Pumosisyon ako sa lugar kung saan aabangan ko ang taong target patayin. Nakatutok na ang baril ko ng biglang pumasok ang tawag ni X. Pinindot ng hintuturong daliri ko ang headset na nakakabit sa aking tainga upang mas malinaw makausap ang kaibigang kapareho ko rin ng likaw ng bituka. “This is not the right time for you to miss me, X. I'm in the middle of the mission,” pabirong saad ko sa kaniya. “Leave that mission!” matigas nitong sabi. “What?!” “It’s a set up for you bro. Leave that mission and go home,” anito. “But how can I leave this mission if I’m already paid for this?” tanong ko saka pilit pinahihinahon ang sarili. Pina-double check ko kay Marissa ang mission na ‘to kagaya ng dati naming ginagawa. “I don’t know how to explain it, but one thing I must be sure for now... y

