Umalis ako ng bahay dahil sa nakatanggap ako ng mensahe mula sa’king ama. Ang sabi gusto raw nitong makita ako at makausap. Bilang anak pinagbigyan ko pa rin ang kahilingan niya kahit pa nga sa totoo lang ay medyo malayo na ang loob ko sa sariling ama. Mula pagkabata lahat naman ng gusto kong bagay ay ibinibigay niya sa’kin, ngunit hindi sapat iyon dahil lumaki akong may kulang sa puso ko. Iyong pakiramdam na ‘di ko madama ang kaniyang pagmamahal sa kabila ng mga luhong ipinagkakaloob niya sa’kin. Minsan tuloy ay natanong ko sa sarili kung siya ba talaga ang tunay kong ama. Nahiling ko pa sa Panginoon na sana ay binuhay niya na lamang si mama upang may gumagabay sa akin. Tiyak kong ipagtatanggol ako niyon kay papa oras na pagalitan ako nito. Nang ipagkait sa’kin ng sarili kong am

