Matapos kong makatiyak na maayos na ang kalagayan ni mama, bumalik muna kami ni Carl Wayne sa Isla Fuku upang silipin ang mag-asawang Marco at Marissa. Habang nasa biyahe ay hindi ko pa rin mapigilan ang sariling isipin ang kalagayan ng aking ina. “Still thinking of her?” pukaw sa’kin ni Carl Wayne. “Gusto ko sanang magamot ang mga mata niya. Gusto kong makakita si mama kagaya natin. Marami akong gustong gawin para mapasaya siya,” madamdamin kong tugon. “We can do that!” nakangiti niyang tugon saka masuyong ginagap ang isa kong kamay. Tipid kong ginantihan ang kaniyang ngiti. “Salamat.” “Hahanap tayo ng magaling na espesyalistang titingin sa mama mo. I promised!” Masaya akong marinig ang pangakong iyon ni Carl Wayne at alam kong tutuparin niya iyon. Wala pa naman siyang ipinangako

