
" nagpakita lang naman po ang multo sa building mamang guard!" sagot ni Hanie.
"ganun ba? sige bilisan nyo ng magsiuwi." sabi ng guard.
Si Roxy ay wala ng kibo dahil sa nakita para itong na trauma. Kaya minabuti ni Hanie na ihatid na lang ito sa bahay nila.
Dahil sa pangyayari ng gabing iyon ay na trauma si Roxy.
Kaya madalas na mag isa na lang si Hanie na umuwi sa gabi. At sa tuwing tatahakin na niya ang daan simula sa kanto hanggang makapasok siya sa makipot na daan at makalabas dito ay madalas niyang napapansin na may nagmamasid at sumusunod sakanya.
Hindi naman niya ito mahuli huli kung sino ba ang taong iyon.
Si Arvin sana kaso bibihirang sumulpot. Ilang araw na din hindi pumapasok si Sam 'ano na kayang nangyari dun?' tanong ng isip ni Hanie.
Ang gang na kinaaaniban ni Sam ay hindi ordinaryong grupo lang,hindi rin ito fraternity. Isa lang sa halimbawa ang fraternity.
Ang gang ay may ipinaglalaban,may patakaran, may misyon at handang pumatay at mamatay.
Ang gang ay nakakatakot na kalaban. Dahil sa kahit na anong paraan ay gagawin nila. Kahit saan ka naroon ay mahahanap ka nila,dahil ang gang nila ay malaki,malawak ang sakop. Kadalasan ay tahimik kung kumilos.
Minsan papunta si Hanie sa kanyang mama, sa pinagtatrabahuan nito. Tatlong sakay bago makarating,sa pangalawang sakay ni Hanie ng jeep ay nangyari ang di niya inaasahang masasaksihan.
May nakita siyang palatandaan ng mga kasapi sa gang. Ngunit bumaba agad ang mga ito.
Sa pag andar ng sasakyan ay sumubsob ang pasaherong lalaki na estudyante na katabi ng mga lalaking bumaba kanikanina lang.
Ang akala ng lahat ay nakatulog lang ito kaya ginising nila,ngunit nagtataka sila kung bakit di man lang ito gumalaw.
Iniayos nila ang estudyante para makaupo ng maayos ng makita nila ang pag agos ng dugo nito mula sa magkabilang tagiliran at dibdib na sakto sa puso.
Nag hiyawan ang mga pasahero,ang iba ay umiiyak ,ang iba ay galit ,ang iba ay tulalasa pangyayari. Dumating ang mga alagad ng batas kung saan huminto ang sasakyan.
Ininspeksiyon ang lahat ng kagamitan ng mga pasahero,at ininterview silang lahat.
Dinala rin sila sa prisinto para sa mga ibang detalyeng kakailanganin nila.
Tulala si Hanie sa nasaksihan habang tumutulo ang mga luhang nag uunahan.
Ang sabi ng pulis ay silent gun ang ginamit sa pagpatay.
Nanginginig ang katawan ni Hanie sa di mawaring pakiramdam niya. 'bakit ganito?bakit?ayoko ng ganito! ayoko nito!' tagis ng utak ni Hanie.
Nanginginig na nag dial siya sa cp. "he he lo mama," nginig ang boses na sagot nito sa kabilang linya ng sagutin ang tawag niya.
"oh anak,asan ka na at bakit ganyan ang boses mo?" takang tanong ng mama niya.
"ma, sun du in mo ako. Na sa pu lis station a ko." sagot ni Hanie sa patuloy na panginginig ng boses at katawan nito. At patuloy na pagluha,nagrerewind kasi sa utak niya ang nasaksihang pangyayari.
"ano???bakit??oh sige parating na ako."sagot ng mama niya na nagmamadali. Nang dumating ang ina ay agad siyang yukap dito at ang mga pulis na ang nagpaliwanag kung bakit siya naroon.
Nang pumasok na rin sa wakas si Sam agad niya itong nilapitan.
"pwede ba tayong mag usap?" bungad ni Hanie.
Nanlaki ang mga mata ni Sam pagkakita kay sakanya sa seryosong mukha nito.
"si sige,tara sa likod?" aya ni Sam.
Pagdating sa likod ng canteen sila lang ang tao. Tumulo agad ang luha ni Hanie.
"oh bakit?" nag aalalang tanong ni Sam.
"anong meron sa gang ninyo?bakit kailangang may patayin? bakit kailangang may pumatay?at mamatay?bakit?" tanong niya na nakatingin saga mata ni Sam habang patuloy sa pag agos ang mg luha ni Hanie.
"ano bang sinasabi mo?bakit umiiyak ka?bakit ganyan ang tanong mo?" nagtatakang tanong ni Sam at hinawakan nito ang pisngi niya,saka pinahid ang mga luha nito.
"nasaksihan ko ang pagpatay sa isang estudyanteng kasakay ko sa jeep ng nakaraang araw. At angay gawa non ay ang member ng gang na kinaaniban mo! Ang bata pa ng namatay! my God! paano nila naatim ang pumatay ng kapwa nila bata?" pagtatapt nito.
"ssh,ssh..okay lang yun baby. Ang pinatay nila ay may atraso at may malaking kasalanan. Di sila papatay ng walang dahilan. Misyon nila iyon." paliwanag ni Sam. Pero hindiaintindihan ni hanie ito.
"misyon na kung misyon,may atraso na kung may atraso! may kasalanan na kung may kasalanan! pero bakit kailangan ilagay nila ang sa sarili nilang mga kamay? bakit kailangan pang pumatay?bakit kailangan pang humantong sa p*****n? bakit?" naiinis na sabi ni Hanie.
"hindi mo naiintindihan!" sabi ni Sam.
"talagang hindi ko maintindihan kung bakit kailangang humantong sa p*****n!!? Lahat ng tao ay may pag asang magbago! lahat ng tao ayay karapatang mabuhay! Diyos lang ang pwedeng bumawi ng buhay na ipinahiram saatin! hindi ang sarili,hindi ang ibang tao!" mataas na boses na sabi ni Hanie.
Napayuko na lang si Sam. Walang masabi. "tumiwalag ka na sa grupong iyan!" sabi pa niya..Napatingin bigla si Sam sakanya.
"pero Hanie,hindi pwede!" sagot nito.
"bakit? dahil ayaw mo?" tanong niya.
"malaking parusa ang kapalit." sagot nito.
"anong parusa? paano kung sayo mangyari ang nasaksihan ko? paano? pwede ka pang magbagong buhay. Bata ka pa at marami pang mararating sa buhay. Hindi ang gang ang dapat na mahing buhay mo." sabi pa ni Hanie.