"GO PAOLO! SURE NA SHOOT YAN!" sigaw ko habang pinapanood maglaro ang boyfriend ko na basketball player.
"kung makasigaw ka naman jace parang mapapatid na yung litid mo sa leeg! hahahaha!" kantyaw ng kaibigan ko.
"syempre, BF ko ba naman yung naglalaro! dapat supportive!"
ako nga pala si Jace. kabilang sa LGBT. Ako yung G dun, Gay. so what? atleast may nagmamahal sakin.
sabi nga nila ang swerte ko daw kase madalang lang magkasyota ang isang baklang tulad ko ng isang Basketbolista. well, di naman ako yung baklang lantaran haha. no offense. i love gays.
BF ko si paolo. 4 months na kami. pero kung bibilangin pati yung landian stage 7 months na kaming magkasama.
mahal ko siya. mahal na mahal. first boyfriend eh. Maraming nagsasabi na kapag first BF or GF madalas binibigay natin lahat. pero ako hindi ko pa binigay ang 'lahat'. alam niyo na yun. i believe in marriage eh.. even i'm a third s*x i still believe in monogamy. akala kasi nila porke bakla eh s*x lang ang gusto at kapag nakuha na lipat na nanaman sa iba. well hindi lahat ganun. Stop Stereotyping gays. mas marami pa din ang seryoso. ang nagmamahal ng tapat.
pero ang mga lalake kaya naniniwala pa ba? sana.
Paolo is Bisexual. sabi nga niya sakin ang pag-ibig niya sakin ay parang maliit na Seed. it started really small but as time goes by it grew really big and became a steady, firm and strong tree.
ang kinakatakot ko baka maraming 'ibon' ang dumapo sa puno at tukain ang kung ano man ang pwede nilang matuka. hind naman pwedeng habang buhay ay bantayan ko ang puno at itaboy ang mga ibong tutuka dito.
habang tumatagal ang realsyon namin sa tingin ko lalong dumarami ang mga ibong umaaligid sa puno ko.
pero dahil pareho kaming nagmamahalan sa tingin ko naman tatagal pa kami.. sana.
Champion sina paolo sa Liga ng basketball.
nandito kami ngayon sa bahay nila upang magcelebrate. madaming taong invited syempre.
...
break. wala yung prof namin. papunta kami ngayon ni Dina sa foodcourt ng school upang kumain..
"jace, di ba si paolo yun?"
"asaan?"
"ayun oh... wait. jace parang may kasamang girl."
nanlamig ang buo kong katawan sa nakita ko. nakaupo ang babae sa lap ni pao...
"hayaan nalang natin siya.. balik nako sa room. wala na ako gana"
"wala ka bang gagawin jace?"
"hindi ko alam dina.. hindi ko alam." tuluyan na akong napaiyak habang naglalakad ako papunta sa labas ng school. isa lang ang alam kong lugar para mailabas ko ito. sa tambayan namin.
"jace tama na. tignan mo oh tinitignan ka na ng mga tao"
"a-ano pakealam ko sakanila-a?! h-hindi naman nila naiintindihan tong nararamdaman ko!"
pagdating namin sa tambayan sinalubong ako ni tita
"oh napano ka jace?"
niyakap ko lang si tita habang umiiyak ako. masakit eh. sobra.
"ang sakit tits.. ang sakit."
pinaupo nila ako sa upuan sa bandang dulo ng tindahan. inilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa pagiyak.
makalipas ang ilang minuto tumahan nako.
pagod nako.
nakakasawa.
"jace, hijo, ano ba nangyare?" tanong ni tita.. tita ang tawag namin sakanya kasi since 1st year college kami sakanya na kami nakatambay. nakagaanan na namin siya ng loob.
shit. may iba palang nandito. yung tatlong basketball players ng ibang course. tangina nakakahiya.
"satin nalang muna to ha tita?"
"oo naman."
"si paolo po.. may nakakandong na babae sakanya.. tita ang saya nila.. sobra.. at ang sakit tits.." naiyak nanaman ako pero pinigilan ko na.
"tsk. gagong yun. haayan mo na sia hijo. marami pa diyan" napalingon naman yung tatlong lalake samin.
natawa ako
"o baliw ka? tumatawa ka naman ngayon?!" sabi ni tita
"wala lang.. alam mo talaga pagaanin loob ko."
"sus. hayaan mo na yung gagung yun jace. dati pa namin sinasabi sayo na maraming babae yun eh ayaw mo lang mainiwala.. jace wag ka magalit sa sasabihin ko, bigyan mo naman ng konting pagmamahal ang sarili mo. ibinig mo lahat kay pao eh."
napayakap ako kay tita.
tama nga si tita. nagbubulag bulagan ako at nagbibingibingian ako sa mga sinasabi nila.
haay.
"tama ka tita. alam ko naman makakalimot din ako."
"ayan nagmamahal kasi sa basketball payer pa. o isa pang basketball player ulit!"
hahaha! tita talaga di nagiingat.
"tumatawa ka?!"
"hahaha! tita tingin ka sa likod mo"
paglingon ni tita nakatitig sakanya yung tatlong lalake. players kaya ng ibang course yan. lagot ka tita!
tawanan kami ni tita at nung mga lalake. gwapo nung isa ah, ang tangkad pa.
"ay oo nga pala, eto si justine nalang jace! mabait to!" pakilala ni tita sakin yung gwapong matangkad.
"tita talaga."
"mabait tong si justine. diba?"
tawanan naman yung dalawang kasama niya.
...
lumipas ang ilang linggo since naghiwalay kami ni paolo. sabi niya au magbabago na siya.. hindi ako tanga kaya hindi ko na pinagbigyan.
break ko ngayon at nasa tindahan akoni tita nagkekwentuhan kasama sina justine at yung kaibigan niyang si nikko.
"nako tita ayoko na po sa basketball player."
"bakit naman?" tanong ni tita.
sinigurado ko munang di nadidinig nila justine bago ko sinabi ito
"yang mga basketball palyers kasi natural na manlalaro, mangaagaw at gagawin ang lahat makatira lang!"
hagalpakan kami ni tita. tawa lang kami ng tawa.
"hindi naman lahat.." biglang singit ni justine.
natahimik ako. ngayon lang kasi nagseryoso kausap si justine eh.
"weh?!!" biglang sabi ni tita sabay tawa.
"oo naman t**s haha. ako! itong si nikko babaero to! hahaha"
ang gwapo niya pag tumatawa >.<
"at bakit nasali ako diyan?!!"
tawanan naman kami lahat.
nagpaalam na si nikko dahil may pasok pa daw siya. si tita naman mamalengke kaya yung anak niya ang nagbabantay sa tindahan.
kami nalang ni justine ang naiwan.
tahimik.
akward.
"ahm. ayos ka na ba?" biglang taong ni justine o.O
"huh?"
"Ang sabi ko, ayos ka na ba after niyo magbreak nung paolo?"
"ahhh.. oo naman hmm. bakit mo naman natanong?"
"wala lang.. magkaibigan naman tayo diba?"
soon magsyota na please hahhahaha!
napa-smile ako because of that thought.
"oo naman. magkaibigan tayo."
"alam mo hindi lahat ng basketball player ganun.."
"ano yung sinabi ko kanina kay tita?"
"oo."
"biro lang yun.. pero masisisi mo ba ako sa ginawa ni paolo?"
"tss. gago naman kasi yun. wag mo na siya isipin. hayaan mo ako hindi ganon-" napatigil siya sa sinasabi niya at namula "magiging mabait akong kaibigan"
ayoko mang magisip ng malisya pero... nako. kinilig naman ako dun hahaha. wala akong karapatang kiligin. friends lang kami.
"uy. natahimik ka?" tanong ni justine. natulala ata ako.
"ah? wala. may iniisip lang."
"akala ko na-offend ka."
"bakit naman?"
"wala.. lang."
natahimik kami.. nagkatitigan..
di ko mapigilang mapasmile.
ang gwapo niya.
sino nga ulit si paolo? hahahaha!
"may sasabihin ako jace" sinabi niya habang nakatitig pa din sakin
"ano naman?"
huminga muna siya ng malalim. parang nagiisip. para siyang kinakabahan.
"ahhm.. alam ko kakabreak niyo lang ni pao. pero.. ang gaan ng loob ko sayo.. simula nung una ka magtambay dito di ko na mapigilang mapatitig sayo.."
nagulat ako sa mga sinabi ni justine.. hindi ko alam kung ano sasabihin ko.
"pwede ba akong manligaw jace?"
...
June 28, 2013 pala ngayon.
akalain mo yun ang bilis ng panahon? 3rd year college na ako! Corporate Uniform na ako:)
pagpasok ko ng school ay halos pinagtitinginan ako ng mga tao.
anong meron?
masyado ba akong gwapo sa uniform ko? o akala nila ay nagbebenta ako Encyclopedia? or akala nila Prof ako? wag naman :( hahahaha!
habang chinecheck ni kuya guard yung bag ko napansin ko na may 5 varsity players ng basketball sa facade ng school. may game ba ngayon?
may hawak na bulaklak at aso.
swerte ng mga gf! hahaha
paglapit ko ay biglang inabot sakin ng varsity players.
"hala. kuya para kanino to?"
"sayo :) "
binuhat ko yung aso.. may letter sa flower.
'Go straight to your room'
malamang, alangan namang dumiretso ako sa parking lot.
"kanino galing?" tanong ko sa mga gago. umiling lang sila at sinundan ako
di pa ako nakakalayo sa facade ay may nakita nanaman akong varsity players. 5 nanaman sila.
may hawak na tarpoulin. may nakasulat na
'i love you jace!'
tapos isa isa nilang binigay sakin yung mga bulaklak. binigyan din nila ako ng basket para paglagyan ko. binuhat nung isa yung aso at binuhat naman nila yung mga bulaklak at yung tarpoulin.
"susundan niyo talaga ako?" inis kong tanong.
alam ko na sino may gawa nito.
naglakad na ako habang nakasunod tong mga players sakin. mukha tuloy akong coach :( 10 na sila eh
nang pagpanhik ko sa 2nd floor meron nanamang 5 varsity players.
malalaking box naman ng chocolates ang binigay sakin.
15 na silang nakasunod! jusko po. agaw atensyon sila. ang sama na tuloy ng tingin sakin ng mga babae at bakla.
ikaw ba namang sundan ng mga varsity platers?! nanganganib na ang buhay ko :(
pagdating namin sa 3rd floor meron nanamang players. 12 na sila. parang gang na naghihintay.
habang naglalakad ako papuntang room nay 27 na varsity players ang nakasunod sakin. lahat ng tao sakin nakatingin, pati mga prof.
pagdating ko sa tapat ng room ko nasa labas lahat ng mga kaklase ko..
"ano hinihintay niyo diyan?" malumanay komg tanong.
nakasmile lang sila sakin. yung mga kaibigan ko naman parang baliw, nakasmile pero umiiyak.
pagapasok ko nakita ako na ang mastermind.
nakatayo siya sa flatform.
naka Basketball Uniform din at nakasmile na nakakagago.
siya na ang pang-28 kong varsity player na nakita ngayong araw.
"ang korny mo! hahaha" sabi ko sakanya.
"ulul! kinilig ka naman?! ahaha!"
"medyo!"
"Happy Anniversary Jace. i love you!" sabay hug sakin.
"Happy Anniversary din Justine! Mas Malaking I love you!" hinalikan ko siya sa lips.
lahat ng tao sa labas ay hiyawan. may live show eh! hahaha
"asan gift ko?!"
inilapit ko labi ko sa tenga niya..
"mamaya na..
paguwi natin sa apartment mo"
napatayo naman ng diretso ang gago.
"ngayon na! tara na! wag ka na pumasok sa mga subject mo!" hinhila niya ako papunta sa pinto.
binatukan ko nga kahit mas matangkad sakin.
"ano nanaman yang iniisip mo remy justine?!"
"alam mo na hahahaha!" sabay himas sa parte na binatukan ko.
niyakap ko siya at hinalikan sa lips. smack lang. baka ma-PDA na kami.
Di lahat ng Basketball players ay Mangaagaw, mambobola, at manlalaro. marami din palang seryoso. pero di ko pa sure kung totoo ba yung gagawin nila ang lahat makatira lang! hahaha
"mahal na mahal kita gago ka. wag mo na ako iwan ha?" sabi ko sakanya
"oo naman. kahit araw araw mo akong tsansingan haha!"
"seryoso ako eh!"
"biro lang.. hindi kita iiwan.. iiwan ko ang Basketball pero ikaw hindi!"
napaluha ako sa sinabi niya. ang saya ko. sobra. Thank you Papa Jesus!
...
3rd story! so far ito ang pinakagusto ko:)
nakarelate ba? comment na! :)