"Aalis na kami, Tay." Paalam ni Liam sa tatay Enan nila. Ngayon kasi nila susunduin sa airport sa Tacloban ang ninong niya. Ngayon araw kasi ang dating nila. "Sige, mag-iingat kayo sa biyahe," tinuro ni Enan ang manugang at pinagbantaan iyon. "Ikaw naman. Ingatan mo ang pagda-drive. Babalatan kita ng buhay kapag mag-mangyareng masama sa anak at apo ko. Tandaan mo!" "Copy that, sir." Liam replied with nonchalance. Iginaya ni Liam ang mag-ina sa kotse. Kapag bumiyahe sila palaging kinakarga ni Celine ang anak habang naka-upo sila sa passenger seat. Meron naman silang car seat para sa bata pero mas gusto ng dalaga na hawak ang anak. Kaya kapag ganon, maingat ng doble si Liam sa pagmamaneho. "Why are you silent? Are you not feeling well? Gusto mong bumalik nalang tayo sa bahay?" Ipinara

