"Baby! salamat at nakita rin kita. Halika na at lumayo na tayo dito." sabay bitaw nito sa pagkakayakap sakanya at hinawakan ang kanyang kamay na iginiya sa direction na sa tingin niya ay safe para sakanila.
Nasalubong naman nila ang grupo kasama si Billy at Roxy,sinalubong ng yakap ni Roxy si Hanie habang umiiyak.
Nagkahiwalay lang ang dalawa nang sabunutan si Roxy ni Sam na halos pati anit ata ay gusto nang humiwalay..
"aahhh.." sigaw ni Roxy.
"Tarantada ka!" sabi ni Sam.
"so..sorry so..sorry na Sam please im so sorry natakot lang talaga ako.huhuhu"
Ngunit para itong bingi na walang naririnig sinampal niya pa si Roxy sa pangalawang pagkakataon ay humarang na si Hanie.
"tama na..please maawa ka sa kaibigan ko." pakiusap niya.
Na bigla namang parang natauhan si Sam.
"okay,im sorry.." binitiwan nito si Roxy at lumapit ito kay Hanie na pinahid pa ng mga palad nito ang pisngi niya na basa ng luha.
"okay tama na,wag ka ng umiyak. Ayoko ng nakikita kang umiiyak. Ipahahatid ko na kayo sa mga bahay nyo. Di na muna ako sasama may kailangan akong resbakan! marami ang nasugatan sa mga grupo ko,kailangan nila ako." sabi nito kay Hanie.
"please baby ingatan mo sarili mo okay?" sabay halik nito sa kanyang buhok.
"Billy ikaw na ang bahala,i-cover nyo sila hanggang sa makauwi ng safe. Siguraduhin nyo maliwanag?" utos nito sa iba pa.
"Yes boss!" sabay sabay na sagot ng mga ito.
Kaya nakauwi naman silang safe,hinati sa dalawang grupo ang mga ito para sa maghahatid kay Roxy at isa pang grupo kabilang si Billy sa maghahatid kay Hanie...
"paano si Sam, Billy? baka mapahamak siya?"...
Tanong ni Hanie kay Billy na may pag aalala.
"Siya ang boss,siya ang pinaka malakas saamin sa grupo. Ay! di pala siya pinaka pinuno hehehe pero wag ka mag alala okay na okay lang yun." sagot ni Billy.
"sana nga..nga pala,hanggang sa kanto nyo na lang ako ihatid ha? okay na ko dun." may pag aalala pa ring sabi ni Hanie.
"hindi pwede,baka malintikan kami." sagot ni Billy na mukhang paninindigan ang bilin ng boss.
"malilintikan din ako sa kuya ko kapag may nakakita saakin na may kasama. So please,kahit ihatid nyo na lang ako ng tingin okay na yun." pakiusap ni Hanie na halata pa ang takot sa pagbanggit ng pangalan ng kuya niya.
"may problema ba sa inyo?" pag-aalalang tanong ni Billy.
"wala naman,," napayukong sagot ni Hanie.
"o sige,ganun na lang gagawin namin. Mukhang may naaamoy akong hindi maganda eh." sabi nito.
"sige salamat Bil,una na ko.." nagsimula nang tunguhin ni Hanie ang daan pauwi,nanginginig na ang kanyang katawan sa takot sa pag uwi dahil late na siya sa oras nang dapat na pag uwi niya sa bahay. mag 8:00 pm na kasi,na dapat ay 7:30 pm ay nasa bahay na siya.
Pag pasok niya sa gate ng bahay ay nagtuloy tuloy na siyang pumasok,pagbungad pa lang niya sa pinto ay.....
"pak!" isang malakas na sampal ang isinalubong ng kuya niya sakanya.
Maluhaluha niyang hinawakan ang pisnging nasaktan.
"malandi ka talaga! sinong kasama mo sa lakwatsa? at bakit ngayon ka lang? anong oras na?!" sigaw nito kay Hanie.
"ku..kuya Cam..cle..cleaners po ka kasi ako ka..kaya po a..ako na..na late ng u..uwi. so..sorry po.." mangiyak ngiyak na paliwanag ni Hanie sa kuya niya.
"Ang dami mong aliby! ang sabihin mo lumandi ka! hala pasok!" muling sigaw nito sakanya.
Patuloy sa pagdaloy ang luha ni Hanie habang hawak ang pisnging nananakit sa sampal patungo sa sariling silid.
Ipinatong lang niya ang gamit na dala tsaka muling lumabas ng silid upang magtungo sa kusina.
Alam na! tambak ang hugasan sa maghapong wala siya at iyon ang kanyang hinarap.
Kakatapos lang din kumain ng mag-anak,at imbis na kumain pagkatapos maghugas ng mga plato ay nagtungo na siya sa C.R. at naglinis ng katawan.
"duwag! duwag!" manihang bulong ng kung sino man iyong kasama niya sa loob ng banyo.
Natigil sa walang ingay na pag-iyak si Hanie sa narinig,nagpalingalinga siya sa paikot ng banyo.
"duwag! duwag!" muling bulong ng kung sino.
"nasaan ka? sino ka?" takot man ay kinausap niya ang tinig.
"kawawa ka naman,hihihihi" malamig ang tinig nang nagsasalita.
"Nasa paligid lang ako hihihihi" sabi pa nito.
"wag mo nga akong takutin." lakas loob na sabi ni Hanie kahit na kinikilabutan na siya sa pakiramdam na isa itong.......
"Hanie! sinong kausap mo? may kasama ka ba diyan sa loob ng C.R?" tanong ng asawa ng kuya niya.
"wa..wala po ate,nag papraktis lang po ako ng play namin para bukas." sagot ni Hanie na may kaba.
Nagmadali na siyang tapusin ang paglilinis ng katawan at dalidaling pumasok sa kanyang silid at nagbihis.
"hihihihihi kita mo na,duwag ka!" muling bulong ng kung sino.
"sino ka ba? bakit di ka magpakita saakin?" malumanay na sabi ni Hanie sa tinig ng isang babae.
"hindi na,baka mas lalo kang matakot." sagot nito.
"ano ang kailangan mo. "
"naaawa ako sayo,alam ko malakas ka,ramdam ko ang kakaibang aura mo.Pero bakit ka nagtitiis sa lahat ng pahirap at pasakit saiyo?" sabi nito.
"ano bang sinasabi mo?" kunot noong tanong ni Hanie.
"ikaw! ilabas mo ang totoong ikaw!" sagot uli ng tinig.
"di kita naiintindihan..kung ang tinutukoy mo ay ang pamilya ko utang ko ang buhay ko sakanila." paliwanag ni Hanie.
"alam mo sa sarili mo ang ibig kong sabihin. Huwag kang martir! may hangganan ang lahat. Ingatan mo ang puso mo may isang malaking dagok sa buhay mo ang mangyayari. Sana ay kayanin mo..huwag kang duwag!hihihihi" sabi nito.
"ha? anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Han,ngunit nawala na ang tinig kahit paulit-ulit niya itong kausapin ay di na muli pang sumagot.
Sa sobrang pagod ng utak at katawan ni Hanie ay nakatulog siyang maraming katanungan sa isip.
"sasamahan kita Hanie..." sabi ng tinig na humaplos pa sa noo at buhok ni Hanie...
Habang lumilipas ang mga araw ay unti-unting nahuhulog ang loob ni Hanie kay Sam dahil sa ipinakikita nitong pagpapahalaga sakanya.
Ibat ibang emosyon ang kanyang darama sa tuwing magkasama at magkalapit sila sa isa't isa.
Nakakatakot man ang ugali nito ay kay Hanie lang naman ito lumalambot.
Di man sabihin ni Sam ang kanyang nararamdaman para kay Hanie ay alam nang lahat kung gaano ito kainlove kay Hanie.
Kita naman sa kilos at gawi nito.