“Nakahanda na ba ang lahat?” tanong ko kay Marissa. “Yes!” tugon niya sa’kin. “Good! Sabihan mo ang tao sa area na darating ako sa loob ng isang oras,” habilin ko pa sa kaibigan na siya rin sekretarya ko. “Copy!” “By the way Marissa, this would be our last transaction. Lahat ng mga kasunod na transaction ay huwag mo nang tanggapin pa. Magbagong buhay na tayo.” Inabot ko sa kaniya ang bag na puno ng pera sa loob. “Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan?” tanong pa sa’kin ni Marissa. “Yes! Wala ng dahilan para manatili sa madilim na mundo. Kasama ko na ang mag-ina ko kaya sila na ang aking haharapin,” puno ng desperasyon kong sabi. “If this is what you want Carl Wayne, I'll support you.” Lumapit siya sa’kin upang yumakap. “Mami-miss ko ang tandem natin,” madamdamin niyang wika kas

