Nagising si Celine dahil sa munting ingay sa loob ng kanilang kwarto. Nang imulat ni Celine ang mga mata. Nakita niya si Liam na nakasakay sa loob ng crib ng anak habang kinikiliti iyon. At ang anak naman nila ay tumawa ng malakas. "Ah, peekaboo," Ani Liam saka kinikiliti ang tiyan ng anak gamit ang nguso nito. Si Lianna naman ay halatang tuwang-tuwa dahil sa ginagawa ng daddy nito sa kanya. Pati si Liam ay tumatawa din. Napangiti naman si Celine saka pa-sekretong kinuhanan ng video ang kaganapan na iyon. Liam is really the sweetest dad. Hindi na siya mag tataka kung paglaki ni Lianna ay maging daddy's girl ito. "Huwag mong patawanin masyado baka kabagin," Ani Celine. Mabilis naman na imikot ang ulo ni Liam para sulyapan ang dalaga saka kinarga si Lianna at tumabi sa asawa. Inilaga

