Chapter 03

1841 Words
Walang sinayang na oras si Celine at kaagad niyang pinuntahan ang tatay. Samo't-saring scenario ang tumatakbo sa isip niya. Paano kung napuruhan ang tatay niya? Paano kung malala ang lagay nito? Paano kung mawala ang tatay niya sa kanya? In case that it happens, she didn't know what to do. Tanging ang tatay nalang siya ang meron siya. Kung kukunin pa ito sa kanya ay ano nalang ang magiging buhay niya? Celine can't survive. I can't... Not without her tatay! She would be lost like a wheel that keeps on going without direction. "Miss saan po ang kwarto ni Enan Guarino?" Agad niyang tanong sa nurse na nasa front desk ng makapasok sila ng hospital. Nanlalamig ang kanyang boung katawan. Ni hindi na nga siya nakapag pre-natal dahil mas inuna niya na puntahan ang tatay. Hinanap ng nurse na nasa front desk ang pangalan ng tatay ng dalaga bago sumagot. "Room 064 po, Ma'am." "S-salamat po," Dali-dali niyang pinuntahan ang kwarto na sinabi ng nurse. Pinanlalamigan siya ng kamay at basa ang kanyang palad dahil sa pawis. Labis ang takot at kaba ang nararamdaman niya habang tinatakbo niya ang daan. "Ate Beng, huwag kang tumakbo ng mabilis baka ka po madapa." Saway sa kanya ni Tamtam. Tumatakbo din ito at nakasunod sa kanya. Dahil sa sobrang pag-aalala niya sa kanyang tatay ay hindi niya namalayan na nakasunod pala si Tamtam sa kanya. Celine mind was focused solely on her tatay that she didn't even notice Tamtam's presence. "Kailangan kong makita si Tatay, Tam. Baka kung anong nangyare sa kanya." Kinakabahan siya. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung pati si Tatay mawala sa akin." "Huwag ka pong mag-isip ng negatibo, ate Beng." Pagpapagaan ng loob ng bata. "Sigurado akong okay lang si Tatay Enan. Ang lakas-lakas at ang tapang-tapang 'non, eh." Binilisan ni Celine ang takbo pero maingat pa din siya takot baka madapa. Mas lalaki ang problema niya kung pati siya made-disgrasya. Ilang pang sandali ang nasa tapat na sila ng kwarto na sinabi ng nurse kanina. Agad naman nawala at napawi ang kaba at takot na nararamdaman niya kanina ng marinig ang boses ng tatay na masayang nakikipag-usap sa kung sino man ang kasama nito sa loob. "... Pinapagalitan nga ako 'non, eh." Iyon ang nadinig niya sa ama. Wala siyang alam kung sino ang tinutukoy nito pero dinig sa boses nito ang galak habang nagsasalita. "Ang estrikta palagi. Si Tamtam lang ang kaibigan ng anak ko na 'yun dahil sobrang prangka kung magsalita. Napakamaldita. Napaka amazona, nagmana kasi sa nanay kaya palaban ang ugali." Her tatay paused. "Pero mahal ko ang anak ko na 'yun." Celine heard someone inside the room chuckled, "I know someone like her, too. Feisty and stubborn woman. Parang naghahamon palagi ng away. I hope your daughter will not found this. I'm sure you'll be scolded by her." "Naku, Sir, sana nga hindi malaman ng anak ko ang nangyari sa akin ngayon. Malamang sa malamang na isang sakong sermon aabutin ko." Her tatay said. "Buntis pa naman iyon at bawal na stress. Tiyak akong mag-aalala sa akin 'yun." Hindi muna pumasok sa loob si Celine at mataman lang na nakinig. At least ngayon alam niyang ligtas at okay ang kanyang tatay. "Sure na kayong hindi kayo magpapa-admit dito? Kailangan niyo pa hong ipahinga ang binti niyo." Saad ng kausap ng tatay niya. The voice was familiar to her. Celine thinks deeply where did she heard that man's voice. Parang narinig niya na iyon sa kung saan pero hindi niya lang maalala. Parang narinig na talaga niya ang boses na iyon. "Naku hindi na po, sir. Dagdag gastos lang po iyon. Kailangan ko pa kasing mag-ipon para sa panganganak ng anak ko." "Ako naman ang gagastos para sa hospital bills." "Hindi na po, sir. Nakakahiya na masyado. Kasalanan ko din naman dahil hindi ako tumitingin sa daan." Magalang na tanggi ng kanyang ama sa 'boss' nito. "Sigurado ho kayo?" The man's voice was calm and formal. Malumanay ito pero rinig mo ang ma awtoridad sa boses nito. "Opo sir, salamat po." Celine heard a faint sound of moving chair. Hula niya tumayo ito sa pagkaka-upo. "Wait for me here. I will just pay the bill and we're leaving." "Salamat po ng marami, sir." When Celine hear a footsteps, she unconsciously turn her back from the door. She didn't know but she felt like hiding. Kaya naman tumalikod sa sa pintuan at umupo sa may upuan saka tinabunan ang kanyang mukha. Tamtam gave her a confused look. Hinila ng dalaga ang bata na nagtatakang nakatingin sa kanya at itinago niya ang mukha sa likod nito. Celine hear the open and closing sound of door. Doon niya lang inangat ang ulo ng maramdaman niyang nakalayo na ang lalaki na kausap kanina ng ama. Tiningnan muna ni Celine ng papalayong bulto ng lalaki. She could she the broad shoulders of the man. One look and everyone could see that the man was a gym type of guy. Muscles on the right places. Bulky body. Matangkad din ito. At sobrang bango. Kahit malayo na ito sa pwesto nila, amoy niya pa din ang pabango nitong panlalaki pero hindi masakit sa ilong. "Bakit kaba nagtago ate Beng? Kilala mo po ba iyon?" Boses iyon ni Tamtam na nagpapukaw sa kanya. "Hindi. Pero parang pamilyar siya sa akin." Tugon niya saka tumayo at pumasok sa silid ng ama. Celine almost cried the moment she laid her eyes in her father. Nakabenda ang kaliwang paa nito. Naka higa ito at nakapikit ang mata. "Tatay..." Naiiyak na tawag niya sa ama. Mahina din ang boses niya pero sapat na iyon para marinig ng ama. Gulat naman siyang tiningnan ng ama at dali-daling umupo sa higaan. "Bakit ka nandito? Tapos na ba ang pre-natal check-up mo?" Celine throw herself at her tatay who hug her immediately. Umiling siya. "Hindi pa po. Umalis ako kaagad kasi sinabi ni kuya Jun na isinugod ka daw sa hospital." Celine body trembles, "natakot ako kanina kaya umalis ako kaagad... Takot ako, Tay. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Natapon ko pa ang taho ko kanina. Ang sarap pa naman." Natawa ng mahina si Enan dahil sa huling sinabi ng anak. Hinahagod nito ang likod ng anak na nakayap sa kanya. "Hindi naman malala ang bint ko. Huwag kanang mag-alala diyan. Ayos lang ang Tatay." "Payakap nalang muna ako, Tay. Talagang natakot ako kanina." Ramdam ni Enan ang panginginig ng anak. Kaya hinayaan nalang muna niyang yakapin siya nito. Kahit pa dalaga na ang anak ay talagang malambing ito sa kanya. Papa's gurl kasi ito. "Pasensya kana kung natakot ka ni Tatay. Bibilhan nalang kita mamaya ng taho pag-uwi natin. Aasikasuhin lang daw ni boss ang bills at uuwi na tayo. Ayokong magtagal dito baka lumaki pa ang bayarin." "Sigurado ka po bang maayos na ang binti mo, Tay?" Nag-aalala na tanong ng dalaga. "Maayos na ako. Kaya ko pa naman maglakad. Kunting pahinga lang nito at magiging okay na." Tumango lang si Celine. Suddenly, she feel sleepy. The room where her tatay was staying is a private one. Halata iyon sa kwarto palang kaya naman nakaramdam siya ng antok. Ang sarap kasi ng hangin. Malamig dahil sa aircon. Napahikab naman ang dalaga at napansin iyon ng kanyang ama. "Ikaw muna ang humiga dito. Umidlip ka muna mukhang inaantok kana naman. Gigisingin nalang kita pagdating ng boss ko." Umiling