“Krishna!” hinagis ko ang hawak na boteng may lamang alak sa malawak na karagatan. Dalawang buwan na mula ng huli kaming magkausap bago sumabog ang silid na kinaroroonan niya. Tuluyan niya na kaming iniwan ni Charlie at hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng kalooban ko ang pangyayaring iyon. Napaluhod ako sa buhangin at kuyom ang mga kamaong sinuntok ko iyon. “Bakit?” galit kong tanong sa sarili. “Bakit hindi ko nagawang iligtas ka?” Hinayaan ko ang sariling lumuha sa gitna ng buhanginan at doon inalis ang matinding sama ng loob. Hindi ko magawang magpakita ng kahinaan sa harap ni Charlie dahil tiyak na iiyak din siya at siguradong madudurog na naman ang puso ko. Isang buwan niyang dinanas ang matulala dahil lamang sa pagkawala ng kaniyang ina at hanggang ngayon ay naroon pa

