Hinila nito ang mahabang buhok ni Roxy ng palihim habang si Billy ay patawa tawa lang na muling nasiko ni Sam.
"aw!" si Roxy.
"ahrgg!" ingit ni Billy sa nasaktang dibdib.
"umayos kayo!" mahina ngunit may diin na sabi ni Sam.
Nanahimik naman yung dalawa na nagkatinginan pa sabay ngiti.
"ahh oh sige iwan ko muna kayo at kailangan ko magtungo sa pharmacy para sa mga gamot niya. Kung may mangyari text mo agad ako or tawagan mo ko Roxy ha?" sabi ng mama ni Hanie.
"opo tita!" sagot ni Roxy.
Pagkaalis ng mama ni Hanie agad na lumapit si Sam sa walang malay na si Hanie at hinawakan ang kamay nitong mainit pa dahil sa may lagnat pa rin ito.
Sabay halik sa kamay at noo nito. Di na niya alintana ang dalawang kasamang tahimik na pinagmamasdan sila.
"hanie baby..please wake up! be strong, promise gagawin ko ang lahat ng gustuhin mo basta para sa ikabubuti mo,gumising ka lang at bumalik ka na sakin." mahinang sabi nito kay Hanie.
"i i i..." sabay kamot sa ulo.
"hmm...i i i love you hanie! nakakabading naman tsk! di ako sanay! ewan ko ba bakit ang lakas ng tama ko sayo..whew!" sabi nito..napalakas yung tawa ng dalawang nakikinig dahil sa sinabi at inasal niya.
Pinandilatan lang niya ng mata ang mga ito. kaya nanahimik uli,lumipas ang oras na sa ganoong pwesto pa rin sila walang bumabasag sa katahimikan.
Saglit din naidlip si Billy sa kinauupuan. Si Roxy at Sam ay matiyagang nagbabantay.
Sa pagbukas ng pinto ay nataranta si Sam sa pagtayo palayo kay Hanie kaya natisod ito sa paa ng higaan ni Hanie na siyang ikinadapa niya.
Iyon ang eksenang bumungad sa pagpasok ng mama ni hanie...
"anong nangyari?anong ginagawa mo dyan Sam?" tanong ng ina ni Hanie.
Nagpipigil naman ng tawa sila Roxy at Billy.
"po? ah eh ano po eh..." sabi nito na di malaman ang sasabihin at sobrang namutla sabi nito.
Nang gabi ring iyon ay nagkamalay na si Hanie.
Sa pag mulat niya ng mga mata ay ang natutulog na mama niya ang kanyang nabungaran,nasa tabi niya ito nakaupo sa upuan at nakayukyok ang ulo sakanyang hinihigaan.
Dahan dahan niyang iniangat ang kamay para haplosin ang mukha ng kanyang ina.
Napangiti siya sa isiping kasama niya ang mama niyang sobra kung magmahal sakanya.
Ngunit saglit lamang ang ngiting namutawi sa kanyang mapuputlang labi agad na napalitan iyon ng impit na pagngiwi dahil sa kirot at hapdi ng nararamdaman niya mula sa kanyang tiyan.
Kasabay ng pag suka na wala namang maisuka. Muli ay naramdaman niya ang pag ikot ng kanyang paningin,nahihilo siya sa kanyang mga nararamdaman,nanghihina animoy walang pwersa walang lakas.
"maaa...mama..." sambit niyang walang mailabas na boses.
At dahil sa kanyang paggalaw ay nagising ang ina niya,nataranta nang makita siyang namimilipit sa sakit.
"anak? gising ka na! salamat sa Diyos!" sambit nito.
"nurse! doc!" tawag ng ina sa mga nakatalaga sa hospital na iyon.
Agad namang dumating ang doctor at nurses.
"Buti naman po at gising na siya. Maaari nyo na ho siyang pakainin pero dapat yung mga soft lang para hindi mabigla ang tiyan niya. May painreliver na hong iinject sa dextrose niya. Pero hindi po natin maaasure na matatanggal ang sakit kundi mababawasan lang. Epekto ho kasi iyan ng ilang araw na hindi siya kumakain. And please wag po natin siyang pakakainin o paiinumin ng maasim at malalamig. Sige ho misis,kung may katanungan pa ho kayo pwede ho kayong mag punta sa nurse station or sa dortor's station. Sa ngayon nasa gamutan na ho tayo sana ay mabilis siyang makarecover.." mahabang sabi ng doctor sa mama ni Hanie.
"maraming salamat doc." tanging sagot ng inang natutuwa sa improvement ng anak na si Hanie.
Okay naman na si Hanie matapos mainjectionan ng painreliver, kaya na niyang tiisin ang kirot na hindi na gaanong iniinda ngunit nananatili lang.
"Kamusta ang pakiramdam mo anak?" tanong ng ina.
"okay lang ma, gutom na po ako mama." sabi niya sa mahinang boses na para bang bumubulong lang.
"sige anak,hintayin mo ako ha? bibili lang ako sa canteen ng lugaw. Para mainitan ang sikmura mo." tango lang ang sagot ni Hanie sa ina.
Pagkaalis ng mama niya ay may biglang sumulpot sa harap niya.
"Hi!" sabi nito na nakangiti sakanya.
Ngumiti naman si Hanie sa lalaking maputi sabihin na nating gwapo siya dahil gwapo nga talaga,matangos ang ilong,red lips na maliit ang shape chinito ang mata at pahaba ang mukha.
"hello!" sagot ni Hanie.
Nagulat naman ang lalaki.
"oh bakit?" tanong ni Hanie.
"ha? eh nakikita mo ako at naririnig?" takang tanong ng lalaking gwapo.
"oo naman bakit? Anong akala mo ba bulag ako?" tanong ni Hanie dito.
***sinu kaya yun?***
"hindi naman..so, means you really have an third eye? kase nakikita mo ako at naririnig." sabi ng gwapong lalake.
Nangunot ang noo ni Hanie."huh? what do you mean? Are you a__"..
"yeah! im a ghost! Waahh! hahaha" putol nito sa sasabihin pa sana ni Hanie.
Bigla pang nag iba ang mukha nito. Naging kulubot at inuuod ang mukha sa mga sugat at luwa ang isang mata na bigla pang sumulpot sa harapan niya, 1 inch lang ang distansiya.
Nanlaki lang ang mga mata ni Hanie ngunit hindi siya natakot.
"ahh ganun ba? anong kinamatay mo?" sa nanghihinang boses ay tanong pa niya.
"di ka natatakot saakin?" tanong naman ng ghost.
"ano ang pangalan mo?" muling tanong ni Hanie.
"arvin ang pangalan ko! hindi ka natatakot sa itsura ko?bakit??? ahrgg!!" prostrated na napasabunot pa sa sariling buhok.
"hihihihi!" natawa pa si Hanie sa reaksiyon ni Arvin the ghost.
"anong nakakatawa?" tanong ni Arvin sa nakakatakot na boses at mas lalo pang pinapangit ang kanyang mukha na ngayon ay labas na ang kalahati ng kanyang bungo,duguan naman ang kalahati na puno ng sugat na may uod.
Labas ang mga bituka sa tiyan nakalaylay ang mga laman loob nito habang tumutulo ang dugo.
Tumapat pa ito sa hinihigaan ni Hanie nang pahiga paharap kay sakanya.
Nakalutang siya kaya ang mga uod at dugo ay nagsisibagsakan kay Hanie.