“Ba’t ganiyan ka makatingin sa’kin?” tanong ko kay Marissa. “Ba’t hindi mo pa sinabi ang totoo kay Carl Wayne?” balik tanong naman niya sa’kin. Napahugot ako ng malalim na hininga saka ibinuga iyon sa hangin. Lumapit ako sa may bintana at hinawi ang kurtina kung kaya nasilayan ko ang mag-anak na naglalaro ng habulan sa malawak na hardin ng lugar na ito. “Ako ba talaga ang dapat na magsabi sa kanila?” patanong kong tugon kay Marissa. Muling nagbalik sa isipan ko ang unang araw na tinanggap ang misyon mula sa ama ni Krishna. “Marco, ipangako mo sana sa’kin na kahit ano pa man ang mangyari ay hindi mo hahayaang masaktan ang anak ko,” matinding habilin sa'kin ng don. “Pa'no kung hindi ko magampanan ang tungkilin ko? Pa'no kung may mangyaring masama sa kaniya?” magkasunod kong tanong sa

