CHAPTER 24: THE DISTANCE BETWEEN US

1030 Words

Sabrina’s POV ​Pagkalabas na pagkalabas ko ng dressing area ng tent, suot ang simpleng t-shirt at maong shorts ko, hindi ko na tiningnan pa ang direksyon kung nasaan si Eli. Mabilis kong pinunasan ang natitirang luha sa mga mata ko at binuhat ang sarili kong duffel bag. ​Masyado nang masakit. ​Masyado nang nakasasakal ang apat na sulok ng tent na 'yon, ang amoy niya, at ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya na parang binabawi ang lahat ng init na ipinaramdam niya kagabi. ​Kung gusto niyang maging propesyonal, sige. Fine. Ibibigay ko sa kaniya ang distansyang hinihingi niya. Kung ang makipagtigasan ang gusto niya, eh di magmatigasan kami! Bakit, siya lang ba ang may kaya? ​"Oh, Sab? Bakit dyan mo ipinapasok ang gamit mo?" takang tanong ni Mae nang makita niyang inihagis ko ang bag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD