Chapter 05

1916 Words
It was early in the morning when Liam woken up. He felt extra lively today with unknown reason. Liam felt like doing some domestic activity and be productive today. He was planning to jogged around their area where his house was built. Naligo muna siya saglit at nagsuot ng jogging pants at itim na muscle tee shirt. It's been his routine arrived at an secluded this place in Leyte. Kasalukuyan siyang naninirahan sa isang lugar sa probinsya ng Leyte. Ito ang unang beses na nakapunta siya sa lugar na ito at nagustuhan niya kaya naman pumirme siya. He fell in love at the place and environment. Dahil hindi naman masyado kilala ang lugar ay tahimik ang buong komunidad. Liam discover the place when his Ninong Matteo sent him on a mission. Since, he like it, he then decided to bought a house and a land. Dalawang buwan pa lang siya simula ng tumira siya sa Isla Yrraya. Isla Yrraya a nice place to chill and unwind. It's a perfect haven for people like him who likes to live in peace and quite places. May magaganda din ditong pasyalan at may mga turista din na dumadayo sa lugar. Hindi gaanong matao at hindi maraming sasakyan kaya mas sariwa ang hangin dito. The whole Isla Yrraya was a majestic place to stay. Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing kabuhayan sa lugar. Isla Yrraya has a very massive rice plantation and abound in terms of marine resources. Sagana na nga sila sa lupa, sagana pa sa lamang dagat. Tinakbo ni Liam ang kahabaan ng tahimik na kalsada ng Sentro. Isla Yrraya us divided into three sections. The Sentro, the Costa and the Sagkahan. Sentro was like the capital of Isla Yrraya; where infrastructures are built-in. The Costa is located near shorelines. Nasa tabing dagat lang ito kaya ang Costa ang nagiging supplier pagdating sa mga lamang dagat. Karamihan sa nakatira sa Costa ay mga mangingisda. The Sagkahan was located in higher part of the place. Ito naman ay parang bukid. Opposite to Costa, Sagkahan is the place big supplier in terms crops and rice. Karamihan din sa nakatira doon ay mga magsasaka. Pero kahit nahahati sa tatlong bahagi ang Isla Yrraya ay malapit lang naman ang mga lugar sa isa't-isa. Pwede nga lang lakarin iyon. "Kuya pogi, bili na po kayo ng mangga. Bagong pitas lang po. Mura lang at matamis." Alok sa kanya ng isang bata babae sa gilid ng daan. Napatigil naman sa pagtakbo ang binata dahil doon. Lumapit siya sa pwesto ng bata. Nasa gilid lang ito ng kalsada at walang kasama. "Ikaw lang mag-isa dito?" Tanong niya sa bata. Umiling ang batang babae. "Hindi po." Sagot nito saka may tinuro sa bandang unahan nila na sinundan niya din ng tingin. " Kasama ko po ang kuya ko. Nangunguha pa po ng mangga doon." Tumango-tango naman ang binata saka sinuri ang mangga. He wanted to buy some for Celine. Alam niyang matakaw iyon pagdating sa mangga. Dahil iyong binili niya nang nakaraan ay halos hindi namigay. He's utterly shocked when he saw Celine at the hospital. Sa dami-daming lugar ay doon pa talaga sila nagkita. And the more to his shocked when he found out that she was pregnant. Nagkaroon kaagad siya ng hinala. Liam can still remember the unforgettable night they shared. Virgin pa ang dalaga kaya alam niyang sa kanya iyong bata. Kaya gusto niyang maka-usap ito ng masinsinan. But if course, before that, ang ama muna nito ang kakausapin niya. He felt responsible for everything that happens to Celine. Natigil ito sa pag-aaral dahil sa pagbubuntis nito. Kinukutya ng ibang tao dahil sa maagang pagbubuntis. Liam was accountable for it. Kaya naman gusto niyang matulongan ang dalaga. Celine needs a strong support system and he's willing to gave whatever she needs. "Magkano ba ang kilo nitong mangga mo?" Tanong niya. Namimilit siya ng mga medyo malalaki. "Tatlong piso lang po kada isa, kuya pogi." Nakangiti na sagot ng bata sa kanya. "Ang mura naman. Hindi ba kayo malulugi nito?" "Wala po kasing bumibili kapag minahalan namin. Ayos na po na kunti ang kita kaysa sa wala." That makes Liam sad. Alam niya kung gaano kahirap ang buhay dahil naranasan niya na din iyon noong bata pa siya. "Nasaan ba ang magulang niyo?" "Wala na po kaming magulang, eh. Yung tatay po namin pumanaw na po tapos yung mama naman po namin may asawa na na iba. Nasa maynila na po." Kaswal na sagot ng bata na para bang normal nalang na tanong iyon. Bakit ba mayroon mga magulang? Bakit may mga magulang na kayang iwan ang anak nila? Bakit hinahayaan lang nila na maghirap ang mga anak nila? How could they do this thing to a child. Hindi pa nila naisip ang mga kalagayan nito? Kung maayos lang ba ang mga anak nila? Kung nakakakain ba ang mga ito tatlong beses sa isang araw? Liam knows the struggle of rasing your own without the help of others. Lumaki din siyang walang magulang kaya alam niya ang pakiramdam. Masuwerte pa nga siya dahil nakilala niya ang ninong Matteo niya. Being abandoned sucks. It was like your unworthy for your parents that's why they abandoned you that easily. Parang hindi ka sapat sa kanila kaya iniiwan ka nalang basta-basta. Liam tapped the kids head, "bilhin ko na lahat 'yan. Para maka-uwi na kayo ng kuya mo." "T-talaga po?" Parang naiiyak na tanong ng bata. Kinakagat pa nito ang pang-ibabang labi para pigilin ang luhang papatulo. "Opo. Bibilhin ko na lahat kasi tinawag mo akong pogi." Pabirong saad niya para gumaan ang pakiramdam ng bata. Laking gulat ni Liam ng tumakbo ang bata patungo sa kanya. Yumakap ito sa bewang niya at humagulhol ng iyak. "S-salamat po, kuya pogi. M-may pambili na po kami ni kuya ng bigas. Salamat po." Iyak ng bata habang nakayakap sa kanya. "May l-lagnat po ang k-kuya Pawpaw k-ko po kaya s-sala─salamat po sa pagbili ng m-mangga. Makakapahinga na din po siya." Liam tried everything to hold his tears. He has a weak spot in situations like this. Suminghot siya para pigilin ang sarili sa pag-iyak. Hinahagod naman niya ang likod ng batang babae na umiiyak pa din. "Shh, tahan na. Huwag kanang umiyak baka siponin ka. Sigurado ang mag-aalala ang kuya Pawpaw mo sayo. Tahan na─" Naputol ang sasabihin sana ng binata ng bigla nalang may humablot sa batang babae. "Bakit mo yakap-yakap ang kapatid ko?! Sino ka?! Bakit umiiyak ang kapatid ko?!" Galit naman na sigaw ng batang lalaki. May hawak pa ito na isang sanga at nakatutok iyon sa kanya. Tinago pa nito ang batang babae sa likuran. Matalim ang tangin ng bata sa kanya. "Subukan mong lumapit at papaluin kita!" Matapang ang boses ng bata pero nanginginig naman ang kamay nitong may hawak sa sanga. "Kuya Pawpaw. Hindi bad si Kuya Pogi." Hinihila-hila pa ng batang babae ang laylayan ng damit ng kuya nito. "Bakit ka umiiyak kung hindi siya bad?! Magtago ka sa likod ko Mary. Baka kunin ka niya." Pinipigilan ni Liam ang natawa. Hindi naman talaga nakakatawa ang sitwasyon nila pero natutuwa siya dahil nagtatapang-tapangan ang batang lalaki kahit na halatang takot din ito. "Ibaba mo ang sanga mo, kuya Pawpaw." Nahihiyang ani ng batang babae habang pasulyap-sulyap sa kanya. "Baka hindi na bilhin ni kuya pogi ang tinda nating mangga. Ibaba mo na." Ibinaba naman ng batang lalaki ang sanga na hawak pero alerto pa rin ito. Binabakuran pa din nito ang nakababatang kapatid. "Bibili ka po ng mangga?" Tanong ng lalaki sa kanya. Hindi na matapang ang boses nito. "Oum, bibilhin ko lahat." Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya ang bata. "Lahat po? Pati ang mga bagong pitas ko?" "Oo, lahat. Uubusin ko lang ng binibenta niyo." Dahil sa sobrang tuwa ng batang lalaki at tumalon-talon pa ito. Yumakap pa ito saglit sa kanya saka tumalon ulit. "Yehey! Yehey! Sold out na tayo, Mary." Natutuwang sabi nito. "Kaya nga ako naiyak kanina, eh." "Halikana bilangin na natin lahat para makauwi na tayo. Bibili ako ng bigas at hotdog. Diba gusto mo ng hotdog? Yun ang uulamin natin mamayang gabi." Masayang saad ng batang lalaki sa kapatid nito habang binibilang ang mangga. "Talaga, kuya?" Halata sa mukha ng batang babae ang kasiyahan pero naging malungkot ang mata nito kalaunan. "Pero paano ang gamot mo? Baka wala ng matira sa pera kapag bumili tayo ng hotdog. Mahal 'yon." Mataman lang na nakikinig si Liam sa mga bata. This kids should not suffer this kind of fate. Ang babata pa nila para masilayan kung gaano karahas ang mundo. Dapat nga ay naglalaro pa ang mga ito imbes na maghanap-buhay. Liam came up with the decision he thinks whats right. He wanted to help the two. Para naman kahit kaunti gumaan ang mga buhay nito at makatulong siya. "Saan ba kayo nakatira?" Tanong niya dahilan para matigil ang dalawa. Tinuro ng lalaki ang isang kubo katabi ng isang puno ng mangga. "Iyon po ang bahay namin." "Okay lang ba kung bisitahin ko kayo mamaya?" The innocent girl tilted her head, "huh, bakit po?" Tanong bago biglang tinakpan ang bibig gamit ang kamay. "Huwag niyo po kaming e-report sa DSWD po. Ayaw namin doon. Please, kuya pogi. Huwag niyo po kaming isumbong." Mabilis naman siyang umiling. "No. No. I would not do that. Bibisitahin ko lang kayo kasi may ibinigay ako mamaya. Hindi ko kayo isusumbong." Inabot ng batang babae ang hinliliit nito palapit sa kanya. "Pinky promise po?" Natawa siya pero iginaya din niya ang hiliit at ibinigkis sa daliri ng bata. "Pinky promise." Ilang minuto ang inantay niya para sa mangga. Nasa kwarenta piraso lahat ng mangga. Umiyak pa nga ulit si Mary, dahil sinobrahan niya ang bayad. Mamaya babalikan niya ang mga bata. Balak niyang bumili ng mga groceries nito para hindi na nila masyadong isipin kung ano ang kakainin nila. Binaybay niya ang daan habang bitbit ang mangga. Hindi naman iyon mabigat. Bibisitahin niya ang Supermarket na pinapagawa at para na rin kausapin ang ama ng dalaga. Hindi na din siya nag palit. Nakapan-jogging pa din siya. Hindi niya alam kung saan hahantong ang lahat pero aakuin niya ang responsibilidad bilang ama. Hindi naman din siya bata. He wanted to settle down but he needs time to heal his heart. Kaya siya tumira sa Isla Yrraya para umiwas kina Desteen. Mas nasasaktan lang kasi siya tuwing nakikita niya ang dalaga. Kaagad niyang pinatawag ang ama ng binata nang makarating siya ng site. He will confess and he's willing to accept any possible consequences. "Sir, pinatawag niyo daw po ako?" Halatang kabado si Enan. "May sasabihin lang sana ako sayo... Importante lang." Kinakabahan na umupo si Enan ang isang silya. "Tungkol saan po ba, sir." "It's about Celine ─" "Naku, sir! Pasensya na po sa inasal ng anak ko noong nakaraan. Ako na po ang hihingi ng tawad. Pasensya na po kayo, sir. Huwag niyo po sana akong sesantihin parang-awa niyo na, sir." Paghingi ng pasensya ng matanda. Nanginginig pa ang mga kamay nito. "Mabait naman po 'yon, sir. Paiba-iba lang talaga ng ugali ang anak ko dahil sa pagbubuntis. Pasensya na hu kayo sir. "Wala hu akong balak na sesantihin kayo," agaran niyang sabi. "Hindi hu tungkol don ang sasabihin ko. It was about Celine pregnancy." Mukhang nakahinga naman ng maluwag ang ama ng dalaga. "Anong pong tungkol don?" Liam heave a deep sigh and look into Enan's eyes before speaking. "The father of her child...... It was me. Ako ang nakabuntis sa anak niyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD