Experience Love 2: Pangarap lang kita

1310 Words
Ang sabi nila, Dreams Do Come True. Well, if  you strive and work hard definitely you will achive what you dreamed of. Perokungtutungangakalang at mangangarapnalang, aba, walakangmararating!  Action is what you need not words. You have to do something for your dreams to be possible. Yoi have to strive and work hard if needed.  kung pangarap na makapagtapos sa pagaaral at umunlad sa buhay ay madali lang ang solusyon diyan, magsumikap ka! well, syempre hindi ganun kadali yun kasi sigurado you will encounter challenges but if your mind is set to your goal, sigurado magiging successful ka. pero kung tao ang pinapangarap mo? diba ang hirap isipin kung ano ang gagawin mo? Kung sasabihin mo sakanya there is a possibility na ma-reject ka. Kung kikimkimin mo naman sa sarili mo, walang mararating yan. hanggang pangarap nalang. Isa lang naman ang dream ko eh,   ang maging kami ni adrian. isa siyang nursing student. noon hindi ko aakalain na magugutuhan ko siya, hindi ko alam pero nung kinausap niya ako kung gusto ko daw ba magdonate ng dugo, eh kahit takot ako, i said yes. parang kailan lang yun, fresh pa sa ala-ala ko.. naglalakad kami nun ng kaibigan ko sa nursing building kase papunta kami ng clinic. bigla na lang humarang sa daan namin ng friend ko si adrian. "hi :) baka interesado ka magdonate ng dugo?" tanong niya sakin habang naka-smile he looks very handsome sa white uniform niya.. ang linis tignan. lalo siyang gumagwapo :) i didn't even hesitate, i said yes. kahit hindi ko alam kung kaya ko kase medyo takot ako sa dugo. i feel very weak kapag nakakakita ako noon. adrian assisted me to the one of the bed that was set up inside the clinic for the donors. he checked my blood pressure and ask me few questions. troughout the process nakatitig lang ako sakanya. ang gwapo niya kahit sa anong angle. the way touch me is so gentle, like i was a fragile flower. pinahiga niya ako sa bed then he said na he's going to start na. nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang needle na gagamitin niya. i think he saw me looking like a tarsier kaso he smiled and said "don't worry. i will be gentle." natunaw nanaman ang buong kasipan ko ng sabihin niya iyon. lumutang naman ako sa alapaap. namalayan ko nalang na nakasaksak na pala sakin yung needle at kasalukuyang dumadaloy ang dugo ko. i saw my blood. it was very crimson. thick. i cam feel my blood flowing out of my body. i'm very sure namumutla ako. "ayos ka lang?" adrian asked me. "hmm, medyo takot ako sa dugo." "wag mo tignan. just relax and breathe normaly. imagine things that make you happy" may tumawag sakanya. nabura bigla ang smile ko sa mukha. which he saw. "babalik ako :) " he assured me by pressing my hand. Nahawakan ko lang naman kamay niya:))) kung alam lang niya siya ang nakakapagpasaya sakin. kahit umupo lang siya sa tabi ko, ayos na ako! he's not a lier. he came back with a Bread and Milk. may kasama pang boiled egg. inilagay niya sa side ko yung mga pagkain. he sat on a small chair beside my bed. swerte ko naman inaasikaso ako ng crush ko:) "natatakot ka pa ba?" he asked "medyo.. i can feel my blood flowing eh." he hold my hand again.. "ang lamig naman ng kamay mo." he's warm touch gives comfort to my cold hands. my mind suddenly relaxed, i can feel peace and serenity. nawala lahat ng kaba at takot na gumugulo sa akin. "malapit na tayo matapos. konti na lang" kung pwede lang na di na matapos. ayos lang kahit maubos dugo ko basta kasama kita. pagkatapos ng pagkuha niya ng dugo pinagpahinga muna niya ako. 10 mins daw. ibinigay niya sa head nurse yung bag ng dugo ko. bumalik siya sakin at may pinapirma. akala ko aalis na siya pero sat on his chair. "acee, ano nga palang course mo?" tanong niya sakin. "masscom po:) " "anong year mo na?" "second year po" "sus, 3rd year palang ako. no need for Po :)" "osige adrian:) " "may boyfriend ka?" this is the only question that he asked that made my heart skip a beat. "wala eh.." "sa cute mong yan?" "walang nagkakamaling manligaw hahaha" "siguro bulag sila." edi bulag ka? di mo ko nililigawan eh. "siguro nga.. e ikaw may gf ka?" "wala din. kakabreak lang namin eh." "ganun ba.." the bell rang. "ay sige adrian, una na ako. salamat pala :)" "salamat din sa pagdonate:) " "hoy! nagdadaydream ka nanaman acee!" sigaw bigla ni shine sakin. "makasigaw to! panira ka eh!" "uwian na po!" naglakad na kami papunta sa gate. pero bago kami umuwi dumaan muna kami sa isang tea house. we ordered our usual orders. i opened my laptop and studied my project. it's a short video containing a love story. out of the blue pumasok si adrian kasama ang mga kaibigan niya. shit. he smiled at me.. that smile. "ayiieee! kinikilig nanaman po siya!" sabay kurot sa tagiliran ko ni shine. "shut up your dirty mouth! baka marinig ka niya" after nila bumili ay lumabas na sila at bumalik sa school. pagkatapos namin maubos order namin ay umuwi na din kami. ... pagdating ko sa drom ay humiga na ako sa aking kama.. haay, mahal ko na nga ata si adrian. di na ito simpleng crush lang. "acee! may bisita ka!" sigaw ng caretaker namin sa dorm .bumaba agad ako. sino naman kaya ang bibisita sakin ng ganitong oras ng gabi. "sino daw po te?" "adrian daw." ADRIAN?! tama a narinig ko? pagbukas ko ng pinto si adrian my loves nga. "a-adrian? bakit?" "hmm, isosoli ko lang itong planner mo. naiwan mo nun sa clinic. ngayon lang kasi ako nagkatime buksan yan para makita kung taga saan ka. malapit ka lang pala sa dorm ko, diyan sa kabila." alam ko. alam ko san ka nakatira. stalker mo kaya ako hahaha! "s-salamat." "may nabasa ako:) " shit! hindi kaya.. "crush mo pala ako ha?" he asked while smiling like a dog. "ahh.. ehh.. medyo" i said while blushing and rubbing my batok. "tara date tayo." "huh? date.. ganitong oras?" "oo. wala naman pasok bukas at may night market sa session road. tara na :) " siyempre hindi ko tatanggihan ang alok ng aking crush. hindi na ako nagpatumpiktumpik pa at karakaraka akong nagbihis! jusko po salamat! ... kumain kami ng iba't ibang streetfoods. calamares. isaw. betamax. fishball. kikiam. kwek-kwek. kahit ganyan lang kasimplea ng kinain namin, napakasaya ko pa din. sobra. pakiramdam ko nga panaginip lang eh. kung panaginip lang, sana di na ako magising. inakbayan niya ako habang nilalakad namin ang kahabaan ng session road hanggang sa burnham park. malamig ang hangin. puno ng lanterns ang burnham kapag gabi. ang ganda nito. napaka-romantic. umupo kami sa isang bench. "ibibili kita ng cotton candy acee :) " i just gave him a warm smile. pagbalik niya binigay niya yung cotton candy sakin. habang kinakain ko yung cotton candy nakatitig lang siya sakin. "ayaw mo ng cotton candy?" "mas matamis ka eh :) " napa-smile lang ako. pinipigilan ko kilig ko eh hihihi! "sus.. bakit mo nga pala ako niyaya dito?" "wala lang. masama ba?" "hindi naman." "single ka naman diba?" "oo.." "crush mo ako diba?" ano ba yan.. "oo.. ulit-ulit na yan ha? hahaha" "edi tayo na! Bf mo na ako at Bf na din kita! :) " ano daw?! anong tumatakbo sa isip ng lalaking ito? "shabu pa adrian.. shabu pa" "hahahaha! seryoso ako acee!" "weh?! walang ligaw ligaw?" "wag na.. sasagutin mo din naman ak eh." kung totoo man ito... AKO NA ANG PINAKA-MASAYA! "o tara, lakad pa tayo babe :) " sabi ni adriane. Babe? :') ang saya ko naman. dati-rati ay pinapantasya ko lang siya. ngayon, kami na. mahal ko siya sobra. sana mahal din niya talaga ako. naglakad-lakad pa kami sa park. ibinili niya ako ng mga kung ano anong bagay. para hindi ko daw siya makalimutan.. "makalimutan?" "para pag-gising mo naaalala mo pa ako" "acee! acee! gising na! kakain na tayo ng dinner!" sigaw sakin ni louise. putang ina, panaginip lang yun? naiyak ako. ano to nilalaro ako ni cupido?! nanlambot ako. pakiramdam ko may nawala sakin. ang sakit. ramdam ko na totoo ang lahat eh? akala ko pa naman mapatotohanan ko na yung 'Dreams do come true' akala ko sasaya na ako. hanggang pangarap na lang ba talaga si adrian? hindi ko na ba talaga siya maabot? umiyak lang ako ng umiyak. isa lang palang panaginip ang magandang nangyari. lumabas ako ng dorm at umupo sa harapan. "bakit ka umiiyak acee?" tanong sakin ni Adrian. panaginip na naman ba ito? ... 2nd story! Hope you enjoyed it. nakarelate ba? Comment na! :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD