Chapter 10

1243 Words
Ilang araw na rin kaming narito sa resthouse ni Carl Wayne at tanging mga puno lang din ang tanawing madalas naming matanaw. Inilinga ko ang paningin sa paligid at muling pinagmasdan ang tanawing maganda sa pakiramdam lalo na kung mayroon kang tinatakasang magulong mundo. Nakita ko ang paparating na sasakyan at malamang si Marissa na naman ang sakay niyon. Ang babaeng iyon lang naman ang laging pumaparito dahil sekretarya raw siya ni Carl Wayne. Hindi ko alam kung ba’t naiinis ako sa tuwing dumarating ang Marissa na ‘yon dito. Nabubw*sit ang aking pakiramdam sa tuwing nagkukulong silang dalawa ni Carl Wayne sa loob ng silid at inaabot pa ng ilang oras na pamamalagi roon. Kung anu-ano na lang tuloy ang tumatakbo sa isipan ko ng dahil lamang sa malisyosong kaisipan ko. Magmula nang dumating kami rito sa resthouse ni Carl Wayne ay hindi pa kami nito nakakapag-usap ng matino. Hindi rin kasi ako lumalabas ng silid upang maiwasan siya at ‘di rin naman siya nagpupumilit na magkaharap kaming dalawa. Puro lamang siya pailalim kung tumitig sa akin na ginagantihan ko naman ng matalim na pag-irap. Mabilis akong pumihit paalis sa may terasa upang bumaba ng kusina at saka kumuha muna ng pwedeng makain. Makikiusyoso na rin ako sa pinag-uusapan ng dalawang mag-amo kuno na palagay ko’y hindi naman talaga. “Anong status nang ipinagagawa ko sa ‘yo, Marissa?” narinig kong tanong ni Carl Wayne sa malambing na tinig nang mapadaan ako sa silid kung saan sila naroon na dalawa. “How sweet!” nakaingos kong bulong sa hangin habang pinagbubuti ang pagtatago. Dala ng kuryosidad at pagkasesmosa, bahagya kong iniawang ang pinto upang mas malinaw kong marinig ang kanilang pinag-uusapan. “Lumalakad na ang mga inutusan nating tao. By the way, hinahanap ka na rin ng mga kliyente mo. Anong plano mo?” Narinig ko ang marahas na pagbuga ni Carl Wayne ng malalim na buntonghininga na tila kaylalim ng kahulugan niyon. “Gusto ko ng tuluyang magpaalam sa larangang ito, Marissa.” “What?! Pakiulit mo nga’ng sinabi mo.” May bahid ng inis akong narinig mula sa tinig ni Marissa. “Since kasama ko na rin naman si Krishna, hindi ko na kinakailangan pang pumatay ng mga tao para lamang mabuhay.” Napasinghap ako sa narinig na winika ni Carl Wayne at hindi ko alam kung ano ang magiging emosyon ko. Malutong na humalakhak naman si Marissa bilang tugon kay Carl Wayne. “Akalain mo iyon, ang isang Carl Wayne Shipman na pabulong kung pag-usapan ng lahat dahil kayang kumitil ng buhay sa tamang halaga na walang ibang katanungan at tinaguriang taong walang konsensiya sa dami ng buhay na pinatay ng kaniyang mga kamay ay gustong iwanan ang larangang nagbibigay karangyaan sa kaniya,” naiiling na salaysay ni Marissa. Sa aking pagkabigla napaatras ako, dahilan para maagaw ko ang pansin nina Carl Wayne at Marissa na sabay pang lumingon. “I have to go. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan pa kayo rito.” Humakbang palapit kay Carl Wayne si Marissa at walang anumang salita na humalik sa pisngi ng binata. Nagngingitngit ang kalooban ko sa nasaksihan kaya mabilis akong umalis sa lugar na ‘yon. Sinilip ko pa muna si Charlie sa kwartong inilaan sa kaniya ni Carl Wayne nang naraanan ko ito. Tulog pa rin ang anak ko kaya yumukod na lamang ako upang halikan siya sa kaniyang noo. “Carl Wayne!” gulat na bulalas ko ng bigla akong hapitin nito sa aking baywang pagkalabas ko mula sa loob ng silid ni Charlie. “Let’s talk, Baby Girl.” “Bitiwan mo ako!” Pinaghahahampas ko siya sa kaniyang dibdib upang makawala mula sa pagkakahawak niya ngunit sadyang malakas siya kumpara sa akin. Ipinasok niya ako sa loob ng kwartong ‘di ko alam kung sino ang natutulog doon. “Bitiwan mo sabi ako, Carl Wayne!” Sinampal ko siya sa kaniyang pisngi ngunit balewala lamang iyon sa kaniya. Isinandal niya ako sa pader saka siniil ng halik sa aking labi. Ipinaling ko ang ulo ko sa kaliwa’t kanang direksyon upang ‘di siya magtagumpay sa pagpasok sa loob ng aking bibig. “Open your mouth, Baby Girl...” paos niyang pakiusap. Hindi ako sumunod sa kagustuhan niya bagkus ay inipon ko lamang ang lahat ng lakas ko sa kamay upang itulak siya ng malakas palayo sa akin. Nabalewala lahat nang ginawa kong pagtulak dahil lalo lamang niya akong idiniin sa pader habang patuloy na hinahalikan sa aking labi. Hindi ko tinugon ang pagpupumilit niyang makapasok sa loob ng aking bibig kahit pa nga nakadarama na rin ako ng unti-unting pagkatupok. Pinilit kong patatagin ang katinuan ko at nang makaisip ako ng paraan ay mariin kong kinagat ang labi niya dahilan para mahinto siya sa ginagawang kapangahasan. “Aagh!” nakangiwing hiyaw nito. Nakadama ako ng awa nang makita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa kaniyang labi. “I-I'm sorry...” kandautal kong saad sabay haplos sa dumudugo niyang labi. “Mahirap ba akong mahalin, Baby Girl?” malungkot niyang tanong saka taimtim na tumitig sa aking mga mata. “C-Carl Wayne...” Pakiramdam ko’y gusto kong umiyak, pero wala naman akong mailuha mula sa aking mga mata. Nasasaktan ang damdamin ko sa nakikitang sakit na bumabalatay sa kaniyang mga mata. Malungkot na tumitig muli siya sa’kin saka tinalikuran niya ako. Pahakbang na sana siya paalis sa aking harapan nang humawak ako sa kaniyang braso. “Hindi ko maipapangakong kapag humarap ako sa’yo ay mapipigilan ko pa ang sarili ko,” wika nito ng ‘di lumilingon sa akin. Napabuntonghininga na lamang ako saka binitiwan ko ang braso niya. Nakakailang hakbang na siya ng tila magising ako sa pagkatulala. “Carl Wayne!” tawag ko sa pangalan niya saka tumakbo palapit sa kaniya. Sadyang marupok ang puso ko pagdating kay Carl Wayne! Kinabig niya ako sa ulo at saka siniil ng halik sa aking labi nang humarap ako sa kaniya. Agad ko namang tinugon ang halik niya at sa bawat hagod ng kaniyang labi sa aking labi ay ‘di ko napigilang mapaungol. Pumaikot ang dalawang braso ko sa kaniyang leeg dahilan para lalong magdikit ang aming mga katawan. Dama ko ang init na isinisingaw ng kaniyang katawan na akala mo’y may mataas siyang lagnat. Napahalinghing ako nang gumapang ang labi niya sa panga ko pababa sa aking leeg. Dumako ang kamay ko sa matigas niyang dibdib na nananatiling alaga kahit pa nga lumipas na ang panahon. Hindi ko pa siya nakitang nag-work out sa ilang araw kong pananatili rito kaya ipinagpalagay kong maalaga siya sa katawan. Kunsabagay ay maalaga naman talaga siya noon pa man. Pumababa ang labi niya sa tapat ng isa kong dibdib at saka salitan niyang isinubo iyon. “C-Ca-rl Way-ne...” humahalinghing kong ungol sabay liyad ng aking katawan. Umangat ang katawan ko mula sa lupa nang buhatin nito upang dalhin sa ibabaw ng malambot na kutson. Hinubad niya ang suot kong bestida hanggang sa tuluyang mahantad sa kaniyang mga mata ang kabuuan ng aking katawan. “Still beautiful, Baby Girl...” puno nang pagsambang papuri niya sa aking katawan. Ibinuka ko ang dalawang hita ko sa kaniyang harapan kaya kitang-kita ko ang ilang ulit niyang paglunok ng laway. Hindi ko rin alam kung ano ang nagtulak sa aking gawin iyon. “Carl Wayne!” gulat kong bulalas nang punitin niya ang kaniyang kasuotan sabay hagis niyon sa kung saan-saang parte ng silid na aming kinaroroonan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD