Hindi tuloy nakatulog si Hanie dahil sa lalaking iyon.
Inaantok siyang pumasok sa school.
Ramdam pa rin niya ang pangangapal ng labi niya.
Lumilipad ang isip ni Hanie habang naglalakad.
"hi ate Hanie!" bati ng kapitbahay niyang si Jhen na school mate niya,matanda siya dito ng tatlong taon.
"hello Jhen." matamlay niyang sagot dahil sa inaantok nga siya.
"pasabay ako ate!" sabi pa nito.
"sige,pero maglalakad lang ako eh,maglalakad ka lang din ba?" tanong niya.
"oo ate!" sagot nito.
'hayy nakakaantok talaga!'
"uhmm.. te bakit parang puyat ka yata? saka medyo maga yung labi mo? parang kinagat ng___" nag mostra ito ng mabaho at sungay.
Nanlaki naman ang mga mata ni Hanie at namula ang mukha. 'alam kaya niya?'
"hala! nagbablush ka te! bakit?hahaha" tawa nito.
"ah eh kasi ang tagal umuwi ng naglalaro kagabi kaya napuyat ako." sagot niya.
"ahh! alam ko na kung sino,si Butch ba te? adik yun eh." sabi nito na parang kinikilig na natatawa.
"ano??? adik?" pabiglang tanong niya.
"hahaha oo te,adik siya sa video game. hahaha" sagot nitong tila naaamaze sa reaksiyon niya.
"ahh akala ko adik." mahinahon na sabi ni Hanie.
"akala mo gumagamit ng drugs? hehehe ewan lang! pero ang gwapo niya no te?!" kinikilig na sabi nito.
"gwapo? sino ba yun?" tanong niya na lumilipad na naman ang isip.
"yung matangkad te,slim, matangos ang ilong,ang cute ng mata. Si Butch! crush ko yun eh! kaso ayaw saken. ikaw yata ang gusto,pano kasi laging sumisilip sa bahay nyo,tapos nung magka video game na kayo palagi ng andun. Tapos tanong ng tanong sakin kung nagkakausap ba tayo. Sabi ko naman hindi,pero kilala kita. Ang strick kasi ng kuya mo ano? nakakatakot kaya di ka namin malapitan para makipagkaibigan. Saka ang ilap mo rin sa tao eh." daldal nito.
"ahh" tanging sagot niya sa antok.
Nang makarating sa school. ayan para siyang high na high,pero na papansin niya ilang araw na talagang di pumapsok si Sam.
'ano na kayang nangyari dun? kahit si Billy ay wala.'
"Roxy bakit di sila pumapasok?" tanong niya sa malungkot na tinig.
"hindi ko rin alam Hanie. Nakakapagtaka nga eh." sagot ni Roxy.
Maya maya nag ring ang phone ni Hanie at Roxy.
"hello?" sagot ni Hanie.
"hi baby! i miss you! kamusta ka?" sagot ng nasa kabilang linya.
"Sam!" tuwang sagot niya.
"yap! ako nga..sorry baby di ako makapasok ha may inaasikaso lang saka may sakit kasi ang lola. Tapos nagpunta si daddy dito at nagkasagutan kami. Minsan na nga lang ako dalawin sesermunan pa. Kaya ayun!" malungkot na paliwanag nito.
"ganun ba? akala ko kung ano nang nangyari sayo." sabi niya.
"next week papasok na ako. Baby,malapit na pala bakasyon ano? uuwi daw kami ni lola sa probinsiya. Mamimiss kita ng sobra."pahayag nito.
"hmm...ako din mamimiss kita. Okay na yun atleast makalanghap kayo pareho ng lola mo ng sariwang hangin at malayo ka sa panganib ng kamaynilaan. Lalo na sa gang nyo. Mag iingat ka dun ha?" sabi niya na ngayon ay panatag na ang loob na nasa maayos naman pala siyang kalagayan.
"love you Baby! sige na at may klase pa kayo." sabi nito.
"love you too! okay." sagot naman niya.
