Chapter 4

1154 Words
“Hello, Baby Girl!” mapang-akit kong bati kay Marissa nang pumasok ako sa loob ng kaniyang opisina. “My gosh, Carl Wayne! Stop calling me in that endearment, naaasiwa ako!" asik sa’kin ni Marissa na tinawanan ko lamang. “Why?” malambing kong tanong sa kaniya na may kasamang pang-aasar habang tumatawa. “I know you, Carl Wayne!” makahulugang sambit nito. “And I know, who’s your real baby girl.” Natigilan ako sa kaniyang sinabi kasabay nang pag-alis ng matamis na ngiti sa’king labi. Matagal ko ng kasama si Marissa sa illegal kong gawain at siya na rin ang tumatayong sekretarya ko sa lahat ng mga legal na kumpanyang inilahad ko sa publiko. Walang sinuman sa ordinaryong tao ang nakakakilala sa’kin sapagkat ang legal kong kumpanya na kinikilala sa lipunan ay isang negosyong walang anumang bahid ng karahasan. Sino naman ang mag-aakalang ang hospital na itinayo ko ay isa palang panakip butas sa illegal kong gawain. Sa mata ng ordinaryong mamamayan, ako ay may mabuting puso na walang bahid ng anumang karahasan at hindi kayang pumatay ng tao. Pero sa mata ng mga kalaban, isa akong malupit na halimaw na kinatatakutan nilang kaharapin. Puro kalaban lang ang madalas na ipinadadala ko sa kabilang buhay para mabawasan din naman ang mga tulad kong masasama rito sa mundo. “Tsk!” Muling natuon ang paningin ko kay Marissa nang pumitik sa harapan ng mukha ko ang kaniyang kamay. Inabot niya sa’kin ang folder na alam ko na kung ano ang nilalaman. “They are your next target, and the client wants you to make sure that you’ll kill them, specially the young one,” makahulugang saad ni Marissa. Agad kong binuksan ang folder upang tingnan ang profile ng susunod kong mga target. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang larawan ni Justin Mondragon, ang asawa ng babaeng mahal ko. “A-anong atraso niya?” utal kong tanong kay Marissa. Alam kong kilala ni Marissa si Justin, dahil kagaya nga nang nabanggit niya, kilalang-kilala niya na ako. “Maybe, because of the business? I'm not sure!” kibit-balikat na tugon ni Marissa. “Business...” ulit ko sa sinabi niya sabay kabig paharap sa pader upang suntukin iyon. “Carl Wayne!” gulat na bulalas ni Marissa sabay tayo mula sa pagkakaupo. Pagak na natawa ako nang masilayan ang pag-agos ng dugo sa aking kamao, kasabay ng ‘di maiwasang pagbabalik alaala sa mainit naming nakaraan ni Krishna. “Promise me that you’ll be mine forever,” masuyong bulong ko sa likod ng tainga ni Krishna. Masuyong kinintilan ko siya ng halik sa labi at puno ng pagmamahal na hinagod ko ang isa niyang dibdib. Napaungol siya sa’king ginawa dahilan para lalo kaming mag-init na dalawa. “Babe!” nahihibang niyang usal. “Please make a promise, Babe,” may pagsusumamong pakiusap ko sa kaniya. Hibang na nga talaga ako sa kaniya dahil kinalimutan ko ang anumang atraso ng kanilang pamilya laban sa aming pamilya. Habang patuloy sa tunggalian ang mga pamilya namin, heto kaming dalawa ni Krishna na masayang ninanamnam ang piling ng isa't isa. Hindi ako pabor sa kung anumang alitan ng pamilya namin. Mahalaga sa’kin ang pagmamahalan naming dalawa ni Krishna, kaya handa akong talikuran ang mana ko. “Iyong-iyo lang ako, Babe. Pangako!” humahalinghing na wika nito. Kinabig ko siya at mariing siniil ng halik sa kaniyang labi na agad naman niyang tinugon hanggang sa tuluyang nauwi sa mainit na pagsasanib ng aming mga katawan. “Iwasan mo namang masugatan ng husto iyang kamao mo!” napapalatak na litanya sa’kin ni Marissa. Hinawakan niya ang kamao ko na napupuno ng dugo saka binalot iyon ng bimpo. “Wala ng halaga ang buhay ko, kaya h‘wag mo nang panghinayangan pa,” malungkot kong turan sa kaibigan. “You love him and I believe that she's still inlove with you,” pagpapakalma sa’kin ni Marissa. “Pero, bakit hindi ako ang pinili niyang makasama kung gano’n?” puno ng hinanakit kong tanong. “Wala siyang choice noon... Kaya kinakailangan niyang piliin sila,” mahinahong tugon ni Marissa. Punong-puno ng hinanakit ang puso ko sa ginawang pag-iwan sa’kin ni Krishna. Hindi ko alam kung bakit mas pinili niyang panigan ang kaniyang pamilya gayong sa kabila ng pagmamahalan naming dalawa ay nagsumpaan pa kaming walang iwanan. Nagtiwala akong pipiliin niya rin ako sa kabila ng hidwaan na kinakaharap ng pamilya namin. Pero, nagkamali ako ng akala dahil mas pinili niyang pumanig sa kaniyang pamilya. Sinubukan ko siyang kausapin ngunit iniwasan niya lamang ako. Umalis siya ng bansa na walang anumang paalam na inihabilin sa’kin. Ang pinakamasakit pa, sa kaniyang pagbalik ay tuluyang nawasak ang puso ko. Ikinasal siya kay Justin Mondragon! Walang pagsidlan ang galit ko kasabay nang pagguho ng aking mundo. Namuhay ako sa madilim na paligid kasama ng mga taong halang ang mga bituka at walang ibang alam gawin sa buhay kundi ang pumatay. Sinanay ko ang sariling humawak ng iba't ibang uri ng baril at nagpaka-professional sa pagpatay ng mga tao kapalit ng limpak-limpak na salapi. Nakilala ko ang iba’t ibang uri ng masasamang tao na may pangalan sa lipunan, kung saan itinatago ang mga tunay nilang identity sa pamamagitan ng mabuting pagpapanggap. Nagkaroon man ako ng totoong mga kaibigan sa illegal na gawain, hindi naman ako pinalad na magkaroon ng makakasama sa buhay na siyang babago sa aking kapalaran tulad ng kay Claude. Kaypalad ng g*gong ‘yon dahil sa kabila ng edad namin, natagpuan pa niya ang babaeng makakasama sa pagbabagong buhay. “Pagkakataon mo na ‘to para mabawi siya,” untag sa’kin ni Marissa. Mahinang pinisil niya ang kamao kong nilapatan ng lunas kung kaya napangiwi ako sa sakit na idinulot ng kaniyang pagpisil. Akala ko’y ‘di na ako makakaramdam ng anumang sakit dahil sobra-sobra na ang nakamit ko nang talikuran ako noon ng babaeng pinakamamahal ko. Ngunit isang maling akala lang pala ang lahat, dahil nasasaktan pa rin ako sa tuwing nasisilayan ko siyang masaya sa piling ng kaniyang asawa. Nasasaktan ako sa tuwing palihim kong sinusundan ang bawat lakad nila na puno ng kanilang pagmamahalan. Inaamin kong minsan kong nahiling na mapatay si Justin, ngunit napipigilan akong gawin iyon dahil sa huli’y bigo pa rin naman akong isagawa. Dahil sa tuwing nakikita ko si Krishna na masayang nakatitig sa mukha ng kaniyang asawa, nahihiling ko na lamang sa sarili na ako na lang sana ang lalaking tinititigan niya. Sinikap kong kalimutan si Krishna sa pamamagitan nang pagtanggap ng maraming trabaho mula sa illegal kong gawain, gayon na rin sa legal. Patuloy lamang nangulila ang puso ko kay Krishna, dahil sa tuwina’y madalas ko lang naaalala ang masasaya naming sandali. “Patayin mo si Justin Mondragon, ng muli mong mabawi si Krishna mula sa kanila.” Umukilkil sa aking isipan ang mga katagang binigkas ni Marissa. Makakaya ko na nga bang patayin ngayon ang lalaking minsan ko nang sinubok patayin noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD