Ngayon ko lang makakasama si Mama kaya hindi ko nais malayo sa kaniya sa anumang sandali. Nang isugod namin siya sa malapit na ospital akala ko’y huling sandali na rin ng buhay niya. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin sakaling tuluyan siyang mawala. “Ate.” Nilingon ko si Sharmaine, ang kapatid ko sa ina. Panganay na anak nina mama at papa Samuel. Dati ay pangarap ko lamang ang magkaroon ng kapatid. Madalas ko pang hinihiling kay papa Samuel noon na sana ay mag-asawa na siyang muli upang magkaroon na ako ng kapatid. Wala sa hinagap ko na totoong may kapatid pala ako mula sa kanila ni mama. Sa kabila ng katotohanang hindi ko siya ama, hindi ko maikakailang minahal pa rin niya ako bilang anak, kahit pa nga limitado lamang ang pagmamahal na iyon. Ngayon ko lubos na nauunawa

