CHAPTER 15: ANG PADER SA GITNA NG DILIM

1225 Words

Sabrina’s POV Nakahiga ako sa kama ng guest room habang nakatitig sa kisame. Madilim ang buong silid maliban sa kaunting liwanag na nagmumula sa screen ng phone ko na nakapatong sa dibdib ko. Sa tabi ng unan ko, mahinang tumutugtog ang isang acoustic playlist mula sa Spotify, pilit na pinupunan ang nakabibinging katahimikan ng gabi. Rinig na rinig ko ang marahang tunog ng pagpihit ng pangunahing pinto ng penthouse kanina. Kasunod niyon ang pamilyar at mabibigat na hakbang ni Eli, ang kalampag ng kanyang mga susi na inilapag sa console table, at ang buntong-hininga niya na bumasag sa katahimikan ng sala. Alam kong nakauwi na siya. At alam kong alam niyang nandito ako. Kumatok ka, Eli. Sige na, subukan mo lang kumatok, hamon ko sa kanya sa aking isipan habang nakatitig sa bahagyang nakaa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD