Parang dinudurog ang puso niya sa balitang iyon. Unti unti siyang nanlalambot nanghihina hanggang sa napaupo siya sa tabi ng pintuan at nakasadal sa dingding nito.
"hindi! hindi! babalik siya sabi niya,hindi siya patay! hindi!" para siyang mababaliw hinawakan ang buhok at sinabunutan saka iniuntog untog sa dingding.
"hindi!" awang awa naman si Apple sa kanya,pero wala naman itong magawa.
Nag dial ito sa cp niya at kinausap si Roxy upang ito na ang makiramay kay Hanie dahil mas kabisado nito ang kaibigan.
Nagpaalam na si Apple sakanya. "hintayin mo si Roxy. Di na kasi ako pwedeng magtagal. Baka hanapin ako ni papa. Condolence Hanie. Kayanin mo ito!" sabi ni Apple.
Dumating si Roxy upang damayan ang kaibigang si hanie.
Nadatnan niya itong nakaupo sa labas ng pinto at nakatulala. Nakatingin sa kawalan.
"Hanie,okay ka na ba?"Tanong ni Roxy sa kaibigan. Tumango lang ito na hindi tumitingin sa kanya.
Matapos ang araw na iyon ay nagpasya na siyang umuwi na sa bahay nila. Hindi kila Lola nila kundi sa bahay nila ng kuya niya. Hindi pa rin nakakalabas ng hospital sang kuya niya. Bumalik na rin ang mga pamangkin niya at hipag.
Balik uli sa dati,siya uli ang taga bantay ng Video game ssa bahay na iyon. Pero napapansin ng hipag ang kakaibang aura ni Hanie, isang tanong at isang sagot lang. Laging malayo ang tingin. Ni hindi na ngumingiti,palaging walang reaksiyon sa mukha niya.
Hapon ng maisipan ni Hanie na tumambay sa terrace habang nagbabantay ng mga batang naglalaro ng video game.
May naglalaro din ng basketball sa loob ng bakuran nila.
Isa na duon ang lalaking naging marahas ng gabing di niya malilimutan. Panay ang kindat nito sakanya at nagpapapansin. Pero hindi iyon binigyan ng pansin ni Hanie. Tulala lang itong nakatingin sa kawalan.
"Ate,tawag ka ni Butch! Sabi ko sayo type ka nun eh! Ayiihhh ang gwapo kaya niya,bagay kayo te.." Sabi ng kapit bahay nilang ka schoolmate niya.
Nilingon niya ang nagsalita. "Hindi ako interesado sakanya! You like him! Bat di na lang kayong dalawa?" Sagot niya na di mo alam kung naiinis ba o nagtataray.
Mahinahon naman kasi ang pagkakasabi niya at walang kaemoemosyon.
"Ay! Di niya ako type eh..ako na nga ang nanliligaw sakanya pero wa epek ang ganda ko eh.. Mas type ka niya te. Pansinin mo na oh." Sabi nito sa malanding pagsasalita.
Tinalikuran lang ito ni Hanie. "Ay! Isnab lang te?" Sabi pa nito habang naglalakad na patungo sa lalaking sinasabi.
Saglit na nag usap ang dalawa ng lapitan naman nito si Hanie.
"Hi baby!" Sabay haplos nito sa pisngi niya.
"Stop calling me Baby!!" Hindi malakas ngunit tama lang na marinig ng mga malalapit sa kinaroroonan nila.
Saka nito tinabig ang kamay ni Butch. Tinawanan naman ito ng mga girls na andun at mga boys na kalaro nito sa basketball.
"Wala ka pala pre!" Sabi ng isa sakanila.
"Wa epek ang kagwapuhan mo ahahaha!" Sabi ng pangalawa.
"Mataray pala pre! Ano ka ngayon? Hahaha" sabi pa nung iba.
"Shut up!!" Sigaw ni Butch. Natahimik naman ang lahat...
"Ayaw mo ng Baby? Eh di mine na lang.." Sabi nito kay sakanya ng muli siya nitong lapitan malapit sa tenga ni niya.
"No! May pangalan ako! Pwede ba lubayan mo ko?" Muling pagtataray ni Hanie.
"Nah! Your mine,Hanie! Wala akong paki kung ang kuya mo ang siga dito. Hindi kita lulubayan,naintindihan mo?!" Mariin na sabi nito ng bigla siya nitong hablutin sa braso bumabaon ang mga daliri nito sakanyang balat.
"And I don't care too! Hindi ako interesado Sayo! I don't even know you?!" Nanlilisik ang mga matang sabi rin niya sa lalaki.
Saka pilit tinatanggal ang mga kamay nitong mahigpit na nakahawak sa braso niya. Matalim rin ang tingin ni Butch sakanya habang nangangalit ang bagang nito.
"So? What?! Kapag sinabi ko,sinabi ko! At hindi mababali iyon! Walang sinuman ang sumuway saakin! You're mine! naiintindihan mo?!" Gigil nitong sabi sakanya.
Takot man ang biglang rumehistro sa mukha ni Hanie ay nagsalita pa rin ito ng matatag. "I'm not yours! May boyfriend ako! So don't be assuming little boy!" Madiin na sabi niya dito.
Gulat din ang rumehistro sa mukha ni Butch,ngunit saglit lang iyon.
"Not now mine! Dahil Simula ng gabing iyon ay akin ka na!? Walang pwedeng umagaw sayo dahil saakin ka lang! and believe me! I will kill him,pagnakita ko siya dito o kahit na sino pang lalaking makikita kong kasama mo! YOURE MINE! MINE ONLY!" sabay wasiwas ng braso niya upang makawala sa higpit ng hawak nito,binitiwan naman siya nito saka umalis.
"Hala!lagot! Nagalit ang gangster!" Sabi ng isang lalaking kalaro nila sa basketball.
Nang madaanan ito ni Butch ay sinapak siya nito na siyang ikinaputok ang labi nito.
Nagulat si Hanie sa dugong umalpas sa bibig ng sinuntok ni Butch. Ngiwi lang ang tanging nagawa ng lalaki saka tuluyang umalis si Butch. Tahimik naman ang lahat.
Pumasok na lang muna si Hanie sa kanyang silid.
'ang weird ng lalaking yun!' sa isip niya.
Napatingin siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili.
"i miss you Sam... sinong gumawa niyan sayo? bakit sayo pa? bakit ikaw pa? ang bata mo pa para iwan ang mundo. Bakit mo ako iniwan? paano na ang lola mo? ang mga kaibigan mong nagmamahal sayo? at....ako?" lumuluhang sabi niya sa harap ng salamin.
"And your parents! siguro masaya na silang nawala ka! why not di ba? wala na silang itatago wala na silang poproblemahin! that bastard parents of yours!!" galit siya sa magulang ni Sam, mga salitang namutawi sakanya sa harap ng salamin.
"Hanie?___" si lady B.
"shut up!!" sigaw niya dito.
"hahaaha the real Hanie?! oh well, unti unti mo na rin akong tinatanggap. But please dont be so mad much! baka hindi kayanin ng utak mo eh tuluyan ka ng sakupin ng galit mo. that is so scary!" babala ni Lady B.
"i know! just shut up!" muling sigaw ni Hanie.
"hahaha me is you! you is me! ahaaha! kayanin mo! kayanin mo! or else hindi ka matutuwa sa magiging resulta!" sabi pa nito.
Tumayo si Hanie at lumabas ng silid saka isinara ng pabalabag ang pinto nag eco iyon sa buong bahay.
"anong nangyari tita?" tanong ng pangalawang pamangkin niya.
"nothing!" walang emosyong sagot niya saka tinungo ang terrace.