“Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas ako mula sa mahigpit na pagkakakapit sa aking braso ni Carl Wayne.
“Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Baby Girl!” matigas niyang turan.
Nakipagmatigasan ako sa kaniya at hindi nagpapatalong sinalubong ko ang tingin niya sa’kin.
“Mommy...” umiiyak na tawag sa’kin ni Charlie.
Marahas na napabuntonghininga ako nang marinig ang tinig ng aking anak.
Ibinaling ko ang tingin sa kaniya saka yumukod ako ng may malambot ng awra sa aking mukha.
“Stop crying, Baby.” Pinahid ko ang mga luhang nagkalat sa kaniyang pisngi saka binuhat ko ang anak.
“Sh*t!” Salubong ang mga kilay ko na tumingin kay Carl Wayne nang magmura siya.
“Umalis na tayo, Baby Girl.” Muli niya akong kinapitan sa aking braso saka pakaladkad na hinila patungo sa ibang direksyon.
“Hindi naman dito ang dinaanan natin kanina ah?” nakaingos kong sambit.
“Hindi na tayo maaaring dumaan doon dahil nandito na ang mga sumusunod sa atin,” tugon nito.
Inilinga ko sa paligid ang mga mata ko at nakita ko ang paglabas ng mga kalalakihan buhat sa pintuang dinaanan namin kanina.
“Anuman ang mangyari huwag ka nang lumingon pa, Baby Girl. Tumakbo ka ng mabilis hanggang sa abot ng iyong makakaya at huwag na huwag kayong hihinto,” bilin pa sa akin ni Carl Wayne.
“At bakit naman ako makikinig sa iyo?” angil ko sa kaniya.
“Dahil ako lang ang kakampi mo sa mga sandaling ito!” pagalit niyang sagot na tila nauubusan na ng pasensiya sa’kin.
Pagak na natawa ako sa narinig na sinambit nito. Pa'no ko naman siya magiging kakampi gayong kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang pagtutok niya ng baril kay Justin.
“Hindi ako ang pumatay kay Justin kagaya nang iniisip mo. Alam mo iyan dahil naroon ka nang mabaril siya,” ani nito na tila nababasa niya ang nilalaman ng aking isipan.
Taimtim na tumitig ako sa mukha niya. Kung tutuusin, tama naman si Carl Wayne sa kaniyang winika.
Hindi naman siya ang pumatay kay Justin para magalit ako sa kaniya, pero hindi ko maiwasang magalit dahil nagulat ako sa mga natuklasan ko.
Ang masaklap pa ay hindi lamang ako sa kaniya nagagalit, kundi pati na rin kay Justin.
Ilan taon na rin kaming nagsasama ni Justin, ngunit hindi ko man lamang nalaman na magkakilala silang dalawa ni Carl Wayne.
To the point na parang alam na alam niyang may nakaraan pa kaming dalawa nito.
Ang masakit pa ay sa kabila ng kaalamang iyon, hindi man lang ako nagkaroon nang pagdududa sa pagmamahal sa akin ni Justin.
Purong pagmamahal lamang ang ipinadama niya sa akin sa kabila ng mga pagkukulang namin sa isa't isa.
Malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid kasunod ang pagtagas ng dugo sa balikat ni Carl Wayne.
“Carl Wayne!” nanlalaki ang mga mata kong bulalas habang nagigimbal sa nakikitang pagtagas ng dugo nito.
“Takbo, Baby Girl!” nakangiwing sigaw sa ‘kin nito.
Imbes na sundin ko ang utos niya hinila ko siya gamit ang kaliwang kamay ko habang karga ko naman si Charlie.
Napatili ako nang magpaputok siya pabalik sa kalaban.
“Mommy!” nahihintakutang sigaw ni Charlie.
“Huwag mo akong intindihin, Baby Girl. Tumakbo na kayo ni Charlie at huwag ka nang lumingon pa. Magtago ka sa malapad na punong iyon at doon ko kayo pupuntahan.” Itinuro niya ang malapad na punong naaaninag ko mula rito sa aming kinaroroonan.
Muling umalingawngaw ang putok ng baril dahilan para magising ang nakatulog kong diwa.
“Takbo!” hiyaw sa’kin ni Carl Wayne.
Tumakbo ako habang nananatiling karga sa mga bisig ko si Charlie at walang lingon likod akong nagtungo sa malapad na punong itinuro nito.
Mabilis akong nagkubli roon at saka kinubkuban ang umiiyak kong anak.
Daig ko pa ang nasa action movie na panay ang putukan ng mga baril mula sa kalabang hindi ko kilala habang ginagantihan naman iyon ni Carl Wayne.
“Mommy!” Umiiyak na yumakap sa’kin nang mahigpit si Charlie habang nananatili kaming nakakubli rito sa malapad na puno.
“Sshh... Don't cry, baby.” Pagpapatahan ko sa anak.
“Is he a bad guy, Mommy?” patuloy sa pag-iyak na tanong sa ‘kin ni Charlie.
“No, Baby. Hes not a bad guy. He only protect us from the bad guy.” Pinahid ko ang mga luhang namamalibis sa pisngi ng aking anak.
Ayokong magkaroon ng masamang kaisipan si Charlie sa tunay niyang ama, ngunit paano ko nga ba aalisin iyon sa kaniya gayong nasaksihan nito ang lahat.
Nang magpakasal ako noon kay Justin ay dalawang buwan na akong buntis. Hindi ko ito ipinaalam kaninuman dahil ayoko nang madagdagan pa ang gulo.
Nagpapasalamat na lamang ako kay Justin dahil kahit hindi niya tunay na kadugo si Charlie ay minahal pa rin niya ito na parang tunay na anak.
“But, why did he point a gun at Daddy?” muling tanong sa ‘kin ni Charlie habang patuloy na humihikbi.
Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi sabay lunok ng laway. ‘Di ko rin alam kung pa'no sasagutin ang katanungang iyon ng aking anak.
Ipinagpapasalamat ko na lamang na hindi si Carl Wayne mismo ang pumatay kay Justin at kahit paano ay maipagtatanggol ko pa rin siya kay Charlie kung kinakailangan.
“Nagla-” Naputol ang anumang sasabihin ko ng may kamay ang bigla na lamang humawak sa aking balikat.
Malakas na nagtititili ako sabay yakap ng mahigpit sa aking anak upang proteksiyunan mula sa kung sinuman.
“Baby Girl...” Namamaos na tinig ni Carl Wayne ang narinig ko kasabay nang pagbagsak niya paupo sa aking tabi.
“Carl Wayne!” malakas na bulalas ko nang makita ang pagkarami-raming dugo sa kaniyang balikat.
Kumalas ako mula sa pagyakap kay Charlie saka tinulungan kong maayos sa pagkakasandal si Carl Wayne sa puno.
“Kailangan mong madala sa hospital,” saad ko sa kaniya.
Nanghihinang tumango lamang siya sa akin kasabay nang pag-angat ng palad niya pisngi ko upang masuyong humaplos doon.
Muli kong naramdaman ang init ng kaniyang haplos na ilang taon ko rin hinanap-hanap.
“S-sorry...” kandautal niyang sambit sa’kin.
Hindi ko alam kung ano ang maaari kong isagot sa sinabi niyang iyon. Pati ako’y naguguluhan na rin sa mga nangyayari sa amin.
“Mommy, I'm scared...” Nilingon ko ang anak kong takot na takot na nakatitig sa tumatagas na dugo mula sa balikat ni Carl Wayne.
“T-takot ka rin sa dugo, kid?” Nilinga ko si Carl Wayne na alanganing nakangiti kay Charlie habang titig na titig dito.
“Halika at dadalhin na muna kita sa ospital nang magamot na iyang sugat mo,” agaw pansin ko kay Carl Wayne nang mabaling sa’kin ang kaniyang atensyon.
“Charlie, can you please help me?” pakisuyo ko pa sa anak.
Mabilis na lumapit sa amin si Charlie at saka tumayo ako mula sa pagkakaupo upang alalayan si Carl Wayne na makatayo.
Humawak si Carl Wayne sa maliit na kamay ni Charlie at parang piniga ang puso ko nang ngumiti siya sa aming anak.
Pakiramdam ko ay ipinagdamot ko kay Carl Wayne ang ilang taon na sana ay magkasama sila ng kaniyang anak.
“May gusto ka bang sabihin, Baby Girl?” untag sa’kin ni Carl Wayne habang tahimik kaming naglalakad.
Ilang beses pa muna akong lumunok ng laway bago umiling-iling sa kaniya bilang tugon.
“I’m sorry, Carl Wayne...” piping usal ko sa aking isipan.