Chapter 04

1938 Words
Parang batang pinagalitan si Celine habang naka-upo sa backseat ng kotse ng binata. Halo-halo ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Kahit may aircon naman ang loob ng kotse pero pinagpapawisan pa din siya ng malamig. Kanina habang nasa hospital sila ay hindi pumayag ang binata na umalis sila ng hospital na hindi siya na che-check up. Ayaw sana niya kasi baka magtaka ang tatay niya kung bakit sila magkakilala. Well, hindi naman ganon ka kilala pero kasi... Paano niya sasabihin sa tatay niya na ang boss niya ang ama ng anak niya? "Diyan nalang kami sa gilid, sir," rinig ni Celine na sabi ng ama. Simula kanina ay hindi siya ng aangat ng tingin. Ayaw niyang makita ang binata. "Mabuti nalang po at magkakilala kayo ng anak ko." "I will drop you in front of your house. Masama sa buntis ang maglakad ng malayo." Ma awtoridad nitong sabi. Kinakabahan naman agad si Celine dahil doon. Ramdam niya kasi ang mga titig nito. "Maganda nga pong maglakad-lakad ang mga buntis para exercise na din yun sir." "Mainit sa labas. Baka mapano pa ang buntis." "May payong naman po silang dala, sir," giit ng tatay niya. "Nakakahiya kung ihahatid niyo pa ho kami sa tapat ng bahay, sir. Labis na tulong na hu ito." "It's okay. I insist. Wala naman din akong gagawin sa site. Better to send you off in front of your house. Mukhang inaantok na ang buntis." Gustong kaltukan ni Celine ang binata. Lahat nalang ng sinasabi nito hindi mawala-wala ang salitang 'buntis'. Halatang pinaparinggan siya. Pinaglaruan nalang niya ang kuko. Buwesit na lalaki 'to. Panay ang sulyap sa kanya mula sa rear view mirror. "Inaantok kana ba anak?" Tanong ng kanyang tatay na ikinagulat niya. Dahil sa nerbyos niya nagugulat na siya sa maliit na bagay. "Ayos ka lang ba?" "A-ayos lang po ako, Tay." Nauutal na sabi niya. Palihim naman na kinurot ni Celine ang sarili. Shocks, bakit parang na starstruck siya! "Nagugutom lang po ako, Tay." "What food do you want to eat? I'll buy it for you." Bakit pa sabat nang sabat ang lalaking ito! Hindi ba siya takot na baka magtaka ang tatay niya! Takte talaga! Umayos ng upo ang dalaga. "H-hindi na pala ako nagugutom." "Any cravings? Wala kang specific na gustong kainin?" Tanong na naman ng binata. Kung wala lang ang kanyang tatay at si Tamtam sa loob ng kotse baka nabatukan niya na ang binata. Napaka feeling close naman nito! Hindi niya ba mahalata na umiiwas siya! Tiyak akong maiitak siya kapag nalaman ng tatay niya na ito ang dahilan kung bakit siya busog ng nine months. "Ay kuya pogi, gusto po lagi ni ate Beng ng taho at mangga po. Iyon po ang mga favorite na kainin ni Ate." Pakikisali ni Tamtam na katabi niya sa backseat habang nasa passenger seat ng ang tatay niya. Dala din nito ang basket na puno ng prutas. Talaga hindi nilubayan. "Okay..." Pinarada ng binata ang kotse nito sa harap ng bahay nila. "Bibili muna ang ng makakain ni Celine. Babalik ako dito." "Huwag na!" Medyo napalakas ang boses niya. Paano kasi kinakabahan siya to the highest level. Tumikhim siya at umayos ng upo. "H-hindi ko na gusto ang mga pagkain na iyon." "Bibili pa rin ako," pilit nito. "Just in case you'll crave for it." "Hindi ko na nga gusto iyon! Bakit kaba mapilit ha!" Hindi na niya mapigilan ang pagtaas ng boses niya. Medyo na iinis na siya sa binata. Napakatigas ng ulo. Siya na nga itong todo iwas nang iwas pero lapit naman ng lapit. "You don't have to shout, Celine." Kalmado nitong sabi. Parang hindi naapektuhan sa pagtaas ng boses niya. "I can hear you. I'm not deaf." Umirap siya sa ere at pinag-cross ang braso sa harap ng dibdib. "Ang tigas kasi ng ulo mo, eh. Sabing hindi ko na gusto ang pagkain na iyon." Enan, stifled an awkward laugh, "pasensyahan niyo na anak ko, sir. Ganyan talaga yan. Pa iba-iba ang mood kasi buntis." "It's fine with me. I can handle her." Bumaba sa kotse ang binata saka pinagbuksan niya ng pintuan. Lumabas naman siya pati na rin ang tatay at si Tamtam. Halos naman lumuwa ang mga mata ng mga marites gang na nakatambay na naman sa harap ng tindahan ni ate Nena. "Salamat sa paghatid, sir." Matabang at mataray na sabi niya. Her voice was dripping sarcasm, but it seems like Liam didn't affected by it. "Your welcome, feisty little dwarf." Amusement can be heard from its voice. Celine make her face strict. Tinarayan na naman niya ang binata pero parang walang epekto dito ang pagtataray niya. "Little dwarf ka diyan! Tadyakan kaya kita." "Ang pandak pero ang sungit." Nagpintig naman ang tenga niya dahil sa narinig. "Anong sabi mo?!" Hinila naman kaagad siya ng tatay niya palayo sa boss nito. Kinakabahan pa nga ang tatay niya. "Huwag mo ngang sungitan si sir, baka matanggal ako sa trabaho." Pabulong na pangaral ng tatay niya sa kanya bago nito sinulyapan ang binata. "Salamat po ulit sa paghatid, sir." "Don't mentioned it..." "Hmmp! Yabang." Aniya saka tinalikuran ang dalawa. Una siyang pumasok sa bahay nila at umupo sa upuan na kawayan sa sala nila. In a very unknown reason, Celine felt a sudden longing of something. Nakaramdam siya ng pangungulila sa hindi mawaring kadahilanan. Hindi naka niya ito naramdaman kanina. Parang may kulang. She felt unsafe. "Ate Beng, bakit ang sungit mo kay kuya pogi. Ikaw na nga lang itong binibilhan ng pagkain ayaw mo pa. Attitude mo talaga, 'te." Gustong kurutin ng Celine ang singit ng bata. Napakadaldal talaga. "Ikaw kasi! Kung hindi ka sumabat kanina edi sana hindi nagpupumilit 'yon na bilhan ako ng pagkain! Daldal mo talagang bata ka kahit kailan." Tamtam make face, "Sus, arte mo lang talaga." Hindi niya na pinansin ang bata bagkus ay tinungo niya ang kanyang silid. Ito na naman... Parang nalulungkot na naman siya. Parang gusto niya umiyak. Ang hirap talaga maging buntis! Mas lalong nagiging komplekado ang ugali niya. Mas lalong hindi niya maintindihan ang sarili. Humiga siya sa kanyang higaan saka sinubsob ang mukha nito sa unan. She felt sad all of a sudden. "May masakit ba sayo, anak?" Nag-aalalang tanong ng tatay niya. Nakapasok na pala ito sa kwarto niya ng hindi manlang namamalayan. "Nasaan na ang boss mo, 'Tay?" Mahinang boses na tanong niya. "Kaalis lang." Tugon ng ama. "Bakit mo ba sungitan si sir. Mabait naman 'yon." Parang bumigat sa dibdib niya bigla na umalis na ang binata. Gusto niya tuloy umiyak. "Naiinis ako sa kanya!" Sigaw niya. "Bakit ka naman naiinis kay Sir, eh ang bait nga 'non. Siya na nga naghatid sa atin tapos gusto ka pang bilhan ng mga gusto mong pagkain." "Ahh, basta, Tay. Naiinis ako sa kanya." "Bakit kaba kasi naiinis?" Bakit nga ba siya naiinis? Hindi niya alam. Basta naiinis lang siya. "Kasi mapilit siya! Sabing hindi ko gusto ng taho at mangga." Umupo siya saka sinulyapan ang amang nakasandal sa hamba ng pinto. "Hindi ko na favorite ang mga 'yon." Natatawa naman ang kanyang tatay sa kanya. Pero hindi lang nito pinapahalata. "Sure kang ayaw mo na ng taho at mangga?" Natigilan naman ang dalaga dahil doon saka tinatanong ang sarili. Ayaw ko na ba ng taho at mangga? Let go ko na ba sila? "Gusto...." Mahinang boses na saad niya dahilan para matawa ang kanyang tatay. "Huwag kayong tumawa diyan, Tay. Baka mainis na naman ako." Hindi naman tumigil ang tatay niya sa paghalakhalak. "Ang hirap mo talagang spelling-in. Tiyak akong kawawa ang magiging asawa mo kung sakali." Huling sabi nito bago lumabas ng kwarto. Napaisip naman siya dahil sa sinabi ng kanyang tatay. "Kaya kaya akong intindihin ni Liam....?" Natigil naman siya dahil sa naisip! s**t! Bakit si Liam agad ang pumasok sa isip niya! "Pero single naman si Liam, diba?" Tanong niya sa sarili. "Wait! Single ba siya? Mukhang single naman siya? Pero sa gwapong niyang iyon wala siyang girlfriend manlang o asawa?" Celine, then again, felt annoyed with the thought of Liam having a girlfriend or wife! Dapat Wala siyang jowa! Dapat single lang siya! Magkaka-anak na nga sila, eh! "Teka! Bakit ba ako naiinis?! Wala naman akong paki doon, eh." Kausap ni Celine ang sarili. Parang nasisiran na siya ng bait at kasalanan iyon ng binata. Hindi siya nagkakaganito kung hindi lang sumulpot na parang kabute ang binata. Her peaceful life became chaotic now. But this thought came into her mind. Ano kaya ang mangyayari kung malaman ni Liam na ito ang ama ng batang nasa sinapupunan niya. Would he accept the baby? Papanagutan kaya niya ako? Aakuin niya ba ang responsibilidad? Apat na buwan rin bago sila magkita ulit simula no'ng huling pagkikita nila. It's not impossible if Liam has already someone else. Hinaplos naman siya ang tiyan saka humiga. "Kikilalanin ka kaya ng Daddy mo, Baby? Magugustuhan kaba niya? Sana Oo...." She's having an internal battle with herself. Ang kaninang inis ay napawi at napalitan iyon ng pagkabahala. Sigurado siya na may kutob ang binata sa pinagbubuntis niya. Panay kasi ang titig nito sa kanya kanina nang nasa hospital palang sila habang chine-check siya ng OB. Madami rin ang tanong nito kanina. Mga bawal at pwede na pagkain sa buntis. Mga dapat at Hindi dapat gawin ng isang buntis. Nagmistulan na itong asawa niya dahil sa sobrang daming tanong. With so much in her mind, Celine didn't notice she falls asleep. Dahil sa samo't-saring scenario ang tumatakbo sa isip niya ay nakatulog nalang siya. Nagising nalang siya na parang may humahaplos sa pisngi niya. Sa pag-aakala niya si Tamtam lang ito kaya iniusog niya ang katawan papalapit dito at yumakap ng hindi manlang dinidilat ang mata. Celine actually felt safe the moment she hug Tamtam. Inamoy na pa ito at hinalik-halikan tulad ng palagi nitong ginagawa sa bata. "Bakit ang bango mo ngayon, Tam?" She asked in sleepy voice. "Ang sarap ng amoy mo. Nakakagigil." Tamtam chuckled. "Really? Do I smell that good?" Celine snuggle closer, "Oo. Sobrang bango mo, Tam. Pahingi ako ng pabango mo ha." Gising lang ang diwa ni Celine pero inaantok pa talaga siya. "Okay, I'll give you some. When I come back here." . "Bakit kaba nage-english? Nasa pilipinas tayo." "Okay my bad..." Tamtam chuckled again. Parang nag-iba ang boses nito pero pinabayaan niya lang. Baka nag-iba lang ang pandinig niya dahil inaantok pa siya. "Get up now, Feisty dwarf. Your taho and mangga are waiting for you outside." "Anong feisty dwarf ka diyan─" natigil siya ng sumagi niya na isip iyon. s**t! Si gurang lang ang tumawag niyon sa kanya. Don't tell me.... Dahan-dahan na minulat ni Celine ang mga mata. At halos lumuwa ito ng makita kung sino ang kayakap niya. "Anong ginagawa mo dito?! Bakit ka nakapasok?! Sinong nag sabi na pumasok?! Trespassing passing kana, gurang ha!" Sunod-sunod ng sabi niya. Takte! Bakit ba nandito ang lalaking 'to! Shuta! Talagang niyakap ko pa talaga! "Don't look at me like I've done something wrong to you. And don't call me gurang. I'm just 31, feisty dwarf." Tumayo ito mula sa pagkaka-upo sa higaan niya. "Tatay Enan, instructed me to wake you up. Nasa baba na ang taho at mangga mo. Medyo natagalan lang ako sa taho kasi wala nang may nagtitinda kasi hapon na. Bumaba kana habang mainit pa ang taho. It taste good when it's still warm." At lumabas ito ng kanyang silid. Naiwan naman si Celine na naka-awang ang mga labi. Sino ba ang matinong lalaki ang bibili ng taho sa hapon? Walang iba kundi si Liam lang. Tangina! Sobrang lakas tuloy ang t***k ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD