Pinagmamasdan naman ng ina si Hanie awang awa siya dito.
"ang payat mo na anak,halos magdadalawang buwan lang tayong hindi nagkita para ka nang napabayaan ng husto. Ano bang pinaggagawa nila sayo? di ka yata napapakain ng maayos." malumanay na kausap nito sa nahihimbing na anak, habang panay ang haplos nito sa kanyang ulo.
Bigla naman itong bumalikwas ng upo at sumuka na wala namang maisuka sabay bigkas ng "maaa...mamaaaa..." sa mahinang tinig at nanghihinang boses maririnig mo ang kanyang mumunting hikbi.
Inalalayan naman agad ito ng ina..
"anak, Hanie andito lang si mama. Ano ang nararamdaman mo?" kausap nito sa anak na bigla namang nawalan ng malay at tig-isang butil ng luha ang tumulo sa magkabilang pisngi nito.
"Doc! nurse!?" tawag nito at saka dali daling kinuha ang bell para marinig ng mga doctor at nurse ang emergency.
Bigla naman nagsipasok sa silid nila ang doctor at nurses.
"ano hong nangyari misis?" tanong ni doc. " nagsuka ho siya pero wala namang nailabas saka biglang nawalan ng malay..doc, ano bang nangyayari sa anak ko?" tarantang sabi ng ina ni Hanie.
"susuriin pa ho natin siya sa ngayon ay under observation pa siya,may mga test na gagawin sakanya. Tapos hintayin ang findings. kaya kalma lang ho kayo misis. We will make sure nagagaling siya once na ma verify kung ano ang pinagmumulan ng lagnat niya." paliwanag ng doctor.
Kinuhanan ng dugo si Hanie, x-ray at kung anu ano pang test.
Bumaba na rin ng kaunti ang lagnat nito ngunit nananatili pa rin ang lagnat niya minsan ay mataas nag lalaro lang sa 38.7 to 39.4 ang temperature niya.
At nanatili ring walang malay si Hanie. Hindi natulog sa magdamag ang ina niya upang mabantayan siya nang magdamag.
Sumapit ang umaga,dumating ang manugang na dala ang gamit ni Hanie at pagkain na rin para sa byenang nagtiyagang magbantay sa magdamag.
Pinunasan,nilinisan at pinalitan ng damit si Hanie habang wala pa ring malay ito.
Di naman makakain ang ina nito sa sobrang pag-aalala sa anak.
Di rin nito iniimik ang manugang. Naghihinala na kasi siya,ngunit kailanan niyang masigurado ang kutob.
Di na muna umalis ang manugang at nakibantay na rin sa hospital.
Dumating ang doctor na dala ang mga result ng test na ginawa kay Hanie.
"misis here.." may iniabot ang doctor sakanya.
"the result." umpisa ng doctor...
"ano ho ang findings?" tanong ng ina ni Hanie.
Samantala sa bahay nila Hanie...
Di mapakali si Lady B sa silid ni Hanie nais niya itong makita kung ano na ba ang lagay nito,nais niyang puntahan si Hanie kung saan man ito naroon ngunit hindi siya maaring umalis sa bahay na iyon.
"Hanie Hanie aaaahhhh!!!" prostrated na sigaw ni Lady B.
Isang malakas na kalabog ang pumuno sa katahimikan ng silid ni Hanie ng iwasiwas ni lady B ang anumang mahawakan sa loob ng silid na iyon.
Nagulantang si Cam pagkarinig sa ingay na iyon kaya dalidali siyang nagtungo sa silid ni Hanie,sa pagbukas niya ng pinto ay bumungad sakanya ang mga nakalutang na kagamitan ni Hanie sa silid na iyon.
Tumalsik pa ang isang libro sa mukha ni Cam na animoy may bumato sakanya.
Sa nasaksihang iyon ay....'may multo sa bahay na ito!' nasabi nita sa isip saka ito natarantang isinara uli ang pinto at tumakbo palabas ng bahay nila.
Sa school:
"Roxy,may balita ka ba kay Hanie ko? ilang araw na siyang hindi pumapasok." may pag-aalalang tanong ni Sam kay Roxy.
"Ha ah eh wala eh..." sagot nito na ang nasa isip ay baka may nangyari na dito.
"may cp ba yun? tawagan mo nga!" utos nito sakanya.
"wala! mahigpit kasi ang kuya niya." sagot nito.
"puntahan natin sa bahay nila." sabi uli ni Sam.
"naku! iyan ang wag na wag mong gagawin kung ayaw mong may mangyaring hindi maganda sakanya.!" pag-aawat nito.
"at bakit?" kunot noong tanong naman ni Sam.
Sabihin kaya niya ang dahilan?
"basta! ganito na lang,tatawagan ko ang mama niya,okay wait!" sabi ni Roxy saka dinayal ang numero ng mama ni Hanie.
"hello po tita?" bungad ni Roxy.
"si Roxy po classmate ni Hanie. Itatanong ko lang po sana siya? ilang araw na po kasi hindi pumapasok?" tanong ni Roxy.
"po?? kelan pa po? saan po banda? pwede po ba kaming dumalaw diyan?" may pag-aalalang sabi ni roxy.
"ano? ano nangyari sakanya?" apuradong tanong ni Sam.
"ahh sige po salamat po tita." paalam nito saka pinutol ang linya.
"ano na? anong sabi?" muling tanong ni Sam.
"nasa hospital si Hanie isinugod nung isang gabi,inaapoy raw ng lagnat at hindi pa nagigising hanggang ngayon." malungkot na saad ni Roxy.
"saang hospital? tara na puntahan natin!" kaladkad nito sakanya,wala namang nagawa si Roxy kundi ang sumunod kay Sam.
Alam naman niyang hindi siya titigilan nito. Nagtungo muna sila sa grocery bumili ng fresh milk,biscuit at fruits si Sam saka tinungo ang hospital kasama sina Roxy at Billy na laging nakabuntot sa boss.
Samantala sa silid ni Hanie sa bahay nila ay nag-iisip si laby B ng gagawin niya pagkatapos na marinig ang balita tungkol kay Hanie.
Narinig kasi niya ang usapan ng mag asawa na hindi pa nagigising si Hanie at ang findings ng doctor sa sakit nito.
Galit na galit umano ang mama nito sa nangyari kay Hanie.
At dahil din sa narinig ni lady B ay matinding galit din ang kanyang naramdaman kaya nagdesisyon siyang... "magbabayad ka! wag kang mag-alala di naman kita papatayin,tuturuan lang kita ng leksiyon. Kapag di ka pa nagbago at di mo tinantanan si Hanie ay........wahahahaha wahahaha!!" sabi ni laby B sa harap ni Cam na kahit hindi siya naririnig nito.
Sa hospital:
Nasa loob na ng silid ni Hanie ang tatlo.
"oh ikaw na magbigay sa mama ni Hanie." bulong ni Sam kay Roxy na animoy maamong tupa na may pa shy shy effect pa.
"ikaw na! ikaw bumili niyan eh!" sabi ni Roxy.
Pinanlakihan lang siya nito ng mata. "pssh! ang angas angas torpe naman! hmf!" sabi nito kay Sam sabay irap at hablot sa dala nitong groceries.
Natawa naman si Billy at napaigik rin dahil bigla itong siniko ni Sam sa dibdib.
"uhm..tita eto po pala para kay Hanie pag nagising siya." sabay abot nito sa ina ng kaibigan.
"salamat sainyo! mga kaibigan kayo ni Hanie?" sabi ng mama ni hanie.
"uhm! opo tita,best friend ko po si Hanie at eto po si Billy classmate at kaibigan din po niya. Then,siya naman po si Sam the only one ka-ibig-an ni Hanie hehehe." namula na namutla si Sam sa tinuran ni Roxy sa pagpapakilala sa kanila sa mama ni Hanie.