#3 Continuation

1030 Words
"eh anong gagawin namin para quits na tayo?" tanong niya kahit kabado. "kiss mo ko dito oh."sabay turo nito sa labi niya. Bigla ang pamumula ng mukha ni hanie sa pagkabigla. ..."i like it!" sabi ni Sam sa nakikitang pamumula ni Hanie. "joke lang!hahaha! kainin mo tong binili ko,pag di mo kinain di mo magugustuhan ang gagawin ko! hmm? okay ba?" sabi nito kay Hanie. "pero___" "wala nang pero pero! nagkakaintindihan ba tayo? magpataba ka! ang payat mo eh kulang sa energy pati boses masyadong malumanay.tsk!kain!" putol nito sa pagpoprotesta sana niyang sagot. "billy!!" sigaw nito sa kasama na nasa labas. "boss?" sagot agad nito habang nagmamadaling lumapit kay Sam. "bumili ka ng Fresh milk sa canteen! Wag kang babalik ng wala kang dala!" utos nito sabay abot ng isang daan kay billy. "yes boss!"..... "bilisan mo!".... "okay boss!" saka dalidaling umalis. "anong ginagawa mo?" sabay hampas niya sa desk na katabi ng inuupuan ni Hanie. Nagulat naman si Han kaya nabitawan niya ang hawak na libro. At nakangiwing tumingin kay Sam. "kainin mo sabi ko di ba? gusto mo talaga akong magalit?ha?" nanlalaki ang mga matang sabi nito kay Hanie. Nataranta naman si Hanie sa pagdampot at pagbukas ng supot ng mamon at kumagat ng kaunti. "e e eto na oh,kakain na!" 'sus! di pa ba galit ang lagay na yun eh kulang nalang ihagis ang upuan.tsk!:'bulong ni Hanie sa sarili. "ha?may sinasabi ka?" sabay lapit ng tenga nito sakanya. "wa..wala wala.." sakto naman pagdating ni Billy dala ang fresh milk, paubos na ang kanyang kinakain. Sii Billy pa mismo ang naglagay ng straw tsaka iniabot sakanya. Kinuha naman niya iyon hanggang sa naubos at sinimulang sipsipin. "very good!" sambit ni Sam. "tsk! ano ako bata?" tanong Hanie. "hindi! magandang binibining matigas ang ulo! hahaha!" sabay pisil ng bahagya sa ilong niya. Napa pout na lang si Hanie sa ginawa ni Sam. "ooops! dont pout! baka di ko mapigil!" sabi ni Sam. "ang alin?" taka namang tanong ni Hanie. "inosente ka nga! dapat talaga alagaan ka... baby?" natatawang sabi nito. "hindi ako baby.".... "oo na,pero simula ngayon baby na ang itatawag ko sayo." sabi nito. Time na ng klase at sakto sa oras ang dating ng guro,kaya umayos na rin siya ng pwesto. "boss mapapalaban tayo mamayang uwian!" mahinang sabi ni Bily kay Sam. "sige maghanda kayo,sabihan mo mga grupo." sagot nito. "baby,maaga kang umuwi mamaya ha?" baling nito kay Hanie. "lakas ng tama sayo ni Sam ahh! tara na,uwi na tayo.."aya ni Roxy. "mamaya na, cleaners ako eh." saka siya nagsimulang maglinis maya maya. "Hanie....bilisan mo na,iba na pakiramdam ko eh alam mo naman na di ba oh wag mo nang paabutin ng 7:00 pm tara na!" mahina ngunit may diin sa bawat salita ni Roxy na kakikitaan na rin ng takot. "alam ko,tara na tapos na ako." kakaiba na rin kasi ang pakiramdam niya sa room nila ng mga oras na yun. "nararamda___".... "oo,bilis na!" putol ni Hanie sa sasabihin pa sana ni Roxy. Sila na lang kasi ang naiwan sa room,nauna nang umuwi yung mga kasama niyang cleaners rin. As usual nagpakabait na naman ng husto si Hanie at inako ang responsibilidad