Hindi ako the best. Di ako perfect. Di rin ako puro. Di ako katulad nang iba na kung titignan mo eh 'Well Polished' kumbaga. Halos perpekto na sa paningin nang tao, yung bang tipong kapag dumaan eh sila yung nagagawaran ng pagkakataong malingunan. Maraming taong ganyan eh, yung napakasarap titigan dahil ang linis nila tignana, ang ganda nang kutis, ang ganda ng buhok at higit sa lahat ang gaganda nang ngipin! Walang bulok na bagang o di mo makikitaan ng sungki. Oi, maganda din naman ngipin ko ah?! Pero di perpekto.
Di kasi tulad nang iba na masipag. Yung mga grades na walang ba-baba nang 95, ang sisipag kasing magsipag-aral kaya ayan nakakakuha nang mataas na marka. Ako kahit anong pilit ang gawin ko eh hindi ko mapaabot ng 85 man lang ang grade ko! Nanadya ata ang mga teachers eh?!
Di rin ako katulad ng iba na kutis ay singkinis ng singkamas. Ang puti at ang smooth. Parang binabad sa gatas at pinatutulog nang nakababad sa lotion. Grabe ang ganda ng kutis eh.
Di din ako katulad ng iba na ang buhok ay shiny, malambot at mabango na halos perfect sa maganda nilang balat at mukha! Pwede pa ako dun sa mabango. Pero yung iba di na siguro ako qualified dun.
Di din ako tulad ng iba na kung i-describe nila eh 'Baby Face' yung tipong di mahuhulatang 17 na. Fourth year na pero mukha pading grade 6 (OA) yung tipong ganunan.
At higit sa lahat ay di ako tulad ng iba na Slim at di kahit kumain pa nang dalawang kilo nang kanin at buong crispy pata eh di mo makikitaan ng pagakabundat ang tiyan. Yung hindi ba tabain, yung may shape. Yung masasabing Sexy.
Sila yung madalas nating mabasa sa libro o maging sa w*****d. Mga almost perfect na characters. Sila yung mga Taong akala mo eh Greek God o Hollywood stars. Okaya naman yung nga datingan nila eh mga anak nang mayayaman na pulitiko. Mga pulido at kalkulado ang galaw, kilos at pananalita. Maging ang Appearance nila ay maintained. Sila ang basehan ng ganda o kagwapuhan.
Pero alam ko sarili ko na they don't exist. Di sila totoo. Dahil kahit na sinong tao na gawa nang diyos ay hindi kailanman magiging perpekto. Hindi lahat nang tao ay maputi at makinis. Merong iba na may tigyawat at open pores. Merong ibang tao na tabain, na kahit di gaano kumain eh di masyadong pumapayat. Merong taong di shiny, straight and smooth ang buhok. May natural na kulot o yung nabiyayaan ng afro. At higit sa lahat ay hindi lahat ng Tao ay 'gustuhin' yung bang maraming nagkaka-crush, yung iba nahihirapan magkasyota. Pero hindi ibig sabihin nun eh PANGIT na sila, kami. Kasi Tao lang naman kami.
Totoong Tao.
...
"Nicky nabalitaan mo na yung away sa 3rd section?!" Buladas bigla nang kaibigan kong pinaglihi sa chismis. Sabi niya tomboy siya pero ang hilig sa chismis!
"Di eh." Tinatamad ko namang sagot.
"Aysus. Ang galing sapakan nung dalawa, nang dahil sa babae eh ayun, nagkataluhan!" So lalake siguro mga yun? Kasi di naman siguro magsasapakan yung babae diba?
Binigyan ko lang siya ng wala-akong-pakealam look, kumbaga sa english eh Whatever (ata). Eh bulabugin ba naman ang pananahimik ko dito sa classroom. Minsan ko mgalang masolo itong Aircon at walang masyadong maingay eh sisirain pa niya!
"Nyeta. Wala ka talagang kwentang kausap!"
