Tatlong buwan na mula nang manganak ako ngunit hanggang ngayon ay nananatili pa rin nakaratay rito sa ospital si Carl Wayne. Marami ang nagsasabing i-give up ko na ang pag-asam na muling magising ang aking asawa at baka nagsasayang na lamang ako ng panahon. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa kahit pa nga malapit na siyang mag-isang taon mula nang maratay rito. Kailanman ay hinding-hindi ko siya susukuan kagaya na lamang ng hindi niya pagsuko sa’kin noon. Hindi kamatayan ang maghihiwalay sa aming dalawa dahil ipaglalaban ko siya kahit pa nga kinakailangan kong maglakad ng nakaluhod sa lahat ng mga simbahan. “Carl Wayne...” usal ko saka masuyong hinagod ang kaniyang buhok. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa tagpo naming ito. Parang ang bigat isipin sa tuwina na hindi pa ri

