Nawala na ang plano nilang lambingin ang mga ito at akitin saka pagnakahanap na ng butas paa makatakbo ay saka nila tatakbuhan.Nag iba ang pangyayari. Natawa ang leader sa sinabi niya,
"not so fast baby!" nanlaki mga mata ni Hanie sa tinuran ng lalaki
'baby?' the call endearment ni Sam sakanya.
"what do you want?!" gigil na sigaw ni Roxy nang hindi pa rin binibitawan ng leader ang magkabilang pisngi nito na kulang nalang ay bumaon pati mga kuko nito sa pisngi ni Roxy.
"of course kayong dalawa ang gusto ko! Sumama na lang kayo ng maayos para wala ng mahabang satsat" sabay bitaw ng marahas sa pisngi ni Roxy.
"put****na mo! hayop! pwe!" sigaw ni Roxy sabay dura sa mukha ng leader.
Bigla ang pagpikit ng mariin ng leader at unti unting namula ang mukha nito.
At sa muling pagdilat ng mata nito ay ang pagpunas sa laway na dinura ni Roxy sabay "pakk!" isang malakas na samapal ang tinamo ni Roxy mula sa leader.
"Roxy!!" si Hanie na naawa sa kaibigan.
Sinabunutan ito ng leader saka pinagbantaan. "one more? Lady do it again and you will be dead!" binitiwan naman ito ng leader ng marahas din.
Bakas ang pamumula ng pagkakasampal sakanya ng leader.
Nahintatakutan naman si Roxy sa banta nito. Lumapit ang leader kay Hanie at inamoy amoy ito mula sa buhok papunta sa leeg at nang akmang hahalikan na nito si Hanie ay muling nagsalita si Roxy.
"dont do that ugly! and you will be dead too.."
Napahinto ang leader at muling binalingan si Roxy.
"really? ikaw ba ang gagawa nun? oh! im scared!" patuyang sabi ng leader.
"nope! hindi ako,kundi ang boyfriend niya." sagot ni Roxy na nangingiti.
"oh? and who's that lucky guy? isang pipitchugin? kaya ba niya ako?" taas kilay pang tanong nito na may pang-iinsulto.
"eh mukhang ikaw ang pipitchugin__".....
"Roxy!" awat ni Hanie.
"ginagalit mo ba talaga ako ha? gusto mo ba talagang matuluyan?" gigil na sabi ng leader na nanlilisik na ang mga mata nitong nakatingin kay Roxy.
"di mo ba kilala ang boyfriend ng kaibigan ko? isa siyang leader ng gang hahaha at once na may makapagtip sakanya ng ginagawa mo ngayon saamin?lintik lang ang walang ganti! hahaha." tuloy pa rin na sabi ni Roxy.
Natulala ang lahat sa sinabi ni Roxy kaya lumuwang ang pagkakahawak ng mga ito sa braso nila na siya namang sinamantala ng dalawa.
Siniko nila ang mga ito saka kumaripas ng takbo. Takbo lang ng takbo,narinig pa nila ang pagsigawa ng leader
"mga tarantado! bakit nakawala? habulin niyo! mga inutil!" sa pagkakarinig nilang iyon ay mas lalo pa nila binilisan ang pagtakbo.
"pa pa go god na a a ko Ro xy.." hingal na sabi ni Hanie.
"ako rin,pero hin di ta yo pwedeng hu minto." patuloy sa pagtakbo.
Nilingon pa nila ang mga ito na malapit na silang abutan.
"Hanie,,bi lis pa,ma lapit na si la!" may sasakyan na dumaan may pumara dito para sumakay papaalis na uli ang sasakyan ng humabol sila at sumabit dito.
Nagulat pa ang driver,"mga ineng wala ng space!" sabi ng driver.
"okay lang ho manong wag kayong hihinto dito na lang kami sa hagdan uupo.pls lang manong,may humahabol saamin na grupo!" sa tinuran ni roxy ay naintindihan naman iyon ng driver.
Nakita din ng mga pasahero ang mga kabataang nagtatakbuhan at mukha ngang hinahabol ang sasakyang sinakyan nila Roxy at Hanie.
"buti na lang nakatakas tayo! kundi katapusan na natin!" Sabi ni Roxy.
Napatingin lang si Hanie kay Roxy habang hapo pa rin sa pagtakbo. Naawa siya sa nangingitim na pisngi nito at braso.
Nangingitim din naman ang braso niya sa masakit na pagkakahawak ng mga lalaking iyon.
Pero si Roxy ay nasaktan sa pagtatanggol din sakanya. "bat mo ginawa yun?nasaktan ka tuloy!" sabi niya.
"ayokong tignan ka lang at panoorin kung paano ka nila bababuyin at sasaktan Hanie,konsensiya ko iyon kung wala akong gagawin para tulungan ka." nakangiting sagot ni Roxy.
"kaya ko ang sakit na to,lilipas din ang mga sugat at pasang tinamo ko. Pero ang trauma na kapag may nangyari sayo at wala akong ginawa ay hindi matatanggal ng agad agad." sabi pa ni Roxy.
"salamat!" nakangiting sabi niya.
"what are friends are for?di ba?"...
Nakahiga si Hanie sa mahabang sofa kila lola niya ng makarinig ng..."tao po! tao po!" tumayo siya at binuksan ang pinto.
"oh apple,bakit?sinong hinahanap mo?" tanong niya,si Apple ay classmate niya kaibigan rin pero paminsan lang sila nagkakasama at nagkakausap.
"ahmm ikaw." sabi nito na malikot ang mga mata.
"bakit? anong kailangan mo?" tanong niya.
"uhmm..kasi ano eh..uhmmm alam mo na ba ang balita?" sabi nito na nag aalangang sabihin ang gustong sabihin. Kumunot ang noo ni Hanie.
"ano bang balita?" tanong niya.
"uhmm ahhmmm ano eh.." bigla siyang niyakap nito na naiiyak.
"hala,ano nga? bakit ka nagkakaganyan?" kumalas si Apple sa pagkakayakap.
"uhm Hanie,wag ka sanang mabibigla ha?.................wala na siya!......." nakatingin si Hanie sa mga mata ni Apple.
"sinong siya?" seryosong tanong ni Hanie.Blangko ang isipan.
"wala na si Sam. Patay na siya!" sabay hawak nito sa magkabilang braso niya.
"ha? wag ka ngang magbiro! hindi nakakatuwa!" naiinis na sabi ni Hanie kay Apple.
"Hanie,hindi ako nagbibiro 2 weeks na siyang patay! sa probinsiya nila. Tinatawagan ko ang number niya pero ang best friend niya ang sumagot at sinabi iyon. Hindi ipinaalam sa lahat dahil isa siyang anak sa labas ng isang politiko." paliwanag nito.
"hindi! hindi totoo ang sinasabi mo! nakita ko siya nung isang araw dito,nung nagkakagulo andun siya tumatakbo.Tinawag ko pa nga siya,hindi siya huminto pero nginitian niya ako. Kaya paanong 2weeks na siyang patay? nanloloko lang ang mga yan!" sabi ni Hanie na ayaw paniwalaan ang sinasabi ng kaibigan.
Inalog alog siya ni Apple. "Hanie,wag kang ganyan! tanggapin mo ang katotohanan! wala na siya!" naiiyak na sabi ni Apple.
"hindi! hindi! paano mangyayari iyon?" nagagalit na sabi ni Hanie at tinanggal ng marahas ang pagkakahawak ni Apple sa magkabilang balikat niya.
"Naglalakad siya sa tabing dagat nang mapagtripan siya ng mga kabataang adik sa probinsiya nila at pinagsasaksak. Maraming saksak ang katawan niya hanie kaya hindi siya nabuhay! huli na ng dumating ang sasaklolo sakanya. Sumuka na siya ng dugo. Ang huling nasabi niya ay ang pangalan mo..." muling paliwanag ni apple.
"kung ayaw mo pa ring maniwala,pupunta kami sa probinsiya nila mamayang madaling araw makikilibing. Sumama ka.." sabi ni Apple.
Tuluyang nag unahan sa pagtulo ang mga luha ni Hanie.