"Sigurado kaba talaga kay Liam, Celine? Hindi kaba pinilit o pinagbantaan ni Liam? Hindi kaba tinakot? Is it your own free will to be married with Liam?" Hindi na mabilang ni Celine kung pang-ilang tanong na iyon ng Ninong ni Liam. Kanina, habang papunta pa lang sila sa airport ay kinakabahan siya pero ngayon? Na nakilala niya na ang Ninong Matteo ni Liam? Medyo naririndi na ang tenga niya dahil sa sobrang ingay nito. Tama nga si Liam. Parang si Tatay lang ang ninong Matteo niya. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant. Kakain daw muna sila saglit bago kami tumungo sa bahay. Hindi kasi sila nag-almusal kanina ng umalis sila ng maynila dahil sa sobrang excitement. "Ninong, pwede bang tumahimik muna kayo? Ang ingay ingay mo, eh. At hindi ko pinilit 'tong asawa ko. Ang bait ko kaya." R