siya. "Nakakahiya sa boss mo baka kung anong isipin. Mukhang private room pa naman ang kinuha niya para sayo, 'Tay." "Ganon talaga si boss. Sobrang maalalahanin. Hindi naman grabe ang binti ko pero pina-hospital pa talaga ako." "Ano ba ang nangyari sayo, 'Tay? Ano ba ang ginagawa mo?" Iginaya ni Enan ang anak para pahigain pansamantala sa higaan. "Kanina doon sa site ay may nagbenta ng bibingka. Naisip ko na baka gusto mo kaya hinabol ko yung nagbebenta, tapos sakto kaman na paatras ang kotse ni boss kaya ayon nasalpok ako. Hindi tuloy ako nakabili ng bibingka." "Ingat po sa susunod, Tay." Paalala niya ng dalaga sa ama. "Opo, ma'am." Pabiro naman na tugon ng ama. Nag-usap lang ang dalawa habang si Tamtam naman ay naka-upo sa couch at pinapapak ang mga prutas na dala ng boss ng kanyang ama. Celine must thank her tatay's boss for taking care and bringing her tatay to hospital. Mabait siguro talaga ang boss ng kanyang ama. Kaya kailangan niya itong pasalamatan ng lubos. Siguro lulutuan nalang niya ito ng ulam bukas pasasalamat dahil sa kabutihan nito. "Tatay Enan, pwede ko po bang dalhin itong ibang prutas po?" Tanong ni Tamtam habang hawak ang basket na puno ng prutas. "Masarap po kasi tapos Wala naman ibang kakain nito dito. Masasayang lang kung iiwan." Ngumiti ang matanda, "tatanungin natin si boss. Pero tiyak na papayag 'yun." Tugon nito. "Bakit ang tagal ng boss mo, Tatay." Medyo naiinip na si Celine. Inaantok kasi siya pero ayaw niyang matulog sa hospital. Nakakahiya. "Inaantok kana ba?" Tanong ng ama. "Baka may inasikaso pa. Siguro pabalik ma 'yun dito. Saglit nalang. Antok na antok kana ba?" Naghikab si Celine, "medyo po. Pero ayos lang. Gusto kung magpasalamat sa boss mo, 'Tay. Lulutuan ko siya ng ulam bukas pang-thank you po." "Magugustuhan yun ng boss ko, panigurado." Kumpyansang sabi ng kanyang ama. "Lalo na't ikaw ang nagluto. Sus! Tiyak akong masasarapan si boss." Pabirong umirap si Celine sa ama. "Nambola kana naman, 'Tay." "Ay pa-humble naman itong anak ko." Tudyo ng kanyang ama. "Aba! Magiging chef kaya itong prinsesa ko!" "Tumigil nga kayo, 'Tay. Baka may nakakarinig sa 'yo sa labas nakakahiya." Saway ng dalaga sa ama dahil ang lakas ng boses nito. Tumigil na sa pagnunukso si Enan, dahil nakita niya na mapula na ang mukha ng anak. Tanda iyon kapag nahihiya ito. "Nga pala, 'nak. Paano ang pre-natal mo? Hindi ba required 'yun para sa mga buntis para ma-monitor ang lagay mo?" "Bukas po. Babalik naman daw pa sila bukas. Hanggang huwebes pa naman daw po sila." "Ako nalang ang sasama sayo bukas. Baka pumunta doon sina Jenna. Mabibigwasan ko talaga ang mga 'yon." "Sasama din ako, Tay Enan." Pakikisali ng bata. "Para mabilhan ko ulit ng taho si ate Beng." Sinulyapan ng dalaga ang bata na panay ang kain ng mga prutas. "May pasok kana bukas. Hindi ka pwedeng sumama." Ani ng dalaga. "Hala! Oo nga po." Tamtam click his finger to make a sound. "Sayang naman ang taho mo, ate Beng." "Ako na ang bahala bumili ng taho para sa ate Beng ─" "Apologies for taking so long. My ninong just called and I have to take it." Ani ng taong kakapasok palang. Bigla nalang nanlambot ang buong katawan ng dalaga ng makita kung sino ang taong kakapasok pa lang. Kita din ang gulat sa mukha ng binata pero kaagad din naman iyong naglaho. Natulos ito sa kinatatayuan. Celine was sure that it was him. The stranger who took his virginity and the one who impregnates her. Hinding hindi niya malilimutang ang gwapong mukha nito kahit anong pilit niya sa sarili. "Celine," "Liam,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD