#17 Bad Encounter

1020 Words
Hindi siya hinayaang maglakad, bago sila naghiwalay ay hinalikan siya ni Sam sa labi 'smack' lang. Saka niyakap sa huling pagkakataon. "ingat ka rin sa pupuntahan mo ha? love you Sam." sabi niya habang magkayakap. "yeah! i love you more baby!" at ayun kumalas na rin sa pagkakayakap. Saka kiniss siya nito sa kamay, sa ulo,sa noo,sa mata,sa ilong,sa pisngi at sa labi. "bye!" paalam ni Sam. ...... Nagkukulong lang si Hanie sa bahay ng lola niya,kundi matutulog maghapon eh magsa sound trip. Kundi naman eh mangungulit sa lola at pinsan niyang si Janine na mas nakakabata sakanya. Minsan naman mag fofoodtrip maghapong magluluto ng kung anong maisipan niya. O kaya naman ayain niya si Janine pupunta sila ng mall,kakain sa Greenwich, mag gagames,mag gogrocery tapos magmemerienda sa dunkin donuts. "ayy! sulit na sulit to ate! ang galante mo talaga!" tuwang tuwang sabi ng pinsan. "kasi libre ka?!" natatawang sagot niya. "bukas ulit te ha? nood tayo ng sine." hirit pa ng pinsan. "ayy! next time ulit,uubusin badget ko eh." sabi niya habang ginugulo ang buhok ng pinsan. Pagdating sa bahay ng lola nila ay tumambay muna siya sa may pinto sa labas at pinanood ang mga batang naglalaro. 'isang linggo na akong kinakabahan,bakit kaya?' di niya malaman ang dahilan ng kabang iyon. Isang buwan na rin mahigit ang bakasyon. Maya maya lang biglang may mga nagtatakbuhan, nagtataka si Hanie. Nang may biglang pagputok ng sumpak at tuluyang nagkagulo. May mga nagsusuntukan, nagtutulakan, may mga nagsisipaan at ang iba ay may hawak pang balisong at icepick. Nagkakagulo na ang lahat may nagrambulan at mga nagtatakbuhang kabataan. Karamihan sa kanila ay puro kalalakihan at mga binata. 'anong nangyayari?' tanong niya sa isip. "anong meron?" tanong niya sa isang lalaking hinarang niya. "riot ng mga fraternity, may nagpaputok ng sumpak!" sagot nito na muling tumakbo. Napatayo siya ng mahagip ng paningin niya si Sam. Tinawag niya ito,ngunit tuloy tuloy lang ito sa pagtakbo pero nilingon siya nito at ngumiti ng pagkatamis tamis. Napangiti na rin si Hanie. "ang daya! andito na pala siya!" nakapout na sabi niya sa sarili. Bumilis ang pintig ng puso niya. Sinusundan niya ito ng tingin hanggang sa natabunan na ng mga kabataang nagtatakbuhan. "ate! ano ka ba? nagkakagulo at nagkakaputukan na di ka pa pumasok! mamaya diyan natamaan ka ng ligaw na bala,mayayari kami kay tita niyan eh! tara na sa loob." sabay hila ni Janine sakanya. Nagpunta si Roxy kila Hanie. Nagkayayaan silang magmall,mag unwind lang. So ayun,sa itaas sila unang nagtungo. Palaruan kasi dun di ba? tapos may video oke. Napagtripan ni Roxy na kumanta. Maganda naman ang boses niya ang daming nagsulputan bigla at pinanood siyang kumanta. 'torete' ang napili niyang song. Dinedicate pa niya ito para sa kaibigang si Hanie at Sam. para daw sakanilang dalawa na kahit wala naman si sam duon. Habang kumakanta si Roxy ang bawat kataga sa song na iyon ay naiimagine ni Hanie si Sam. 'i miss him a lot' naalala niya ang mga araw na magkasama sila. kung paano siya nito tratuhin. Tumulo ang butil ng luha ni Hanie ng hindi niya namamalayan at tapos na rin ang kantani Roxy. "huy! anyare sayo?" sabay punas niya sa pisngi. "ah wala!" sagot niya. Maya maya may lumapit sa kanilang mga kalalakihan. "hi mga miss! pwede bang makipagkilala?" sabi ng nasa unahan at bigla ang paghimas nito sa braso ni Hanie. "tara na Hanie." sabay hila sakanya ni Roxy. Naka tatlong hakbang palang sila ay humarang uli ang mga lalaki. "isnabera nyo naman,magpapakilala lang eh.!" sabi uli ng lalaki. "eh ayaw nga namin,so pwede umalis kayo sa daan.?!" sabi ni Roxy. "aba ang taray!" umikot si Roxy habang hawak ang kamay ni Hanie. Sabay bulong.. "sa likod tayo dadaan bibilang ako ng tatlo sabay tayong tatakbo.wag kang bibitiw ha." tumango lang siya na kinakabahan na rin dahil marami ang mga lalaking itong humaharang sa daan nila. "1.....2.......3 takbo!" kumaripas sila ng takbo. paikot,hinahanap ang daan pababa nang nasa hagdaan na sila... "habulin nyo!!!" sigaw nung lalaki parang leader ata ng grupo. Pagkarinig niyon ay ayun hinabol nga sila. Taranta sila Hanie at Roxy sa pagtakbo. Diresiretso sila palabas. Laking gulat nila ng makitang napapalibutan sila ng grupo nasa gitna yung leader. "patay! saan tayo lulusot dyan? ang dami pala nila!" sabi ni Hanie na habol habol pa ang paghinga. "nacorner na tayo!" iiling iling at namumutlang sabgit ni Roxy. "katapusan na ba natin?" tanong uli niya na nanginginig na sa kaba. "mga gag*! hindi pwede! kailangan makaisip tayo ng paraan para makatakas." sabi ni Roxy na determinado habang mahigpit na hawak ang kamay niya. Nag iisip si Roxy kung paano nila ito malalampasan. Si Hanie naman ay nanlalaki ang mga matang nakatuon sa mga nakapalibot na mga kalalakihan naghahanap ng malulusutang butas ngunit talagang wala siyang makita. "wala na tayong kawala! Roxy, lapitan na natin para matapos na!" kabado man pero lakas loob na gagawin ni Hanie para lang di sila saktan ng mga ito. "i have an idea!" nangingiting sabi ni Roxy. Ibinulong ni Roxy ang plano. Sa una tumutol siya. "delikado baka isa pa iyon sa ikapahamak natin." sabi ni Hanie. "basta! sakayan mo lang akona gagawa ng paraan wag ka lang bibitiw sa kamay ko Hanie, trust me okay?" derterminadong sabi ni Roxy. Tumango na lang siya. Dahan dahan silang lumapit sa leader. "mga miss, bakit ba kayo tumatakbo ha? pakikipagkilala lang naman ang hinihingi namin ang damot damot nyo!" marahan ngunit may diin sa bawat kataga na iyon. Hinawakan ng ibang kasama nito ang magkabilang braso ni Roxy na halos bumabaon na ang mg daliri ng mga ito sa braso ni Roxy. "ano ba! nasasaktan ako! bitawan niyo nga ako!" angal ni Roxy na hindi pa rin nagbibitiw sa pagkakahawak ng kamay ni Hanie. Ganun din ang ginawa ng iba kay sakanya,hinawakan ang magkabilang braso nito ng mahigpit. "dont touch her!" sigaw ni Roxy. Napataas ang kilay ng leader. "at bakit? matapang na babae? say your name!" hablot nito sa magkabilang pisngi niya gamit ang isang kamay nito. "okay,sasabihin na namin ang pangalan namin. Pagkatapos ba nun ay pakakawalan niyo na kami?" tanong ni Hanie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD