Chapter 6

1274 Words
Tulalang pinagmamasdan ko si Carl Wayne na ngayon ay taimtim na nakatitig sa’kin. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito sa loob ng silid, ngunit paniguradong ako na naman ang maysala niyon dahil sa madalas akong makalimot mag-lock ng pinto. “Bumalik ka na sa akin, Baby Girl...” namamaos niyang usal. Kinilabutan ako sa kaniyang sinabi kasabay nang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. Muli na naman akong nagpakarupok kay Carl Wayne gayong asawa ko na si Justin. “Baby Girl...” Pinahid niya ang mga luha kong panay ang pag-uunahan sa pagpatak. Matamang tumitig ako sa kaniyang mga mata saka sinalubong ko ang titig niyang nanunuot sa buo kong pagkatao. “Makinig kang mabuti Carl Wayne, hindi na ako maaaring sumama sa’yo dahil asawa ko na si Justin. Ayoko siyang saktan katulad nang ginawa ko sa’yo noon. Kaya pakiusap, kalimutan na natin ang isa’t isa.” Napalundag ako nang suntukin niya ang pader malapit sa aking mukha. “Carl Wayne!” Mabilis kong hinawakan ang kamao niyang kailan lang ay dumugo rin ng dahil sa pagsuntok niya sa pader ng banyo. “Bakit ba kayhirap mong piliin ako? Ano bang mayroon si Justin na wala ako?” nagngangalit niyang tanong sa akin. “Wala!” Umiling-iling ako habang panay ang pag-agos ng mga luha sa aking pisngi. “Kung gano’n, bakit hindi mo ako magawang piliin?” gumagaralgal ang tinig niyang tanong sa’kin. “Patawarin mo sana ako kung naging mahina ako para sa ating dalawa,” tanging sagot ko sa kaniya sabay yuko ng aking ulo. Ipinataas niya ang mukha ko upang muling ipaharap sa kaniyang mukha. “Tell me, tinatakot ka ba ni Justin?” Iniling ko ang ulo bilang tugon sa kaniya. “Mahal ako ni Justin.” Gumaralgal ang tinig ko sa pagsagot sa kaniya. Marahas na bumitiw ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa’kin saka hinarap ang pader na akmang susuntukin ulit sana nito. “Patawarin mo ako, Carl Wayne!” umiiyak kong sambit sabay harang ng katawan ko sa kaniyang harapan. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata na tila nagbabadya nang pagluha. Hindi ko napigilan ang sarili kong muli siyang yakapin at kabigin upang dampian ng halik sa kaniyang labi. Mahal ko si Carl Wayne pero hindi ko maaaring iwanan si Justin dahil malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Muling nagbalik sa nakaraan ang alaala ko kung saan kinakailangan kong mamili. “Mamili ka Krishna, buhay ni Carl Wayne o buhay natin?” galit na tanong sa akin ni papa. “Pakiusap Papa, huwag mong idamay si Carl Wayne sa anumang alitan ninyo ng pamilya niya,” lumuluhang pakiusap ko sa ama. “Kaya nga mamili ka! Buhay ni Carl Wayne o buhay natin!” Muling bumalong ang mga luha sa aking pisngi dahil sa mabigat na desisyong hindi ko madesisyunan. Nanganganib ang buhay ni Carl Wayne pati na rin ang buhay ng mga magulang ko kung siya ang pipiliin ko. Ngunit anong magagawa ko laban sa lakas ng pamilya naming nagbabanta ng kamatayan para sa amin ng mga magulang ko kung wala kaming lakas pantapat sa kanila. Pinili kong pumunta ng abroad upang lumayo panandalian kay Carl Wayne ngunit hindi ko napaghandaan ang sumunod na hakbang ng pamilya namin laban sa pamilya nila. Napilitan akong magpakasal kay Justin upang maproteksyunan mula mismo sa sarili naming pamilya. Kinakailangan ko ang proteksyon ni Justin upang pagtakpan ang sarili kong kahinaan. Ngunit sa kabila ng pagiging mabuting asawa sa’kin ni Justin, nanatili sa puso ko ang pagmamahal para kay Carl Wayne. Sinubaybayan ko ang bawat tagumpay niya sa buhay at labis akong natuwa sa narating niya dahil alam kong hindi na siya ang Carl Wayne na kilala ko noon. Umagos ang luha mula sa aking mga mata at mahinang napahikbi sa loob ng bibig ni Carl Wayne. “Carl Wayne...” humihikbing usal ko sa kaniyang pangalan. Kung maibabalik ko lamang ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan, pipiliin kong sumama sa kaniya, kahit pa nga buhay ko ang maging kapalit. Ngunit hindi ko na iyon maaari pang gawin sa ngayon dahil kinakailangan kong proteksiyunan ‘di lamang ang sarili ko kundi pati na rin ang isang taong umaasa sa akin at walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. “Iwanan mo si Justin at piliin mong sumama sa’kin. Lalayo tayo at magtatago sa lahat.” Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi at pilit kong pinigil ang matinding emosyon na anumang sandali ay maaaring maging dahilan nang pagkabulalas ko. Masuyong hinaplos ko ang pisngi ni Carl Wayne kasabay nang pagdampi ng labi ko sa kamao niyang pilit sinasaktan. “Mauunawaan mo rin ako sa tamang panahon.” “Ngayon ko gustong marinig mula sa’yo ang lahat, Baby Girl! Ayokong hinatyin ang tamang panahon na sinasabi mo dahil ikaw lang ang naging tama sa buhay ko,” matigas niyang pahayag. Muling umagos ang mga luha ko nang marinig ang kaniyang winika. “Carl Wayne...” nahihirapan kong sambit. Mahigpit na niyakap niya ako na agad ko namang tinugon. Nadudurog ang puso ko sa nahihirapang anyo ng mahal ko. Pilit ko siyang inalo kasabay nang pag-aalo sa sariling hindi na maaari pang maulit ang pagkikita naming dalawa. Dahan-dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap niya at saka dinampot ko ang kaniyang kasuotan mula sa sahig. Isinuot ko iyon sa kaniya at hinayaan ko rin siyang isuot ang roba sa aking katawan. Nang matapos kaming makapagsuot ng damit, muli ko siyang hinaplos sa kaniyang mukha upang tuluyang magpaalam. “Ito na sana ang huli nating pagkikita. Alagaan mo parati ang iyong sarili, tulad nang pangangalagang ginawa mo rito noon. Hindi man tayo ang itinadhana hanggang sa huli, alam mo kung ga’no kita minahal,” emosyonal kong pahayag. Marahas na buntonghininga ang pinakawalan nito saka tahimik siyang tumitig sa’kin. “Carl Wayne!” tili ko ng walang anu-ano’y bigla na lamang niya akong binuhat. “Hindi ito ang huling pagkikita natin Baby Girl, dahil ‘di ko na hahayaan pang mawalay ka sa’kin,” mariing pahayag nito. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya at saka nagsimulang humakbang siya palabas ng silid. Bigla akong kinabahan sa kung ano ang pwedeng mangyari lalo na kapag nalaman ng pamilya ko ang tungkol dito. Tiyak na ‘di rin papayag si Justin na hindi ako mahanap kaya siguradong malaking gulo ito. Tiyak din na malalagay sa panganib ang buhay naming dalawa ni Carl Wayne lalong-lalo na ang buhay ng isang taong walang kamalay-malay sa mga nangyayari. “Pakiusap Carl Wayne, huwag mong gawin ito,” pagsusumamo ko sa kaniya. “Huwag mo akong pakiusapan ng isang bagay na imposible kong itigil,” tanging tugon niya lamang. “Utang na loob, maawa ka sa anak ko!” Hindi ko na napigilan pa ang sariling ibulalas ang tungkol sa aking anak. Huminto siya sa paglalakad at saka ibinaba ako sa sahig. Marahas na hinarap niya ako saka mahigpit na kinapitan ng mga kamay nito ang magkabilaan kong balikat. “Ulitin mo nga ang sinabi mo!” galit niyang turan. “M-maawa ka sa anak ko,” kandautal kong bigkas. “Sabihin mong dahilan mo lamang sa’kin iyan.” Iniling-iling ko ang ulo ko bilang tugon sa kaniya. Gusto kong maawa sa kaniya dahil sa nakitang pagbagsak ng kaniyang mga balikat. Daig pa niya ang gumuho ang mundo sa narinig at hirap na hirap siyang paniwalaan iyon. Humakbang ako palapit sa kaniya ngunit siya na ang kusang lumayo sa akin. Walang anumang salita na tumalikod siya sabay hakbang paalis. “Paalam, Carl Wayne...” paalam ko sa kaniya na tanging hangin na lamang ang nakarinig ng aking sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD