Chapter 06

1916 Words
Nasa may sala si Celine at panay ang kain niya sa mangga na dala kahapon ng kanyang tatay mula sa trabaho. Tinanong ng dalaga kung saan ba ito nakuha ng kanyang ama pero tanging ngiti lang ang tugon nito. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa kanyang tatay. Hindi kasi ito pumasok sa trabaho at panay lang ang titig nito sa kanya mula pa kanina. Napapantastikuhan siya sa kinikilos ng ama. Hindi naman ganito ang kanyang tatay dati ngayon lang. Nasa may labas ng bahay ang kanyang tatay nagkakape pero ang mga mata nito ay nakatutok sa kanya. Parang may gusto itong sabihin pero hindi naman nagsasalita kapag tinatanong niya. "Tay, kung may sasabihin ka sabihin mo na ngayon!" Pasigaw na sabi niya sa ama na naka-upo sa kanilang bakuran sa ilalim ng puno ng langka. "Wala akong sasabihin kasi wala naman talaga akong sasabihin!" Sigaw din pabalik ng kanyang tatay. Para tuloy silang tanga na nagsisigawan habang nag-uusap. Paano kasi long distance sila pero kita naman nila ang isa't-isa sa may bintana nilang nakabukas. "Kanina kapa sulyap nang sulyap sa aki, Tay. Kilala kita. Alam kung may gusto kang sabihin sa akin. Kaya kitang basahin pero hindi ko kayang hulaan ang takbo ng isip mo!" "Huwag kang makulit! Wala nga akong sasabihin kasi wala naman talaga akong sasabihin! Ang kulit mo!" Hindi siya kumbinsedo. Alam niyang may bumabagabag sa kanyang tatay pero ayaw ni na ulit magtanong. Hindi naman naglilihim ang tatay niya sa kanya, eh. "Ewan ko sayo, Tay. Ang gulo mong kausap!" Kunyare ay naiinis niyang sabi. Kitang-kita ni Celine kung papaano umirap ang kanyang tatay sa kanya kaya mahina siyang natawa. "Hindi ko naman sinabi sayo na kausapin mo ako, eh. Ikaw naman 'tong mapilit diyan!" "Pumasok ka nga dito sa loob, Tay. Ang sakit na ng lalamunan ko kakasigaw!" "Edi, huwag kang sumigaw diyan!" Napakamot nalang ng patilya si Celine. Ewan talaga kung anong problema ng tatay niya. Tigas ng ulo. Ayaw magpatalo. Akala niya'y hindi susunod ang kanyang tatay sa sinabi niya pero laking gulat niya ng umupo ito sa tapat niyang upuan. "Oh, bakit ka nandito? Akala ko ba ayaw mo?" Takang tanong niya sa kanyang tatay. "Wala akong sinabi na ayaw kong pumasok. Ang sabi ko lang ay huwag kang sumigaw. Advance ka talaga mag-isip." "Bakit ang sungit sungit mo ngayon, Tay? May regla kaba ha?" Pabirong tanong niya saka nilapag sa mesa ang plato na pinaglagyan niya ng hiniwang mangga kanina. Wala nang laman iyon. "Kanina kapa uma-attitude diyan." Tumayo naman ang kanyang ama at lumipat sa tabi niya saka siya niyakap patagilid. "Nagustuhan mo ba ang mangga? Kahapon mo pa kinakain 'yan. Mabuti at hindi kapa nagtatae dahil diyan." Isinandig ni Celine ang kanyang sarili sa kanyang tatay. "Opo. Ibang-iba ang lasa niya kumpara sa palaging dinadala ni ate Nena sa akin. Saan mo ba nakuha 'to? Sobrang dami. Hindi naman season ng indian manggo ngayon." "Bigay 'yan ng hindi ko kilala tao." Matabang na sabi ng kanyang ama. Umawang naman ang kanyang mga labi saka pinalo sa braso ang ama niya ng mahina. "Hindi mo pala kilala kabit mo pinakain sa akin, Tay! Paano nalang kung madumi pala ang mangga?! Paano kung may inilagay diyan na kung ano!" Minsan tatay 'tong tatay niya parang grade two kung mag-isip. Ang sarap kurutin. Mabuti nalang minsan lang iyon baka ma high blood pa siya kung aataw-arawin ng kanyang tatay. "Ngayon ka lang nagreklamo kung kailan naubos mo na ang isang supot." Mataray na sabi ng kanyang ama bago bumuntong hininga. "Linisin mo pala ang kwarto mo ha? May bisita akong darating. Sobrang kalat pa naman ng kwarto mo. Nakakahiya kang babae ka." Naguguluhan niyang tiningnan ang ama na parang batang nakadikit sa kanya. Hindi pa din ito kumakalas sa pagkayakap sa kanya. Her father was acting like a clingy three year old baby to his mom. "Ano naman ang kinalaman ng kwarto ko sa bisita mo? At saka hindi kaya makalat ang kwarto ko, no. Napaka judgemental mo talaga, Tay." "Huwag ka ng maraming tanong. Basta linisin mo nalang ang kwarto mo. Palitan mo lahat ng punda at bedsheet mo." "Huwag mong sabihin na sa kwarto ko papatulugin ang bisita mo." Pinanigkitan niya ng mata ang tatay niya. "Edi hindi ko sasabihin." Umawang ang kanyang labi. Kahit kailangan talaga desisyon 'tong tatay niya. Sarap kurutin. Kunti nalang talaga makakatikim na 'to ng kurot mula sa kanya. "Personal space ko ang kwarto ko, Tay. Hindi ako nagdadamot pero ayaw ko na may iba akong kasama sa kwarto. Sa kwarto mo nalang patalugin total bisita mo naman 'yun!" "Sundin mo nalang ako, Celine. Huwan na maraming tanong." Saad ng kanyang ama gamit ang seryosong boses nito. Her tatay barely calls her by her name. So, when her tatay does, alam niyang seryoso ito. Isang mahabang katahimikan naman ang bulat sa dalawa. Wala ng may nagtangkang magsalita. Panakikiramdam lang nila ang isa't-isa. "Pwede ba akong magtanong?" Basag ni Enan sa katahimikan saka kumalas sa yakap sa anak at hinarap ito. Umayos naman ng upo si Celine dahil sobrang seryoso ang mukha ng kanyang tatay. "Ano po yun, Tay?" Seryoso din ang kanyang mukha. Celine can feel a bit tension. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit niya mahal ang kanyang tatay. He father may always joke around and do some silly things but when it gets serious, it's really something that you shouldn't take lightly. Kaya takot ang ibang kapitbahay nila sa tatay niya. Dahil wala talaga itong sinasanto kapag seryoso. "Answer me with all honesty." Seryosong saad ng kanyang ama. Pero shuta! Sobrang pagpipigil ni Celine na hindi matawa dahil sa pagsalita ng tatay niya gamit ang ingles na wika. First time iyon. "Don't go around the bush, Dad." Sagot niya sa ingles din na wika. Natatawa pa siya ng kunti pero hindi niya pinapahalata sa kanyang tatay. "Ask me directly." "Sabihin mo..... Hindi ito ang unang beses na nakita mo ang boss ko diba?" Biglang naglaho ang saya niya sa mukha at napalitan iyon ng kaba at takot. Naramdaman siya ng kakaibang takot. Paano niya ba sasabihin sa kanyang tatay? Na ang boss niya ang naka buntis sa kanya? Ano nalang ang magiging reaksyon nito? Would her dad be disappointed by her? Itatakwil pa siya ng kanyang ama? Celine went frozen rock. Natulos siya sa kina-uupuan at hindi makagalaw. Nanlalamig din ang kanya mga palad. Ramdam niya ang labis na panginginig ng katawan. Akmang sasagot na sana siya ng magsalita ulit ang kanyang tatay. "Huwag kang magsinungaling, anak. Magsabi ka ng totoo. Hindi naman magagalit ang tatay." Malumanay at kalmadong saad ng tatay niya. Kahit pa malumanay at kalmado ang boses ng kanyang ama ay hindi parin nawala ang kaba at takot niya sa dibdib. Celine cleared the lump on her throat before speaking, "n-nagkita na kami sa m-maynila po, Tay. I-isang beses lang po..." Tugon niya sa sobrang babang boses pero sapat na iyon para madinig ng kanyang tatay. Tumango-tango naman ang kanyang tatay saka ginulo ang kanyang buhok. "Iyon lang ba? Wala kanang ibang sasabihin?" Her father sounds like he knew something. Celine can sense it. Parang alam na nito ang sagot bago pa man siya nagtanong. Iba talaga ang pakiramdam niya sa kanyang tatay ngayon. It was like her tatay already knows everything. Napatigil siya. Possible kayang alam ng kanyang tatay na may nangyare sa kanilang dalawa ng boss nito? Pero kanino? Hindi naman niya sinabi kahit kailan ang pangalan ng lalaking nakabuntis sa kanya, eh. Sa boss niya? Impossible naman ata na si Liam mismo ang magsabi noon Sa kanyang tatay. Tiyak siyang bugbog sarado na si Liam kung tama man ang hula niya. Kinagat ni Celine ang pang-ibabang labi. Pinaglalaruan niya na ang kanyang kuko dahil hindi niya alam kung papaano sasabihin sa kanyang tatay ang tungkol sa ama ng pinagbubuntis niya. Celine gather all her strength and courage to confess, "a-ano kasi, Tay... Uhm... K-kasi, Tay. Kasi po... Si Liam... S-siya po ang... Ang tatay─" naputol ang sasabihin niya ng bigla nalang may tumawag sa kanya mula sa labas ng kanilang bahay. "Ate Beng! Ate Beng!" Nagkukumahog na sigaw ni Tamtam at tumakbo papasok sa kanilang bahay. May dala itong isang supot. "May nagpapqbigay po sayo nito. Hello po, Tay Enan." Bati ng bata sabay mano dito. Tinanggap naman siya ang supot at tiningnan ang laman niyon. To her surprised it was full ang bread and chocolates. "Saan 'to galing? Sino daw ang nagbigay?" Nasa supit pa rin ang atensyon niya. "Hindi naman po sinabi kung kanino galing, eh. Basta dalawang bata po ang nakita ko kanina sa tapat ng bahay niyo kaya nilapitan ko po. Sabi nila ibigay ko daw po 'yan kay Celine Bea Guarino. Ikaw lang naman ang may ganong pangalan dito sa atin, eh." Mahabang lintaya ng bata. Hinihingal pa nga ito. Isinara niya muli ang supot. "Ibabalik ko 'to. Baka kung anong inilagay dito. Hindi tayo sigurado kung malinis la ito o ano." Inagaw ng kanyang tatay ang supot mula sa kanya. "Parang malinis naman. Naka lagay naman sa box ensaymada, eh. Mukhang masarap and dami pang cheese." Natakam naman si Celine doon. It was really tempting. "Kilala mo ba ang mga bata na nagdala nito, Tam?" Umiling ito. "Hindi po, eh. Pero pamilyar sila sa akin. Parang nakita ko na sila. Hindi ko lang po maalala." Tumango siya saka tinatanong ulit ang bata habang ang tatay niya ay tinikman na ang ensaymada na tinapay. "Wala kang pasok, Tam?" Napansin niya kasi na naka uniform pa ito. "Wala na po. May meeting kasi sa school kaya maaga kaming pinauwi." Tumango siya saka sinenyasan ang bata na umupo katabi na agad naman sinunod nito. "May cake sa ref dala ng tatay kahapon. Gusto mo?" "Naku, ate Beng, basta pagkain po hindi mo na ako kailangan tanungin pa." Anito saka tumayo at tinungo ang kusina. Siguro para kumuha ng cake. Natawa nalang siya. Ganon talaga si Tamtam. Sobrang at home na at home ito kapag nasa bahay lang nila. Celine was actually happy that she's with Tamtam. Kapatid na kasi ang turing niya sa bata. Ang boring kasi kapag only child ka lang. Wala kang ibang kalaro at ka-close kundi ang sarili mo. "Gusto mo?" Alok ng kanyang tatay habang kumakain ng ensaymada. "Masarap?" Tanong niya. Natatakam siya dahil amoy niya ang tinapay. Kumagat ng malaki ang kanyang tatay sa tinapay. "Sobrang sarap." "Pati ang cake niyo ate Beng, masarap din po." May dala na su Tamtam na isang platito na may lamang cake saka tumabi sa tatay niya. Parang nag mukbang lang ang dalawa. "Busog na ako." Tugon niya sa alok ng kanyang tatay saka siya nag hikab. Nakaramdam siya ng antok. "Akyat po muna ako sa taas, Tay. Inaantok na naman ako, eh. Huwag mong ubusin ang ensaymada, tirahan mo ako. Saka ilagay mo nalang po sa ref ang mga chocolates." Sumalodo naman ang kanyang tatay. "Copy that, boss." Umakyat na siya patungong kwarto niya. Hindi naman second floor ang bahay nila. May siling kasi ang bahay nila at nasa itaas na bahagi ang kanyang silid. Agad naman siyang nahiga sa kanyang kama pagkapasok niya sa kanyang silid. Naging antukin talaga siya simula ng mabuntis. Agad siyang nakatulog. Naalimpungatan nalang siya ng may maramdaman na parang may tumabi sa kanya. Upon smelling the scent of some who laid beside her, she felt safe and comfortable. Kaya umusog sa papalapit dito at yumakap. Naramdaman niya na parang hinahaplos ng katabi niya ang kanyang buhok. "Sleep tight, feisty little dwarf."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD