"Good morning Danico:) see you later. ingat ka." text message mula kay Dale.
ako nga pala si DanicoMalonzo. masayahin, maingay at mabait. yan ang kadalasang description sakin. totoo naman eh.
siya nga pala, yung nagtext si dale yun. kaklase ko at kaibigan. ganyan lang talaga siya sa akin, sweet. ang kulit nga niyan minsan eh. madalas mapang-asar. kaya nga inaasar kami ng mga kaklasi at kaibigan namin na naka kami daw magkatuluyan. possible naman yun sa sitwasyon ko kase Bakla ako. pero si dale? sa kasamaang palad straight siya.
gwapo naman si dale eh, filipinong filipino ang pagkagwapo. matangkad. moreno at medyo may muscles naman.
ganyan type ko eh. ayoko yung sobrang mamuscles.
noong una hindi ko naman gusto si dale eh, kaibigan lang talaga. pero habang tumatagal napapamahal na ako sakanya. pero hindi ko masabi kase baka hindi na siya makipagkaibigan sakin kapag nalaman niyang gusto ko siya. alam at tanggap naman niya na bakla ako eh.
pagdating ko sa school si dale agad ang bumungad sakin upang batiin ako ng good morning.
sweet siya. kaya siguro nafall ako sakanya.
nafefeel ko na meron din siya gusto sakin eh. hindi ko naman iisipin ito kung hindi siya nagbibigay ng motibo.
lagi niya inaalam kung saan ako, kumusta ako, kumain na ba ako.
kinikilig nga ako kapag nagtetext siya ng ganun eh.
"hoy! ano nanamang iniisip mo? ako ba?" si dale
"ulul! kapal ng mukha mo!"
"hahaha! tara kain?"
pumunta na kaming canteen upang maibsan na ang gutom ng lalakeng ito. baka ako pa kainin eh! haha
"baby ano oras ka uuwi?" txt ni mommy.. nakalimutan ko isave number niya memorize ko naman eh.
nireplyan ko na at hinintay si dale na dumating. siya kasi bumili ng food eh.
habang kumakain kami ni dale ay bigla niya naalala na may itetext siya pero wala na pala siyang load kaya nakitxt siya sakin.
"uyyy! si Danico may baby na! di man sinabi sakin madaya!" biglang sigaw ni dale.
"h-ha? ano ba yang sinasabi mo?"
tapos ipinakita niya yung txt ni mama
"gagu. mommy ko yan"
kumaina kami.
"diba ayaw mo ng balat ng manok kasi nakakataba. kunin ko na." sabi ni dale
"kinuha mo na eh may magagawa pa ba ako?"
"sus. di mo naman talaga kinakain yan eh. kilalang kilala nakita uy!"
"sige nga. kung kilala mo na talaga ako ano mga ayaw ko?"
"ayaw mo nga orange juice. ayaw mo ng balat ng manok. kapag kumakain tayo ng turon gusto mo yung overcooked. ayaw mo ng mapaklang kape... etc"
natunganga nalang akosakanya. hindi ko alam kung kikiligin ako o ano. kilalang kilala niya nga ako. masisi mo ba ako kung mag-Assume ako na may gusto siya sakin?
"... at sabi mo pa nga nung minsan gusto mo sa moreno, matangkad na lalake." pagpapatuloy niya
"hindi din!"
"sus! halos ex mo ganun hitsura eh! hahaha"
"kamukha mo.." mahina kong sabi
"ano?" buti nalang di niya narinig haha!
"wala. sabi ko oras na!"
...
ano ba yan malapit ba ang valentines day! jusko. single nanaman ako sa darating na valentines day.
pagdating ko sa school binigyan ako ng isang box ng chocolate ni dale! omehges! galing daw sa dad niya umuwi galing dubai.
kenekeleg eke! hahahaha
inaasar naman ako ng mga kaklasi ko. pano ba naman sa dami ng araw na pwedeng magbigay ng chocolate eh ngayong valentines pa. akala tuloy nila ano na ibig sabihin.
ilang araw ng sweet sakin tong mokong na to ah.. oo lagi siyang sweet pero this past few days extra kasweetan na.
hinahatid niya ako bago umuwi. lagi niya sinasabi na manood ako sa mga laban niyang Basketball. feeling ko tuloy syota ako hahahaha :)
"Danico.. mamaya punta tayo mall ha?"
OH MU GOSH! DATE BA ITO?!!
"b-bakit? bukas nalang. andaming nagdadate niyan eh."
"tayo din magdadate" sabi niya sabay kindat.
natulala lang ako sakanya.
"huy joke lang! alam ko naman iba gusto mo! hahaha"
uwian na. syempre dapat ready! nagpulbos ng konti para di oily. nagpabango para di amoy pawis.
pumunta na kam sa mall. kinakabahan ako.. feeling ko may mangyayari eh..
pumunta kami Sa isang kainan.
"wait lang ha. may hihintayin lang tayo saglit.. ay teka pala may bibilhin ako diyan ka muna ha?"
hinintay ko siya. syempre. alangan naman iwan ko.
after ng sampung minuto eh dumating na siya..
may dalang Bouquet of flowers..
inhale-exhale
wait lang.. sino yung nasa likod niya?
"Danico si angela nga pala.. GF ko"
"h-hi angela. i-im Danico"
may dapat ba akong sabihin? wala na.
alam ko na.
masakit.
nakakaiyak.
masyado akong nag-assume.
alam mo ano mas masakit? Ginawa akong chaperon.
gustong gusto ko na umiyak pero di ko magawa..
paguwi ko sa bahay ginawa ko.na ang dapat. inilabas ko lahaaaat ng sama ng loob ko.
iyak.
iyak.
iyak.
hanggang sa makatulog ako.
...
pagising ko nagpasya ako na iiwas na ako. masakit eh. lalo lang ako magfafall kung lagi ko siya kasama.
nagbusy-busyhan ako.
laging naka-earphones para di ako makausap.
hindi na din muna ako kumain.. tiis tiis din.
hinila ni dale yung earphone ko.
"Danico.. may problema ba?"
"huh? wala. bakit?"
"ilang araw ka ng ganyan eh. ilang araw ka ng tahimik. may problema ba?"
"wala nga" sabay pasak ng earphone ko.
pagdating ng last subject, tulad ng nakaraang araw iniwasan ko siya. inunahan kong umuwi.
di ko na siya hinintay. alam kong tinatawagan niya ako kahit naka earphones ako kasi wala namang nagpaplay.
pagdating ko sa bahay nagbihis na ako at humiga.
ng biglang may nagdoorbell.
pagbukas ko ng gate si dale pala...
sus.
"bakit?"
"maguusap tayo. kung ano man ang meron pagusapan natin."
pumunta kami sa may Lanai ng bahay.
"sabi ko naman sayo. walang problema!" namumuo na ang luha ko..
naalala ko yung nagmukha akong tanga..
sakit eh.
"bakit mo ak iniiwasan?!"
"hindi kita iniiwasan! ano bang problema mo?"
"ikaw. ikaw ang may problema! simula ng ipakilala ko sayo si angela nagkaganyan ka na.. ayaw mo ba sakanya?"
hindi ako sumagot..
"uwi ka na dale.. pls."
"ayoko.. sagutin mo tanong ko!"
"oo! ayaw ko siya! ayaw na ayaw. kase.. kase.."
ang kaninang galit na mukha niya ay biglang nagshift sa gulat.
"kase mahal kita dale.. higit pa sa kaibigan dale. mahal kita.."
"di pwede Danico.."
lalo akong naiyak.
"alam ko naman eh.. pero wala akong magawa kasi mahal kita.. di pwede kase bakla ako at lalaki ka? ha?! "
"hindi naman sa ganun.. mahal din kita pero hanggang kaibigan lang"
"yung nga masakit eh.. kung sino pa ang pinaka malapit kong kaibigan siya pa yung hindi kayang mahalin ako.."
"mahal ko si angela."
"alam ko.. kaya iiwas nalang ako.."
"wag naman Danico.. pls."
"kung mahal mo ko.. bilang kaibigan. hayaan mo na ako"
pagkatapos ng paguusap namin ay tuluyan ko nang hindi siya kinausap. lumipat ako ng College hanggang sa tuluyan na kaming walang komunikasyon.
...
first story! una palang yan. don't worry it will get better:) sana makarelate sa mga susunod na stories