Maaga akong umalis upang makipagkita kay Benjamin a.k.a. Benjie Resurrection Jr. Isa sa mga anak ng magaling na negosyanteng si Benjamin Resurrection na siyang nagmamay-ari ng pinakamagaling na detective company sa bansa. Nakilala ko sila ni Jerson Alejandro nang hanapin namin ang kaibigan nilang napadpad sa islang binili ko kung saan kami naninirahan ngayon. Muling naulit ang pagkikita namin sa ospital na isa sa mga legal kong pag-aari na negosyo. Nakuha nila ang loob ko dahil na rin sa magaling nilang pangangalaga sa anak kong si Charlie ng nasa loob ito ng kanilang foundation. “Carl Wayne!” masayang salubong ni Benjie saka nakipagsanggang balikat sa akin. Nakatutuwa silang magkapatid sa totoo lang. Kahit kasi anong busy nila sa work basta alam nilang parating ako ay kanila iyong