Isang humble na pakyu lang ang iginawad ko at muling nagconcentrate sa pagrelax. Kadalang lang ng ganitong katahimikan sa classroom eh di ko pa ba susulitin?! Dito kasi sa last section eh hindi uso ang pagiging desente, mga balahura halos mga kaklase namin diti dahil nga 70% ng population ay Boys. Ang natitirang 10% ay tomboy (tulad ni Clarita) at ang 20% naman ay mga girls. Saya diba.
At kung di niyo naman naitatanong eh ako lang naman ang nagiisang pogay dito. Pero hindi ibig sabihin niyan eh nabubully ako, since first year highschool eh last section ako lagi at sa tingin niyo ba eh tatagal akong hanggang 4th year kung nabubully ako diba? isip naman tsong. Isa ata to sa mga-
"Oy Nicholas!" Gambala ng isang grupo ng mga tambay sa kanto. Grupo nila Anjo, laking tao yan. Atapang a tao. Maangas kumabaga. Marami na nga yabg nabugbug eh?! At sa awa naman ng diyos eh di pa ako napagtripan!
"Bakit Anjo?!" Mas mayabang ko na tugon.
"Aba bata, di ka na ata natatakot sakin?!" Lumapit siya sakin. Tumayo ako at nikapagtitigan sakanya. Mata sa mata.
Walang imikan. Walang nagsasalita. Lima laban sa Isa.
"HAHAHAHAHAHA! Tangina mo Nicky, ikaw lang ang baklang di namin matinag!" Sabi nila. Nakisabayan naman ako sa tawanan nila.
"At kayo lang din ang kilala kong pumapasok ng di nagtotoothbrush!" Biro ko na sinabayan naman nila ako sa isang malawakang tawanan.
...
Grabe, ang saya naman tignan ng mga magsyota sa Canteen. Medyo nakakabitter, Oo, pero wala eh ganyan talaga. Kapag di ka masyadong nasasagap nang radar ng mga boys eh para ka na ding hindi nage-exist. Lalo na't kabilang ako sa federasyon. Hirap magka-Love life!
Simpleng tao lang naman ako ah. Di naman ako tulad ng iba na pinipilit magpakababae pero di ko naman sinasabi na wala akong bahid ng kalambutan. Paminta, ika nga nang iba. Pero alam naman ng mga kaklase at pamilya ko ang tungkol sakin at ayong lang sakanila. Wala naman daw akong ginagawang masama eh. Atsaka bunso ako laya medyo bine-baby ako ni Mama. Pero ayos na din yun atleast di ko na kailangan pang magtago ang aking tunay na kulay duba?!
"Kailan kaya ako magkakasyota?" Tanong ko na habang lutang isip ko.
"Asa ka pa." Sagot naman ni Clarita.
"Bwisit. Porke may nabulag kang babae hah Clarita?!"
"Naknang, Sabing wag mo ako tawagin niyan eh?!"
"Arte. Ano gusto mo, Carlo?!"
"Gagu. Sabi ko namang Clari?!!"
"Bahala ka sa buhay mo. Maiba ako, san mo ba nakilala yang babaeng katxt mo?"
"Kay Aling Lena." simpleng sagot niya habang ngumunguya ng gulaman.
"Aba! Bakit ako di niya pinaghahanao!?"
"Panget ka kasi."
Pinakyu ko nga. Inirapan niya lang bilang sagot. Bwisit na tibong to. Kairita. Maarte pa sakin.
So yun nga lumipas ang nagahapon sa nakakainip naming Higschool Life. Huling taon nadin naman namin to eh kaya hayaan na. Sa College medyo chill na ang oras ng pagpasok, di na 7:30am! Yes! Rak na ituuu. Kaya dapat makagraduate ako!
Pagkadismiss namin ay diretso kami sa tindahan s***h computer shop ni Aling Lena, doon ang kuta namin eh. Tropa chill lang, biyernes ngayon. At habang nakupo at ngumangata nang Piatos eh tinawag ako ni Aling Lena.
"Mareng Lena anong atin?!" Pasigaw kong tanong.
"Tarantadong bata to ah?!" Sabay kurot ng tenga ko. "Seryoso ako!"
"Ano ba yun?"
"Nicky may naghihingi nang number mo!"
Wow. Bago yun ah. Sigurado ako pinagtitripan lang ako nang kung sino mang gago ang kumukuha nang number ko.
"Talaga?" Tanong ko na bakas sa mukha ang buong pusong pagdududa.
"Gago! Mukha ba akong nagbibiro?!"
"Eh sino ba yan Aling Lena?!"
"Sa College Department niyo siya. PJ ang pangalan."
Wow sabaw! Lalake?! Aba.
"Weh?!"
Isang malakas na konyat ang inabot ko.
"Aling Lena naman eh! Lalo akong mabo-bobo niyan eh!"
"Leshe ka kase Nicky eh. Itetext ka niya hintayin mo lang."
"Aling Lena?! Binigay mo na?!"
Humithit siya sa yosi niya at bumuga. Lakas maka-Bugaw! Hahahaha!
"Oo. Wag ka maarte, di ka naman babae. Tsaka mabait yung si Pj! Di ko nga alam na Pogay yun eh?!"
Nakakastress si Aling Lena, promise. Akala ko naman nagpapaalam palang siya na ibibigay niya number ko eh yun pala ibinigay na niya. Grabe. Sabi ko na nga ba eh bugaw yang matandang yan.
...
"Hoy Bakla milagro hawak mo yang cellphone mo ah."
"Hoy Tomboy may katext ako."
"Weh?!" bastos na tomboy na to. Kala niya siya lang pwedeng may katext?!
Sa totoo niyan eh maging ako ay di makapaniwala na kinuha ni Pj ang number ko. Paul John daw pangalan niya. Akala ko nga eh pinagtitripan lang ako nito eh. Tinanong ko kasi siya kung anong pumasok sa kukote niya't hiningi niya ang number ko. Sinagot naman niya.
"Wala lang. Masama bang makipag-kaibigan?"
Siyempre ako naman itong si Firstimer na may katext eh talagang natuwa ako. Sobrang malaking milagro ang nangyari, biruin mo may kumuha nabg number ko?! Sa tingin ko nga baka dahil sa napagtripan lang talaga ako.
Ayoko na kasing mag-assume na baka may gusto sa akin si Pj dahil impossible iyon. Sabi nga ni Aling Lena eh di mo mahahalataan si Pj na Pogay. Kasi nga baka di naman siya ganun. Baka naman natalo siya sa pustahan okaya naman ay utos ito sa Frat?! Kaya hanggat maari ay ayokong umasa o patulan itong si Pj.
Lumipas ang mga araw ay di ko nirereyplyan si Pj. Madalas siya magtext para bumati ng Good morning at Good night. Naging gawain din niya yung tanungin ako kung kumain na ba ako. Oo, aaminin ko medyo nakakakilig iyong mga simpleng ganun pero pinipigilan ko ang sarili ko na kumagat o bigyan ng malisya ang mga iyon. Ang mindset ko kasi ay pinagtitripan lang ako ni Pj. Hanggang sa isang araw ay tinawagan niya ako.
"Hello P-" Ni di ko man natapos ang sasabihin ko.
"Bakit di ka nagrereply?" Walang emosyong sabi niya.
"Ah wala lang."
"Magkita tayo." Sabi niya.
"A-ano? Ayoko nga!" Baka ipabugbog na pala ako sa Frat niya okaya naman ay pagtitripan ako hanggang sa mamatay ako diba?!
"Hihintayin kita. 4pm sa tinadahan ni Aling Nena."
"Teka sahi nang ayo-"
Bastos talaga tong lalaking to ah?! nakakaasar. Sabing ayoko nga eh. Kinakabahan na tuloy ako. Di ko talaga alam kung anong mangyayari kapag sinipot ko siya. Di ko alam baka huling kita nalang nila sa akin to nang buhay.
Magahapon akong lutang at parang baliw na nag-iisip nang mga kabaliwan at posibilidad na masamang mangyari sakin. Andiyan na yung itotorture ako. Hazing. Tatanggalan ng kuko okaya naman ay babalatan or worse, Gang r**e! Dejoke di manyayari yung panghuli. Di naman ako kasarapan eh. Asa pa ako.
Nang tumunog ang bell na naghuhudyat ng kamatayan ko ay excited na nasilabasan ang mga kaklase ko. Thursday ngayon ag bukas ay holiday. Sa pagkakatanda ko eh ako ang huling lumabas ng room nagdasal muna kasi ako doon sa munting altaran namin sa room. Normal na kasi iyong may altaran sa room kapag highscool diba? Matapos kong maglitanya ay tumungo na ako sa tindahan ni Mareng Lena. Nagtxt na din kasi si Pj na naghihintay na daw siya doon, siyempre ayoko nang patagalin pa yung paghihintay niya at baka lalong lumala pa ang magiging sintensya ko diba?!
Pagdating ko doon ay nakahinga ako nang malalim dahil walang kahina-hinalang tao doon sa may tindahan. Pero! Di ko lang alam kung sino ang nasa comp shop. Nyeta.
Pinalapit ako ni Aling Lena at binulungan.
"Andiyan si Pj sa comp shop. Chance mo na yan para makita mo siya!"
"Aling Lena actually magkikita kami ngayon."
Nakalimutang ni Aling Lena na di na siya teenager dahil tumili siya naka kala mo navirginan! Sakit sa tenga ukimna!
"Teka lang at tatawag- EEEEYYY! Ayan na siya Nicky." Alam mo yung tunog ng gulong na nagpepreno? Yun yung tunog ni Aling Lena. Kairita.
Huminga muna ako nang malalim bago ako mabagal na humarap.
"Pj?"
"Nicky?"
Sabay naming sabi. Natualal naman ako sakanya nang ngumiti siya pagkatapos ko tumanga. Grabe. Expect ko panget to kaya pinagtiyagaan ako. Matangkad. Pinoy ang kutis at napaka manly ng mukha.
Dalawang bagay ang naramdaman ko. Una ay pagkagulat dahil may ganitong lalake ang nagabalang kunin ang number ko at pangalawa ay lungkot dahil lumaki ang posibilidad na pinagtitripan lang ako nito.
"Paul John nga pala." Mabagal ko namang tinignan ang kamay niya na nagaalok ng kasal este shake hands.
"Nicholas pero Nicky nalang."
Niyaya niya ako na pumunta sa isang malapit ng Moonleaf sa school. Sayang nga daw at di niya nadala ang kotse niya para daw makalayo kami ng konti. Habang naglalakad naman kami ay tahimik lang ako. Di ko parin kasi mapaniwala ang sarili ko na kasama ko si Pj ngayon. Di naman siya yung tipo ng lalaking heartrob. Yung bang pinagkakaguluhan ng mga chikabebes. Pero siya naman yung tipo nang guy na ang s*x-appeal ay nakakabuntis ng girls! Nyeta this.
"Anong gusto mo?"
"Milk Tea nalang." Sagot ko naman.
Nagusap kami tungkol sa mga buhay buhay namin. Nawala naman agad ang kaba ko at yung mga naiisip ko na kabrutalan o p*****n eh nawala dahil ang gaan niya kausap. Di nakaka-conscious dahil ang humble niya. Pero andoon padin yung intimidation ko over sakanya.
Sa madaling salita ay nag-get to know each other kami. Nalaman ko din na kakabreak lang nila ng GIRLFRIEND niya. Tinanong niya din ako kung bakit di ko siya nirereplyan, dahil Idol ko si Honesto ay sinabi ko ang totoo.
"Baka kasi pinagtitripan mo lang ako."
Natawa siya.
"Aw. Bakit ko naman gagawin yun?"
"Wala lang. Baka kasi may nagpagawa nun okaya dare."
Lalong natawa ang timawa. Loko to. Seryoso niyan ako ah?!
"Yan yung nagustuhan ko sayo eh. Ang sarap mo kausap o pakingan kapag nakikipag-usap. Nakakagaan."
"Di ko gets!?"
"Kapag kasi nagdoDoTa kami eh naririnig ko kayo ng mga kaibigan mo na nagkekwentuhan sa tindahan. Ang ingay niyo kasi tumawa kaya naagaw ang pansin ko. Nangingiti nga ako kapag inaasar mo yung tomboy eh."
"Ah. Stalker ka."
"Aw. Solid?! Di naman! Hahaha!"
Aminin ko lang ah, sarap sa tenga ng tawa niya. Nakakahigh. Nakakalibog. Honesto!
"Oh ano, siguro naman rereplyan mo na ako kapag nagtext ako eh?"
"Oo na."
Nagyaya na siyang umuwi dahil magdidilim na. Inihatid na niya ako sa sakayan ng tricycle. Pero bago ako makasakay ay may sinabi siya.
"Seryoso ako sayo, Nicky. Yan ang paniwalaan mo
...
Naging mailap pa din ako sakanya sa kabila nang mga sinabi kiya sa akin. Pinipilit ko padin na pigilan ang sarili ko na tuluyang mahulog sakanya dahil takot akong masaktan. Ayoko na umasa. Tinuruan ko ang sarili ko na wag na mag-assume dahil masasaktan lang ako.
Tinanggap ko na sa sarili ko na di ako yung katulad ng iba na makakahanap ng boyfriend. Ayos lang naman sakin eh as long as di ako nasasaktan. Kaya hanggat walang malinaw na sinasabi si Pj eh hindi ko hahayaan ang sarili ko na mapamahal sakanya.
Akala ko kaya ko. Pero nang isang gabi ay bigla akong dinalaw ni Pj sa bahay namin. Lasing siya. Buti nalang at wala sina Mama at Papa nang gabing yun.
"N-Nicky bakit di mo ako sinasagot huh?"
"Pj umuwi ka na. Lasing ka eh."
"H-hindi ako uuwi h-hanggat di mo ako sinasagot!"
Nung isang araw may sinabi siya na di ko ineexpect. Bagay na nagpagulat sakin. Isang bagay na talaga namang di ko alam paano haharapin.
"Ano gusto mo din ba ako?" Muli niyang sabi. Pero di na masyadong bakas ang kalasingan niya. Parang naiiyak nga eh.
"Pj di ko alam."
Di ko na din napigilang ang maiyak. Nahihirapan kasi ako kung paano ko to sasagutin.
Tumayo siya at tumungo sa gate. Pero bago siya tuluyang umalis ay ninalingan niya ako.
"Bukas. Sa rooftop ng building niyo. Magkita tayo. Hihintayin kita at doon mo ibigay ang sagot mo." At tuluyang umalis na siya.
Buong gabi ay umiyak ako. Kasabay nito ang pagiisip kung ano nga ba ang dapat kong isagot. Oa na, oo, pero gusto ko lang maging safe ang puso ko. Masisisi mo ba ako? Dahil kung saan angulo mo man tignan kapag nagkamali ako nang desisyon ay ako ang magmumukhang talo.
Sa gitna nang pag-iisip ko ay may parang bumulo sa isip ko.
"Hindi ba hinihintay mo lang ay sabihin ni Pj kung ano ka talaga sakanya? Nicky, ayan na oh. Sinabihan ka na niya na mahal ka niya. Ano pang kinakatakot mo?"
Bago ako matulog ay nakapag-pasya na ako. Alam ko na ang sasabihin ko kay Pj.
...
Sa buong maghapon ay isa lang ang narecieve ko na text mula kay Pj. Sinabi lang niya kung anong oras niya ako pinapunta doon. Bukod doo ay wala na akong narecieve na kahit ano pa man sakanya.
At sa buong maghapon din ay lutang ang isipan ko. Tuliro. Parang wala sa katawang lupa ko ang kaluluwa ko. Kaya nang dumating ang tamang oras ay kaagad akong tumungo sa usapan namin.
Huminga ako nang malalim at inumpisahan ko nang ang pagakyat ko sa hagdan papunta sa rooftop. Habang papalapit ako nang papalapit sa pinakataas ay parang bumibigat ang mga yabag ko. Parang may pumipigil sa akin.
Bago ako lumabas sa pintuan ng rooftop ay huminga muna ako nang malalim. Binuksan ko ang pinto at ngumiti.
Ngunit paglabas ko nang pinto ay unti-unting nawala ang guhit ng ngiti sa mga labi ko. Napatakip ako nang bibig nang di ako makapaniwala sa aking nakita. Isang surpresa na di ko kailanman inisip na matatanggap ko.
Si Pj. May hinahalikang babae.