Hindi ko makontak si Carl Wayne sa kaniyang telepono kung kaya kanina pa ako nag-aalala sa kaniya. Nagising ako mula sa aking pag-idlip nang bangungutin ako ng masamang panaginip. Hindi ko nagustuhan ang panaginip na iyon sapagkat hindi maganda ang pangitain niyon. Ayokong mawala si Carl Wayne at ‘di iyon matatanggap ng puso ko. Muli kong sinubukang tawagan ang kaniyang telepono ngunit nanatiling hindi makontak ang kaniyang linya. “Carl Wayne...” puno ng pag-aalala kong sambit. Narinig ko ang tunog nang pagsadsad ng gulong ng sasakyan na alam kong sa sasakyan ni Carl Wayne nagmula. Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay at saka niyakap ko siya ng mahigpit. “Hey! What happen?” tanong niya sa akin. “Akala ko’y iniwanan mo na kami.” Hindi ko napigilan ang pagbalong ng luha mula sa aki

