Nobody could ever find Love, It is Love that looks after us and if it finds us there's no way to escape.
Bakit?
Kasi ang pag-ibig ay hindi kailanman hinahanap. Ito'y kusang dumarating sa tao. Para sa aking ang pag-ibig ay parang ang Diyos, hindi ito nakikita at nahahawakan ngunit ramdam natin ito at pinaniniwalaan.
Tulad nga nang sabi nila, kapag hindi mo hinahanap ang isang bagay ay kusa itong magpapakita. It also applies to Love, which is true. Paano mo hahanapin ang isang na hindi mo nakikita, hindi mo alam kung sino o ano. Pero naniniwala ka pa din mahahanap mo ito hindi ba? Naniniwalang balang araw ay makikilala mo siya. Wala ka mang kasiguraduhan kung kailan at saan pero dahil sa paniniwala mo ay hindi ka nawawalan nang pag-asa. Hindi mo binibitawan ang paniniwala mo sa sinasabi nilang Destiny. Totoo naman di ba?
He's POV
"Bayad. Pasuyo" Panira nang moment eh.
Binuksan ko ang mata ko (di na kasi nahiya si kuyang nagpapaabot ng bayad eh, kitang nakapikit ako) at inabot ang bayad niya nang hindi ito nililingon. Nakakabadtrip.
"Manong, bayad DAW po." At muli akong pumikit.
Hirap kapag evening class eh, nakakaantok. Lalo na ang last subject ay parang prayer meeting. Totoo naman eh, pagpasok nang magaling naming Prof eh dire-diretso na ito sa pagsasalita na walang kung sino o ano mang makakapigil dito at mageentertain laman ng tanong kapag 5 minutes before the time na. Malang wala na magtatanong at gugustuhin nalamang naming umuwi.
"Nakantut naman oh!" Sigaw ni Manong Driver with feelings sa pagtapak ng preno. Kaya kami namang mga pasahero ay parang domino at nagsiksikan. Pero parang abuso itong si Kuyang katabi ko dahil O.A makasiksik kaya nilingon ko ito.
Wrong move.
"Aww!" "Nyeta!" Sabay naming nasabi. Pano paglingon ko eh lilingon di pala itong gagong to kaya nagkauntugan noo namin. Tinignan ko siya nang masama at lumingon muli palayo sakanya. Nakakahiya. Naghagikhikan ang mga nakasakay sa jeep, wala man lang initiative itong katabi ko para magsorry since siya naman ang may kasalanan. Sumabay ba naman sa pglingon ko?!
Mahaba-haba ang biyahe pauwi sa amin. Sa kabilang siyudad kasi ang School ko, eh yun lang ang magandang school eh kaya mo choice. Nakahawak siya sa metal handle ng jeep, amoy na amoy ko ang gamit niyang pabango or body spray. Mabango. Di nakakahilo. Mas matangkad kasi siya sa akin kaya ang braso niya ang nakakaharap ko kapag lumilingon. Ako ang nasa likod ng driver kaya medyo di pansinin ang lugar ko. Pasimple ko inamoy muli ang braso niya, grabe, ang bango. Nakakawala nang badtrip.
Tinaaman ata ako sakanya Hahaha! Nakaka-turn on kasi ang bango niya. Di man siya yung sobrang gwapo pero malakas ang appeal. Yung tipong simple lang pero nakaka-L Hahahaha!
Biglang bumukas ang mata niya nang animo'y aamuyin ko ulit ang braso niya kaya napaiwas ako nang tingin. Pansin ko namang napangisi siya. Tangina nakakahiya!
Hanggang sa makarating kami sa terminal ay di ko na siya nilingon. Halos mastiff neck ako kakaiwas ng mukha ko sakanya. Nakakahiya po! Nang nagsibabaan na ang pasahero, bilang nasa dulo ako ay huli akong makakababa... at siya. Kami.
Nauna siya at sumunod ako. Sabi ko na nga ba eh, mas matangakad siya sakin. Pwede sana siyang magmodel kaso di masuadong gwapo, buti pa ako gwapo, bansot nga lang! Hahaha! Nobody's perfect ika nga.
Nang makauwi ako sa bahay ay diretso na ako sa kwarto at plakda sa kama ko. 9pm na din eh. Di na ako maghahapunan dahil tinatamad na akong magluto. Ako lang kasi nakatira dito, si Mama at Papa ay nasa Paris para magtrabaho, as usual, TNT sila. Tago nang tago.
Bago ako makatulog ay di ko naiwasang hindi maalala yung katabi ko sa jeep. Tinaaman na nga ata ako sa isang di ko kilala. At malamang straight na lalake pa. Hay buhayyyy.
Him's POV
"Bayad. Pasuyo." Magalang kong sabi sa katabi ko.
Napamulat siya nang mata at masungit na inabot ang bayad ko kay Manong driver. Nakakatuwang asarin siguro to. Mukhang inaantok na din. Nakakainip kasi ang las subject namin eh, siguro hindi niya ako namumukhaan. Magkaklase kami nang tatlong subject. Pansinin siya kasi Maputi at di pang college ang height. Pero astig. May dalawang hikaw sa isang tenga at marunong magskateboard. Napapansin ko siya, oo. Basta yun na yun. Interesting kasi anh pagkatao niya. Parang tahimik pero pilyo. Madalas kasing tulugan niyan ang last subject namin na Law at madalas hindi nahuhuli dahil di makita mula sa likod Hahaha!
Di ko naiwasang maisiksik siya lalo sa gilid dahil niglang nagpreno si Manong. Hindi kasi ako nakahawak noon sa handle kaya di ko npigilang hindi napausod. Lilingunin ko sana upang tignan kung ayos lang siya pero sa di inaasahan eh lilingunin din niya ako, ayun, naghalikan... ang mga NOO namin! Hahaha! Asa kayo (at ako). Naghagikhikan ang mga tao sa jeep at bigla itong namula, tinignan niya ako nang masama at lumingon palayo. Naasar nanaman! Hahaha.
Nakahawak na ako sa metal handle nang jeep at nakapikit. Inaantok na talaga ako. Maaga kasi akong gumising kanina gawa nang kailangan namin magsurvey sa feild. May naramdaman akong mahinang tumama sa braso ko pero di muna pinansin. Pero naulit ito nang dalawang beses pa kaya binuksan ko ang mata ko. Nakito ko na malapit na ang ilong niya sa braso ko na parang may inaamoy. Bigla naman siyang lumingon palayo at nahiya ata. Buti nalang pala nag-Axe ako, it won't let you down!
Sinadya kong magpahuling bumaba. Alam ko nahihiya padin siya kaya mas gagawin kong Awkward Hahaha!
Pagbaba ko ay bumaba na din siya, nang lilingunin ko sana ito likod nalang niya ang nakita ko.
"Boy, kilala mo ba to? Naiwan niya I.D niya sa Jeep ko. Mukhang pareho kayo ng school eh." Inabot ko ang I.D mula kay manong. Sakanya nga ito. Burara, tss.
"Sige ho ibibigay ko nalang."
Sean Quizon pala ang pangalan niya. Hmm.
Ang I.D niya ang huli kong tinignan bago ako nakatulog. Bukas Sean, makikilala mo na ako.
He's POV
It doesn't choose nor force someone to Love, it is indeed a Destiny.
Ang aga mag-emote ng mga tao. Dapat talaga i-status yang mga ganyan? May mga nadadamay at napapaemote tuloy. Haysus.
Maaga akong umalis sa bahay. Medyo malayo nga kasi biyahe. Kung tutuusin eh dapat nagdorm nalang ako ang kaso di ko maiwan ang bahay at ayoko nang may kasama sa dorm. Malay ko ba kung may pagkaJason-X pala yun at ginawa ako akong chicharon. Ba, buti na ang nakakasigurado tol.
Shit. I.D ko?!
"Sige na po Ate papasukin mo na ako, naiwan ko lang sa bahay yung I.D ko eh." Pagmamakaawa ko kay ate na mukhang Ale.
"Narinig ko na yan bata, punta ka POD"
"Promise bukas Ate papakita ko I.D ko."
"Sean."
Nalingon ako nang biglang may tumawag sa akin. Laking tuwa joke, magulat ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. Umagang kay ganda nga naman. Deputa, bakit kilala niya ako?
"Nakalimutan mo I.D mo." Naamaze naman ako sa sinabi niya at Wala sa huwisyo kong inabot ang I.D ko. Patay, sarap ng ngiti niya. Breakfast pare!
"Tara na malelate na tayo, 4pm na."
Habang nagalalakad kami papunta sa building namin ay ramdam ko ang awkwardness. Ewan ko ba at tinolerate ko ang pagiging FC (feeling chicks, joke) nito. Bumalik lahat ng kahihiyang ginawa ko kagabi. Tangina. Pano kung nahulata niyang inaamoy ko siya? Ba, sa tutuusin compliment ung pagamoy ko ah. Pangit naman nakatakip ilong ko at iniiwasannsiya diba?
"Sean." Tawag niya. Puta. Kinikilig ako dre (too gay).
Lumingon ako sakanya while pretending to be cool.
"Ito room natin oh. Lumampas ka." Nakangiti niyang sabi.
Ano daw?
Ay puta oo nga lumampas ako kakaisip sakanya! Bobo, Sean, great.
"A-alam ko kaya! MagsiCr ako eh." Nauutal kong palusot. Mej benta naman. Ata.
"Dito papunta Cr." Turo niya sa right.
"Ba yan, kelam ng kelam dre? Ayoko na umihi!" Palusot pa more.
Nilampasan ko siya habang ito'y nagkakamot ng batok at nguguluhan Mehehehe.
Pag-upo ko ay kaagad ko chineck ang phone ko dahil walang tigil ito sa kakavibrate. Yun pala may magandang balita itong dala, dumating na allowance ko!
May umupo sa tabi ko. Bilang ayoko sa tao eh nilingon ko ito upang paalisin gamit ang reason ko na benta sa lahat.
"May nakaupo na diyan." Sabi ko.
"Wala kaya." Sagot nito at talagang nilabas pa ang notebook.
"Meron nga." Pero ngumiti lamang ito at
"Andrei David." Sabay abot nito nang kamay niya. "Di mo pa kasi ako kilala eh."
Since may manners naman ako at medyo naiinlab na din ako sakanya eh di ko na siya papaligawin. Joke pre. Nakipagshake-hands na ako. Baka umiyak pa to.
"Friends na tayo?" Di ko na pinansin. Yoko ng friends lang Drei.
Natapos ang apat oras nang nakakaburyong subjects. Grabe. Tuyo't na munting utak ko. Lalo na't wala pa akong maayos na kain mula kagabi. Ala una na nang hapon ako nagising kanina, tamang lunch lang nakain ko kanina. Kung hindi pa sumakit ulo ko baka nakatamaran ko nanamang kumain.
Bago ako dumiretso sa sakayan ng jeepney ay dumaan muna aoo sa isang mini market para bumili nang mailuluto. Tama nabasa mo pre, marunong din naman ako magluto. Ano pa't frustrated Chef ako. Tamang karne, manok, delata at munting pangangailangan pa ang binili ko. Pero dahil dakilang swerte ako ay umulan ng napakalas, malamang wala akong payong. Kaya wala akong choice kundi ang maghintay sa loob ng Mini market.
Biglang bumukas ang salamin na pinto na pinto at iniluwa nito si Andrei. On my amazement, hindi siya basa so sa tingin ko may payong ito. Nasa may bandang left ako at di niya ako napapansin. Tumungo ito sa Refrigerated section at kumuha din ng karne at manok. Sabi ko na nga ba at may lahing aswang ito at kumakain ng hilaw na karne upang masuppress ang appetite nito sa laman at dugo nang tao.. asan na? Bakit nawala siya sa line of vision ko?! Sabi na eh isa siyang-
"Aswang!" Sigaw nang magulat ako nang may kumalabit sa likod ko. Natawa naman ang gago.
"Sinong aswang Sean?" Natatawang sambit nito. Ikaw gago ka.
"A-ah wala. Nagulat lang ako."
"Ano ginagawa mo dito?"
"Malang namili?"
Napakamot ito sa batok kesyo tama nga naman daw ako. Ha! Take that!
"Sige una na ako Sean ah."
Wait, aalis na siya? May payong siya at ako wala, umuulan pa din sa labas.
"A-andrei!"
Lumingon siya nang nakangiti.
"Ano yun Sean?"
Nakakahiya man ay nakiusap ako na sasabay ako papuntang sakayan. Dun din naman daw siya papunta at laking gulat ko nang ipagbayad niya ako nang pamasahe. Kung tutuusin ako nga dapat ako ang nanlilibre sakanya nang pamasahe dahil sa dami nang nagawang mabuti nito sakin. Aba, nakakaapreciate din ako ah?! Kala niyo sakin walang utang na loob?!
Kaya napressure ako sa pag-iisip kung ano ang maaring pa-thank you ko sakanya. Ipagluto ko kaya? Ay nyeta wag, kabaklaan naman masyado nun. Pero why not? Maayos naman luto ko eh. Pero pano kung kailangan na niya umuwi.
"Hello Ma, napatawag po kayo?" ..."Ah sige po, magluluto nalang ako." ..."kailan ho balik niyo?"..."sige po, ingat po."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Base sa narinig ko ay parang umalis ang Mama nito papuntan kung saan.
Him's POV
Umalis nanaman sila nang biglaan. Hay,hirap ng ganito. Daig ko pa ang nakatira nang mag-isa. Laging wala ang magulang ko gawa nang trabaho nila bilang MedRep. Sa Cebu nanaman daw ang destino nila. Buhay mag-isa nanaman.
"Andrei." Kalabit ng katabi ko. Tinignan ko ito at tinaasan ng kilay na parang nagtatanong. "T-thank you ah."
"Para saan naman?"
"Sa I.D, sa pagpayong, sa pamasahe." Nahihiyang sabi nito.
"Wala yun." Nakangiti ko namang sagot. Ayun, namula't nayuko nanaman.
"Pano ba ako makakabawi?"
Hmm. Pano nga ba? Chance ko na to dapat makaisip ako nang maganda. Dapat yung makasama ko siya.
"Pakainin mo ako."
Napataas naman siya nang ulo at natingin sakin. Gulong gulo siguro to Hahaha!
"P-pakainin ng ano?" Tanong niya. Kung pwede yung labi mo nalang?
"Ipagluto mo ko. Pero kung ayaw mo o di. Pwede ay okay lang."
Napansin ko na napaisip ito at ilang sandali pa ay napabuntong hininga ito at sumagot.
"Ge. Deal."
He's POV
Pagdating namin sa bahay ay napagalaman ko na sa tatlong kanto mula dito ay bahay na nila. Aba di na masama. Malapit lang pala ang maha- ang Aswang, yes aswang.
Pinapasok ko siya at pinaupo sa sofa. Buti nalanh pala at galing si Manang Fe dito at nakapahlinis. Nakakahiya naman maabutan niyang makalat.
"Ikaw lang dito?" Tanong niya.
"Oo. Nasa Paris parents ko."
Ay patay. Bakit ko sinabing mag-isa lang ako? Pano kung bigla nalang niya imbitahan ang mga kapwa niya aswang at pinagsaluhan ako? Tanga Sean!
Sinilip ko ang niluluto ko at malapit na to. Ganun din ang kanin na siya ang nagsaing. Naiinip daw eh kaya ayun siya na nagsaing.
"Ang bango naman."
Nangilabot ako nang marinig ko ang bulong niya sa tenga ko. Nakatayo siya sa likod ko. Sabi niya aswang to! Naawkward ako at lumayo dito. Juico colored, aatakihin ako dito eh. Nakangisi pa ang loko.
Naghain na ako dahil tapos na ang niluto ko. Simpleng Adobong baboy lang. Wala ako maisip kanina eh kaya ito nalang. Gutom na din kasi an loko kaya mabilis na ulam na lang ang niluto ko. Parang batang galing sa PE kung kumain, tambak na kanin. Pero imbes na mabwisit ako o maturn-off (sooo) ay natuwa ako, sarap na sarap sa luto ko eh.
"Tagal ko na di kumakain ng masarap na Adobo!" He exclaimed matapos uminom ng tubig.
"Bola." Sagot ko. Busog na busog tiyan ko at maging ang mata ko.
"Totoo naman eh. Sarap ng luto mo."
Tinulungan niya ako magligpit pero ako na naghugas. Malas kaya paghugasin ang bisita. Sabi ni Nanay eh.
"Ay Puta!" Sigaw ko. Tanginang kidlat kasi nanggugulat! Tawa naman ng tawa ang isa, kesyo magugulatin daw akong tao.
Nagtambay kami sa sala. 10:30 na, sabi ko ay patilain niya muna ang ulan ng kaunti kasi sobrang lakas. Pero ang katotohanan ay napapraning na ako sa kidlat.
Naikwento niya na MedRep nga daw ang magulang niya at laging destino sa malayo. Kaya siya lang din mag-isa sa bahay madalas. Minsan kasi eh pinupuntahan daw siya nang mga pinsan at nag-iinuman... ng dugo. Joke.
"Kailangan ko na umuwi." Tumayo naman ito at nagkamot ng batok. "Salamat sa pakain mo ah? Sarap."
Nahiya naman daw ako. Medyo lang Hahaha. Humble ako eh. Nagpaalam na siya. Kahit na malakas ang ulan ay kinailangan na niyang umuwi dahil baka daw may bukas na bintana.
Grabe. Parang ang saya ko ngayon. Kahit papano nabawasan ang lungkot ng pag-iisa ko. Sobrang lungkot kaya minsan dito. Lalo na tuwing ganitong maulan. Parang pakiramdam ko iniwan ako pero di ko naman alam kung ano.
Papikit na sana ako nang mata nang marinig ko ang doorbell. Kinabahan ako. Malakas ang ulan at gabing-gabi na.
Kinuha ko ang baseball bat mula sa cabinet ko at tinungo ang pintuan. Sumilip muna ako sa spyhole para malaman kung sino ang nasa labas ng gate. Pero dahil maulan at medyo di nasisinagan ng ilaw ang labas ng gate eh wala din ako nakita.
"Sino yan?!" Sigaw ko. Puta. Magnanakaw pa ata!
"Sean! Sean! Ako to si Andrei!"
Si Andrei nga?! Bakit bumalik ang gago. Lakas ng ulan ah.
Binuksan ko ang pinto at lumabas sa terrace. Siya nga at basang basa sa ulan ang gagu. Pinagbuksan ko nang gate at pinapasok.
"Pwede ba makitulog?"