Matapos silang kumain kanina sa isang restaurant ay dumaretso sila nang mall. Para daw bumuli ng ipangre-regalo. Sinabihan naman ni Celine na hindi na nila kailangan mag-abala pa dahil hindi naman na 'yon kailangan pero ayaw magpaawat ni Tito Matteo. Tito Matteo ang tawag ni Celine sa ninong ni Liam dahil iyon ang gusto ng matanda. Ate at kuya naman ang tawag niya kay Desteen at Uno dahil may matanda naman iyon sa kaniya ng ilang taon. Si Liam kasi ang ka-edaran ni ate Desteen at Uno. Magaan ang pakiramdam ni Celine sa ate Desteen niya. Para nga silang magkapatid eh. Hindi siya nakakaramdam ng kahit anong selos dito kahit pa alam niya ang nakaraan na pagtingin dito ni Liam. She doesn't feel any annoyance to her ate Desteen. "Tito, madami na po ang nabili niyo. Hindi naman mahilig sa mg

