Malakas na ingay nang putukan ng baril ang maririnig sa katahimikan ng paligid. Bawat masalubong kong tao na nakasuot ng itim na kasuotan ay pinapuputukan ko. Wala na akong pakialam pa kung mamatay man sila dahil iyon naman ang nararapat sa mga tulad nilang walang pinipiling kalabanin gaya ko. Simbilis ng ipo-ipo ang paggalaw ko habang inaninag sa suot kong shades sa mga mata ang bulto ng kahit sino sa dalawang taong hinahanap ko. Gamit ang makabagong gadget na binili ko mula sa ibang bansa, sinubukan kong i-trace si Marissa na nasagap ko ang presensiya sa gitnang bahagi ng building kung saan ko rin naabutan noon si Gregory na ikinulong ang ngayo'y asawa na ni X. Nagmamadali akong umakyat doon upang harapin at hingian si Marissa ng paliwanag kung bakit kami umabot sa ganitong sitwasyo