"so tayo na ba?" tanong uli ni Sam.
"ha? ah eh wala naman akong sinabi ahh?" sagot niya pero nakangiti.
"sabi mo love mo rin ako?" parang bata.
"oo nga,tayo na nun?" tanong uli ni Hanie.
"oo." tipid na sagot ni Sam.
"ahh ganun ba yun?" ngingitingiting sagot niya.
"ganun na nga.hahaha yes!" sabi jito na nagagalak.
"o sige na bye na! andito na si maam." paalam niya.
"bye Baby! muah!"
Nalalapit na ang closing ng school,nalalapit na rin ang bakasyon.
Magkatabing nakaupo si Sam at Hanie sa silid aralan habang nakaholding hands sila.
Panay ang halik ni Sam sa kamay niya at nang magsawa ay ang mahabang buhok naman nito ang pinagdiskitahan.Pinaglalaruan nito ang buhok niya at inaamoy amoy.
"Hmmm Baby wag mong papagupitan itong buhok mo ha?" sabi ni Sam sakanya.
"sabi mo eh!" sagot naman niya.
"anong shampoo mo Baby? ang bango bango at ang soft tapos shiny pa!" si Sam.
"Palmolive. Alaga kasi ni mama yan nuong elementary pa lang ako,yung katas ng niyog. Pampaganda raw ng buhok." sagot niya.
"ahh kaya pala. Hmmm sarap amoy amuyin." napunta sa balikat niya ang pag amoy nito.
"hmm,iba na yan ha!" nakikiliting sabi niya.
"hehehe nakakaadik kasi ang amoy mo ang bango bango. hmm,Baby saan ka mag babakasyon?" tanong nito na hindi inaalis ang paglalaro sa buhok niya at pag amoy.
"kila lola ulit,may trabaho kasi si mama eh. Tapos sila yung mga pamangkin ko uuwi sa family side ng mama nila. Kaya kila lola lang talaga ako." sagot niya.
"ahh,ingat ka dun ha? saka alagaan mo sarili mo,wag kang magpapalipas ng gutom para hindi bumalik yang sakit mo. Wag kang magpapatuyo ng pawis,wag magpupuyat ha?" bilin ni Sam.
"hala? ang dami,sige opo po. Sabi mo eh.." nakangiting sagot niya.
Iniwan naman ni Sam ang buhok ni Hanie at muling hinawakan ang kamay nito.
"Baby,baka may makilala kang iba tapos pag balik ko ayaw mo na saken?" nag aalalang sabi nito.
"hala! bat ganyan ang iniisip mo? ikaw lang po wala ng iba!okay?" sabi niya sabay haplos nito sa pisngi ni Sam.
"okay lang naman makahanap ka ng iba,basta ba kapag wala na ako. kapag patay na ako..." sabi pa ni Sam.
"hala! ano ba yang sinasabi mo? wag ka ngang ganyan! kinikilabutan ako eh! wag mong sabihin yan! di yun mangyayari!" hinihimas ni Hanie ang braso haang sinasabi iyon.
"hahaha lahat ng tao ay hahantong sa kamatayan..kapag oras mo na,oras mo na! kahit nasaan ka man o kahit ano mang ginagawa mo,mangyayari at mangyayari iyon." natatawang sabi ni Sam.
"di ka takot mamatay?" kunot noong tanong niya.
"hindi ako takot mamatay. Takot ako mapahamak ang mahal ko sa buhay!" sagot ni Sam na nakangiti pa.
"takot ako,hindi pa kasi ako handa!" malungkot naman na sagot niya.
"hay naku,tara na nga at maglibot sa mga booths sa labas.!" aya ni Sam kay Hanie.
Lumabas sila ng room na magkaholding hands,nagpunta sa mga booths,kumain,nag games,nag papictures at kung anu ano pa!
Niluboslubos nila ang araw ng closing na iyon habang magkasama sila. Hanggang sumapit ang gabi at inihatid siya nito sa sakyan ng tricycle.