Dahil sa pagkabigla ay naging sunod sunuran si Cam.
Pagbukas ng pinto ay nagtuloy sila sa silid ni Hanie.
Bumungad sa kanila ang tumitirik nang mata nito.
"Hanie!?" sabi ng asawa ng kuya Cam niya dali dali itong lumapit sakanya at hinawakan sa noo.
"naku! pah inaapoy ng lagnat si Hanie,dalhin natin ng hospital pah!" natatarantang sabi niya.
Painumin mo ng gamot mawawala rin yan." sabi ni Cam na para bang balewala lang ang kalagayan niti.
"put* naman Cam,paano pag namatay yan dito? kargo natin yan! malilintikan tayo kay mama mo! dali na! tumawag ka na ng sasakyan!" utos nito sa asawa.
"oo na! putak ka ng putak! gag*!" balik na sigaw din nito sa asawa at saka lumabas na.
"Hanie? Hanie? dadalhin ka namin sa hospital ha?" sabi nito sakanya.
Kumuha pa ito ng towel at binasa sa gripo saka ipinunas sa mukha niya.
"silipin nyo nga si papa nyo! ang tagal tagal! tumitirik na ang mata ni Hanie sa sobrang init niya!" utos naman nito sa mga anak.
"tita Hanie huhuhu tita..." iyak naman ng pangalawa habang ang panganay ay sinundan ang ama sa labas kahit na madilim ay lakas loob itong lumabas.
Sa pagbalik ni Cam ay may taxi nang kasama na nasa labas ng gate,dali daling pinabuhat ng asawa ni Cam si Hanie sakanya para ipasok sa taxi.
"maiwan ka na! yung mga bata wag mong iwan." sabi ng asawa. Habang nasa daan ay kinontak na nito ang mama ng asawang si Cam.
"hello? ma?"....
"oh? hating gabi na,napatawag ka?" tanong nito.
"ma, si Hanie inaapoy ng lagnat." alanganing sabi niya sa byenan.
"ano??? bakit? anong nangyari?" gulat na sambit nito sa kabilang linya.
"di..di ko po a..alam ma eh,na..nakita lang namin siyang balot na balot ng kumot at nanginginig saka tumitirik na po ang mata." paliwanag nitong nagkakanda utal utal pa sa pagsasabi.
"dalhin nyo na ng hospital! ano bang ginagawa ni Cam? tsk!" inis na salita ng byenan.
"ah eh ma, on the way na po kami ni Hanie sa hospital." sabi nito.
"saang hospital mo dadalhin? at dun na tayo magkita,palabas na ako ng compound. Bilisan nyo! sabihin sa driver!" nagmamadali ring sabi nito.
"opo ma...mamang driver paki bilis po!" sabi nito sa nagmamaneho.
"saang hospital?" ulit na tanong ng byenan.
"sa..sa..sa ba..bagong silang po ma!" tarantang sagot naman niya.
"gising ba siya? nasa huwisyo pa ba? mga putcha naman kasi ano bang pinaggagawa ninyo bakit pinatagal nyo pa yan? ilang araw na ba nilalagnat yan ha?" galit na sambit nito na animoy nanggigil pa ang tono ng pananalita.
Di naman malaman ang kanyang isasagot.
"ma,malapit na kami." sabi na lang nito.
"malapit na rin ako,sa emergency mo na ituloy yan! dun tayo magkita." sabi pa nito at pinutol na ang linya sa cellphone.
Saktong pagtapat ng taxi sa emergency ng hospital ay naandun na rin pala ang byenan niyang naghihintay.
Pagbukas ng pinto ng taxi ay agad na sumalubong ang mama ni Hanie at binuhat ito nang mag isa sa sobrang pag-aalala.
"taragis na yan! mamatay itong anak ko sa sobrang init ng katawan! mga pabaya kayo! Hanie? Hanie? andito na si mama..magiging okay ka na ha?" halo halong emosyon ang namayani sa dibdib ng ina ni hanie.
Habang nakabuntot naman na maluha luha ang manugang.
"doc! nurse! emergency! paki naman tumitirik na ang mata ng anak ko!" sigaw ng ina ni Hanie pagkapasok pa lang ng emergency.
May lumapit namang nurse at nagtanong..
"misis ano pong pangalan ng pasyente?"...
"Hanie Ramos!" sagot ng ina.
"ilan taon na po? kailan ang birthday niya? at saan pinanga___"....
"puta***na! ang dami mong tanong mamatay na anak ko unahin mo kaya munang asikasuhin ang lagay niya at mamaya na yang kakatanong mo?!" sigaw ng mama ni Hanie sa nurse na siya namang ikinagulat nito kaya naputol ang kanyang pagtatanong.
"ah eh misis kailangan ho kasi ng info sa pasyente?" magalang na sagot nito.
"Eh tanga ka ba? di ka ba nakakaintindi sa sitwasyon? tumitirik na mata ng anak ko!! pag may nangyari dito sa kakatanong mo kesa unahin ang asikasuhin tong anak ko eh magdedemanda ako!idedemanda ko ikaw at ang hospital na to!" tulala ang nurse sa sinabi ng ina ni Hanie.
Agad na may lumapit na doctor narinig siguro ang banta ng ina ni Hanie.
"ah sige po misis kami na ho bahala,pasensiya na ho kayo sa nurse namin." sabi nito sabay asikaso nila kay Hanie.
Kinuhanan ng temperature. Nilagyan ng dextrose at pinunasan ang mukha ng maligamgam na towel,saka tinurukan ng paracetamol para sa lagnat.
Ipinahanda na rin ang kwartong ookupahin nila at bago ipinasok sa nakatalagang kwarto ay inalam na ang ibang detalye tungkol sa pasyente na mahinahon namang sinagot ng ina ni Hanie.
Nakahiga na si Hanie sa maayos na silid na laan lang para sa mga pasyente, dalawa lang silang pasyente sa isang kwarto.
Dun talaga ang nais ng mama niya para iwas sa bacteria.
Habang pinagmamasdan ang anak na si Hanie ay kinausap nito ang manugang.
"tawagan mo ang asawa mo at kakausapin ko."sabi nito.
"opo ma!" saka kabadong nagdial sa cp niya at iniabot sa byenan.
"hello?" sabi ni Cam.
"hoy! taranta** ka! anong pinaggagawa mo at nilagnat ng ganito si Hanie?" galit na sita nito sa anak na si Cam.
"wala akong ginawa ma! bakit di siya ang tanungin mo kung bakit siya inapoy ng lagnat!?" taas na boses na sagot nito sa ina.
"ay! taranta** ka talaga! ayus ayusin mo yang pagsagot mo saakin malilintikan ka! Cam kilala mo ako pag nagalit..malaman ko lang na may kinalaman kayo kung bakit nagkakaganito itong si Hanie nakuu! makikita nyo talaga hinahanap nyo!" balik na sigaw nito sa anak.
"oh eh di wow!" sagot naman nito sa ina.
"ga** ka talaga!" saka pinatay ang linya at padabog na binalik sa manugang nito ang cellphone.
"umuwi ka na muna,kuhanan mo ng damit na pamalit itong si Hanie at sabihin mo sa asawa mong hintayin niyang lumabas si Hanie at magtutuos kami!" madidiin na pananalita nito nakakikitaan naman ng takot ang mukha ng kaharap tanging "opo ma." na lang ang sagot niya saka natatarantang umalis.