ng iba niyang classmate na tamad. Saktong pagtapak ng mga paa nila sa labas ng gate ay isang umaalingawngaw na putok ng kung anong armas ang gumulantang sakanila. Nahintatakutan ang dalawa kaya pareho silang napayuko at napaupo sabay takip sa magkabilang tenga nila. "Huhuhuhu Hanie nagsimula na! ang tagal kasi natin eh. tara dito tayo!" sabi ni Roxy na umiiyak na sa takot na baka matamaan sila ng bala. Isa pang malakas na putok. Sa takot at taranta ni Roxy ay nabitawan niya si Hanie at kumaripas siya ng takbo. Ang akala niya ay sumunod si Hanie sakanya. Nang makasalubong niya si Sam. "Nasaan si Hanie!" bigla siyang hinawakan nito ng mahigpit sa braso. "kasunod ko lang kanina eh," sabi niya sabay lingon lingon sa paligid niya. "Nasaaan!!" sigaw ni Sam sakanya. "nagkahiwalay kami..."nginig na sagot niya. "anak ng!!!! aaahhh!!! bat mo iniwan? taragis! wala kang kwenta!" sabay wasiwas sa braso niya,kahit na masakit ay di niya alintana sa takot at kabang nadarama niya hindi lang para sa sarili kundi para sa kaibigan. Bigla namang nawala sa paningin niya si Sam na ngayon ay hinahanap ang kinalalagyan ni Hanie habang isinisigaw ang pangalan nito. Ganun din ang ginawa ni Roxy,nakonsensiya siya sa kapabayaan niya ibinilin pa naman sakanya ni Sam ang kaibigan. Malalagot siya kapag may nangyaring masama dito,dahil kilala niya kung paano ito magalit,walang sinasanto. "Roxy,anong ginagawa mo?" tanong ni Billy sakanya nang masalubong niya ito habang nag rarayot na sa daan at sunod sunod na para bang putok ng baril o nang kung anumang armas iyon. "si..si Hanie,hahanapin ko si hanie.." iyak na sagot ni Roxy kay Billy. "patay tayo dyan! lagot ka kay boss! ngayon lang yun nagkaganon sa babae at kay Hanie lang..malilintikan tayong lahat kapag may nangyari dun! sige tutulong na ako sa paghahanap mag-ingat ka!" kakamot kamot sa ulo habang papalayo sakanya para hanapin si Hanie. Samantala hindi naman umalis sa pwesto si Hanie,nakatayo siya ng tuwid habang pinagmamasdan ang mga nangyayari sa paligid. Naroon ang makita niyang tinamaan ng bala sa braso na tumutulo pa ang dugo na kahit tanging ilaw lang ng poste ang mayroon sa kalye sa harap ng eskwelahan ay kitang kita niya ang mga nangyayaring kaguluhan. Naroon ang makita niyang tinamaan sa binti na pilit na lumalakad palayo habang hirap sa sakit ng tama ng bala sa binti. Kahit saan siya tumingin ay puro sugatan at dugo ang nakikita niya. Naroon ang nagpapalitan ng suntok at sipaan. Naroon ang lumalaban ng may balisong. Ang may arnis,ang may icepick. Kita niya ang lahat ng labanang p*****n para bang matira ang matibay. 'sana ay panaginip lang ang lahat ng ito! Diyos ko po! ano ba ang nangyayari sakanila? bakit ba sila nagtatalo? bakit sila nag-aaway? bakit sila nagpapatayan? ano ang dahilan? bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat?' sabi ni Hanie sa kanyang utak. Di niya namalayang basang basa na nang luha ang kanyang pisngi sa patuloy na pag agos ng luhang nagmumula sa kanyang mga mata. Nang biglang may yumakap mula sa likuran niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD