Chapter 53

1528 Words

Espesyal ang araw na ‘to para sa aming dalawa ni Carl Wayne. Ito ang araw na naging ganap na akong Mrs. Krishna Shipman! Tumingin ako sa gawi ng aking asawa na abalang kausap ang iba naming bisita na pawang mga kaibigan din niya. Bago kami tuluyang ikinasal ni Carl Wayne ay sandamakmak na dokumento ang kinakailangan naming ayusin para sa tunay kong pagkatao. Sadyang pinaglaanan namin iyon ng oras na ayusin at masayang-masaya ako dahil mabilis din iyong naisaayos sa tulong ng tunay kong ama. Natuon ang pansin ko sa ama nang maisip ang sandaling pinakatitigan niya ang aking ina. Nakikita ko pa rin sa kaniyang mga mata na puno pa rin siya ng pagmamahal para kay mama subalit nakuntento na lamang siyang titigan ito. Hindi man niya magawang yakapin si mama dahil sa presensiya ni papa Samue

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD